100 Tales Of Horror

Por Kuya_Soju

475K 29.5K 6.3K

100 short horror stories. Best time to read? Bedtime... Más

TEASER
STORY #01: Glory Hole
STORY #02: Lost In The Woods
STORY #03: Whisper
STORY #04: Will Kill For Food
STORY #05: There Is Someone In Our House
STORY #06: Meet Up Nightmare
STORY #07: Visit
STORY #08: Invitation
AUTHOR'S NOTE
STORY #09: Letter
STORY #10: Talking Doll
STORY #11: Check Up
STORY #12: Chop, Chop, Chop
STORY #13: Not Home
STORY #14: Momo App
AUTHOR'S NOTE
STORY #15: Last Dance
STORY #16: Save The Turtles!
STORY #17: Monsters Are Not Real
STORY #18: Eyes Wide Open
STORY #19: Black Ribbons
STORY #20: Who's Dead?
STORY #21: Over My Dead Body
STORY #22: Video Call
STORY #23: Wrong Car
STORY #24: La Vendetta
STORY #25: Lockdown Diary
STORY #26: Unplugged
STORY #27: The Show Must Go On
STORY #28: Twin Sister
STORY #29: Take Home
STORY #30: Doll Eyes
STORY #31: Never Leave
STORY #32: Blink, Blink, Blink
STORY #33: 3:33
STORY #34: Copy, Copy, Copy
STORY #35: Bloody Mary
STORY #36: Let Me In
STORY #37: Piggyback
STORY #38: Meat Eater
STORY #39: Bangs
STORY #40: Twin Sister 2
STORY #41: Take Care Of My Baby
STORY #42: The Adopted
STORY #43: Messing With The Wrong House
STORY #44: Cuddle Weather
STORY #45: Suicide Note
STORY #46: Food For The Dead
STORY #47: Victim
STORY #48: Unfound
STORY #49: Knock, Knock, Knock
STORY #50: Caregiver
STORY #51: What's On Your Mind?
STORY #52: Back Home
STORY #53: Hit And Run
STORY #54: Smudge
STORY #55: Mirror On The Wall
STORY #56: 13th Floor
STORY #57: Shower At Night
STORY #58: Talk To Stranger
STORY #59: Yes/No
STORY #60: Fangirl
STORY #62: Intruder/s
STORY #63: Monster Beside You
STORY #64: The Better Half
STORY #65: The Ring
STORY #66: Knock, Knock, Knock 2
STORY #67: Till Death
STORY #68: When He Saw My Face
STORY #69: Bored In The House
STORY #70: Worms
STORY #71: The One In The Middle
STORY #72: Ben, Ted, Fred
STORY #73: Nightmare/ Dream
STORY #74: Creepy Woman
STORY #75: You're Not That Scary
STORY #76: Couple's Trouble
STORY #77: Pop, Pop, Pop
STORY #78: Jealousy Kills
STORY #79: Full Moon Killer
STORY #80: Pet
STORY #81: Lover's Quarrel
STORY #82: Crashed
STORY #83: Friendly Neighborhood
STORY #84: Lady In The Painting
STORY #85: Hotel de Moon
STORY #86: Mama's Love
STORY #87: All Eyes On Me
STORY #88: Secret Admirer
STORY #89: Birthday Wish
STORY #90: Finders Keepers
STORY #91: Cam On Me
STORY #92: New Housemate
STORY #93: Leave The Door Open
STORY #94: A Friend In Need
STORY #95: I Don't Feel Safe
STORY #96: Last House On That Street
STORY #97: Get The Party Started
STORY #98: How To Cheat Death?
STORY #99: Thy Womb
LAST AUTHOR'S NOTE
STORY #100: 100th Story

STORY #61: Home Buddy

3.6K 235 24
Por Kuya_Soju

DEDICATED TO: AlyasRuru (Ruru)





NAKITA ko ang totoong hirap ng buhay nang bumukod ako sa amin at kumuha ng hulugang bungalow-type house sa pamamagitan ng housing loan sa PAGIBIG. Isang taon pa lang akong nagbabayad ng bahay ay parang hindi ko na kaya.

Okay naman ang trabaho ko kaya lang sa dami ng dapat bilhin sa pinapagawa naming bahay sa probinsiya ay kinakapos na ako minsan.

Ayokong i-give up ang bahay dahil nanghihinayang ako sa perang pinag-down ko dito. Kaya isang paraan ang aking naisip at iyon ay ang maghanap ng isang tao na makakasama kong magbayad ng bahay hanggang sa makaluwag-luwag na ulit ako sa gastusin. Sa madaling salita ay papa-rentahan ko iyong isang bakanteng kwarto sa aking bahay.

