100 Tales Of Horror

By Kuya_Soju

475K 29.4K 6.3K

100 short horror stories. Best time to read? Bedtime... More

TEASER
STORY #01: Glory Hole
STORY #02: Lost In The Woods
STORY #03: Whisper
STORY #04: Will Kill For Food
STORY #05: There Is Someone In Our House
STORY #06: Meet Up Nightmare
STORY #07: Visit
STORY #08: Invitation
AUTHOR'S NOTE
STORY #09: Letter
STORY #10: Talking Doll
STORY #11: Check Up
STORY #12: Chop, Chop, Chop
STORY #13: Not Home
STORY #14: Momo App
AUTHOR'S NOTE
STORY #15: Last Dance
STORY #16: Save The Turtles!
STORY #17: Monsters Are Not Real
STORY #18: Eyes Wide Open
STORY #19: Black Ribbons
STORY #20: Who's Dead?
STORY #21: Over My Dead Body
STORY #22: Video Call
STORY #23: Wrong Car
STORY #24: La Vendetta
STORY #25: Lockdown Diary
STORY #26: Unplugged
STORY #27: The Show Must Go On
STORY #28: Twin Sister
STORY #29: Take Home
STORY #30: Doll Eyes
STORY #31: Never Leave
STORY #32: Blink, Blink, Blink
STORY #33: 3:33
STORY #34: Copy, Copy, Copy
STORY #35: Bloody Mary
STORY #36: Let Me In
STORY #37: Piggyback
STORY #38: Meat Eater
STORY #39: Bangs
STORY #40: Twin Sister 2
STORY #41: Take Care Of My Baby
STORY #42: The Adopted
STORY #43: Messing With