Dalawa ang kwarto sa bahay ko. Tambakan ng mga lumang gamit iyong isa pero nilinis ko na at bumili na rin ako ng single bed. Ang lilipat na ang bahalang bumili ng kutson o foam niya.

Nag-post ako sa Facebook na naghahanap ako ng lalaking gustong rumenta sa kwarto sa aking bahay. Three thousand pesos ang kada buwan. Kasama na doon ang tubig at kuryente. Pwedeng gumamit ng mga gamit ko basta iingatan lang. Kaniya-kaniyang luto din ng pagkain.

Agad na may nag-chat sa akin na gusto niyang makita ang pinapaupahan kong kwarto at nagkasundo kami na pagka-out ko sa trabaho kami magkikita sa 7-Eleven na malapit sa subdivision kung saan ako nakatira. Max ang pangalan niya.

5:30 PM ay nasa meeting place na namin ako. Nauna pala siya sa akin. Isang payat at matangkad na lalaki si Max. makapal ang buhok at parang palaging inaantok ang mata. Kahit ang boses niya ay parang inaantok na tamad.

Well, mukha namang okay si Max at mapagkakatiwalaan kaya agad ko na siyang dinala sa bahay ko. Ipinakita ang kwarto na may katamtamang laki.

Nagbayad siya agad ng one month deposit at advance sa akin. Kukunin na daw niya. Bukas daw ng umaga ay lilipat na siya. Hiningan ko siya ng ID at nalaman kong nagtatrabaho siya sa isang BPO company.

The next day, wala akong pasok kaya naabutan ko ang pagdating ni Max. Tanging travelling bag lang ang dala niya. Hindi ko iyon inaasahan. Akala ko ay may dala siyang electric fan, kutson at kung anu-ano pang mga gamit na tipikal na dinadala ng isang taong lilipat ng bahay o uupahan.

Hindi ko na lang iyon pinansin dahil baka sa ibang araw pa niya dadalhin ang iba pa niyang gamit.

“Max, 'eto nga pala ang susi sa gate, sa pinto nitong bahay at sa kwarto mo.” Iniabot ko sa kaniya ang tatlong susi. Itinuro ko sa kaniya kung alin ang para saan sa mga susing iyon.

“Salamat, Ruru. Oo nga pala, isang buwan akong panggabi kaya palagi akong nandito sa umaga.”

“Ayos lang. Wala naman ako dito ng umaga. Gabi lang ako nandito dahil 8 to 5 ang pasok ko.”

Mabilis na lumipas ang mga araw at hindi ko namalayan na isang linggo na si Max sa bahay ko. Ayos siyang kasama. Hindi burara at maayos gumamit ng mga gamit ko. Hindi na rin kami nagkikita dahil kapag nasa trabaho ako ay nasa bahay siya at kapag siya naman ang nasa trabaho ay ako naman ang nasa bahay. Pabor sa akin iyon dahil feeling ko ay mag-isa pa rin ako sa aking bahay.

Isang araw, wala akong pasok. Umuwi si Max mula sa trabaho nito. May kasama siyang babae. Girlfriend niya yata. Medyo weird looking iyong babae. Poker face palagi at hindi nagsasalita. Ipinakilala siya sa akin ni Max.

Roma. Iyon ang pangalan ng babae. Matapos niyang ipakilala sa akin ay pumasok na sila sa kwarto. Matagal silang dalawa doon. Paglabas nila makalipas ang halos dalawang oras ay tulala iyong babae. Inihatid siya ni Max sa labas.

Nang bumalik si Max ay umupo siya sa tabi ko sa sofa. Nanonood ako ng TV.

“Girlfriend mo 'yon, 'no?” May halong panunudyong tanong ko.

Tumingin siya sa akin nang puno ng kaseyosohan ang mukha. “Bawal ba magdala ng bisita sa bahay mo, Ruru?” tanong niya imbes na sagutin ang aking tanong.

“Ah, e… Hindi naman. Walang problema sa akin kung hindi madami.” Hindi niya yata nagustuhan ang tanong ko. Baka isipin niya na pakialamero ako.

“Ang ayoko kasi ay pinapakialaman ako sa ginagawa ko sa buhay, Ruru.”

Teka, ang seyoso naman niya yata.

“P-pasensiya na.” Paghingi ko na lang ng paumanhin.

Parang ako pa talaga nahiya sa kaniya kahit ako may-ari ng bahay. Tumayo ako at iniwan siya sa salas.

Kinabukasan, akala ko ay wala si Max sa bahay kaya nagpatugtog ako ng mga kanta ng paborito kong banda. Nagulat ako nang lumabas si Max sa kwarto niya at madilim ang mukha.

“Hindi ka ba tinuruan ng magulang mo ng respeto, Ruru?” Napahinto ako sa pagpasok sa aking silid dahil sa sinabi niya.

Pinatay ko agad ang music. “Sorry. Akala ko kasi ay—” Pumasok siya sa kaniyang kwarto nang hindi man lang pinatapos ang aking sasabihin.

Anong nangyari do’n?

-----ooo-----

WALA akong pasok kaya naisipan kong gumala sa mall. Kumain ako sa labas at bumili ng isang bagong sapatos. Gabi na nang ako ay makauwi at nasa bahay si Max. Pagpunta ko sa kusina ay nakita ko ang isang malaking freezer. Iyong parang nasa 7-Eleven na nilalagyan ng mga tinitindang yelo. May lock iyon. Isang padlock na hindi naman ganoon kalaki.

Nang lumabas sa kwarto niya si Max ay tinanong ko siya. “Ikaw ang bumili ng freezer?”

“Ikaw ba ang bumili ng freezer, Ruru?” balik niyang tanong.

“Hindi.”

“Ilan ba tayo dito sa bahay mo?”

Nag-isip ako kung bakit niya ako tinatanong ng ganoon hanggang sa makuha ko na kung bakit. Okay. Basay ako doon. Oo nga naman. Malamang si Max ang bumili ng freezer dahil hindi ako. Dalawa lang naman kaming nandito sa bahay.

Hindi na ako nag-attempt na itanong kung ano ang gagawin niya sa freezer at baka hindi ko magustuhan ang isasagot niya. Napapansin ko kasi na medyo pabalang sumagot itong si Max kapag tinatanong ko. In-assume ko na lang na baka magtitinda siya ng mga frozen foods para kailanganin niya ng ganoong kalaki na freezer. Baka gusto niya ng extra na pagkakakitaan at walang masama doon.

Dahil na rin sa hindi ko masyadong nagugustuhan ang mga pagsagot ni Max sa akin ay hindi ko na siya kinakausap. Hinahayaan ko na lang siya basta ba magbabayad siya sa akin buwan-buwan ng upa niya. Mukhang hindi kami click na maging magkaibigan.

Lumipas pa ang mga araw at kahit minsan ay hindi ko nakita na binuksan ni Max ang freezer na dinala niya sa bahay ko kaya mukhang mali ako na nagtitinda siya ng frozen foods. Dahil doon ay na-curious tuloy ako kung ano ang laman ng freezer. Sigurado ako na meron iyong laman dahil nakasaksak, e. Tapos parang ayaw pa niyang ipaalam sa akin ang laman dahil may lock.

Isang gabi, pag-uwi ko sa bahay ay nagulat ako nang may mga taong puro nakasuot ng itim na t-shirt ang lumabas sa kwarto ni Max. Siguro ay mga anim na lalaki at kasama iyong babaeng isinama niya dati na si Roma. Puro mapupula ang mga mata kaya nagkaroon ako ng hinala na gumamit sila ng drugs o kung anong bawal na gamot. Sabay-sabay na umalis ang mga iyon at iniwan si Max.

Akmang papasok na si Max sa kwarto niya nang sitahin ko siya. “Max, ano iyon? Bakit ang dami mong pinapuntang tao dito sa bahay ko? Ayos lang na isa o dalawa pero iyong ganoong kadami ay hindi okay sa akin.” Hindi ko na napigilang mainis sa kaniya.

“Nagbabayad ako sa bahay mo, Ruru,” aniya.

“Kahit na. Ano bang ginawa ninyo?” usisa ko. May naaamoy akong kung ano na nanggagaling sa loob ng kwarto niya. Amoy ng parang sinunog na mga bulaklak at dahon. Basta hindi ko maintindihan ang amoy.

“Wala kang pakialam. Hayaan mo at ilang araw na lamang ako dito.” Pagkasabi niya niyon ay tuluyan na siyang pumasok ng kaniyang kwarto.

Naiwan akong nakanganga. Tama ba ang narinig ko? Malapit na siyang umalis?

Aba, kung ganoon ay walang problema sa akin. Oo, kailangan ko ng uupa sa kwartong iyon pero kung hindi ko naman kasundo at balasubas magsasagot ay kahit huwag na. Marami pa diyang ayos na tao na pwedeng pumalit kay Max.

Sa sumunod na araw ay nakita kong nasa bahay si Roma. Sinabi niya na doon daw muna siya ayon kay Max. Mukhang mas okay si Roma kesa kay Max kaya sa kaniya ko itinanong kung alam niya ang laman ng freezer.

Ngumisi lang siya at hindi ako sinagot. Ang weird.

Maya maya ay dumating na si Max at nagkulong na naman ang mga ito sa kwarto. Habang nanonood ako sa salas ng TV ay may nauulinigan ako sa loob ng kwarto ni Max. Mga salitang hindi ko maintindihan. Nag-uusap yata sila ng pabulong.

Ilang sandali pa ay lumabas na si Roma. Gabi na. Tulala at mapula ang mata.

Lumabas ito at sumunod si Max sa babae. Pagtingin ko sa pinto ng kwarto niya ay nakaawang iyon. Tila may boses sa loob ng ulo ko na nagsasabing tingnan ko kung ano ang meron sa loob ng kwartong iyon. Simula kasi nang may dalhin na mga tao si Max sa bahay ko ay na-curious na rin ako sa kung ano ba talaga ang ginawa ng mga ito doon.

Sumilip ako sa bintana. Hindi ko nakita sina Max. Baka umalis sila.

Nagmamadali akong tumayo at tumakbo papunta sa pinto ng kwarto ni Max.

Pumasok ako at labis akong nagimbal sa aking nakita. May isang malaking rebulto ng parang isang halimaw sa isang sulok ng kwarto! Ang ulo niyon ay sa kambing at ang katawan ay sa tao. Sa paanan niyon ay may anim na itim na kandila. Ang kakaibang amoy na naamoy ko dati ay mula sa mga tila insenso na nakatusok sa buhangin na nakalagay sa palayok.

Malinaw na sa akin na isang satanista si Max!

Hindi na ako makakapayag na magtagal pa siya dito. Kailangan ko na siyang paalisin!

Sa paglabas ko ng kwarto ay naalala ko iyong freezer. Bigla akong kinilabutan nang maisip na baka bangkay ng tao o parte ng katawan ng tao ang laman niyon!

Kailangan kong malaman bago pa siya bumalik nang sa gayon ay makatawag ako ng pulis kapag tama ang aking hinala.

Kinuha ko ang isang bakal na tubo sa ilalim ng lababo. Tumayo ako sa tapat ng freezer na hawak iyon.

“Ilang araw din akong halos mabaliw sa kakaisip kung ano ba talaga ang laman mo. Ngayon, malalaman ko na…” sabi ko pa at gamit ang tubo ay buong lakas kong winasak ang lock ng freezer.

Pagkasira ko ay inalis ko ang lock at marahang binuksan ang takip niyon.

Inaasahan ko nang hindi kanais-nais ang aking makikitang lamang ng freezer ngunit napakunot-noo ako nang malaman na walang laman iyon.

“Ha? W-walang laman?” Hindi makapaniwalang bulalas ko.

Natigilan ako nang may marinig akong yabag ng paa sa aking likuran.

“Wala pa talagang laman iyan…” si Max. “Ngayon pa lang magkakaroon!”

Pagharap ko ay napaatras ako dahil ilang dangkal na lang pala ang layo ni Max sa akin. Hindi ko nakita ang hawak niyang baseball bat kaya wala akong nagawa nang malakas niyang ihampas iyon sa aking ulo. Naging sanhi iyon para agad akong mawalan ng malay at hindi na nalaman pa ang sinapit ko sa kamay ni Max…




THE END

Seguir leyendo

También te gustarán

8.4K 746 23
MHST Volume 3: ANG BALON - Sa mahabang panahon ng pangangasera ng isang pamilya sa siyudad, malaking surpresa ang pagdatal ng isang biyaya mula sa ka...
20.2M 452K 79
AlphaBakaTa Trilogy [Book1]: Alphabet of Death (The Arrival of Unforgiveness) Handa ka na bang harapin ang iyong kamatayan sa pamamagitan ng letrang...
9.9M 190K 32
"It was just one night... One night that ruined the years we shared. One night that ruined the forever we're about to build."
2.2M 75.2K 22
"If you think you are safe... think again." Mysterious things happened after Cristina had an accident. She often saw a scary woman who was defiled a...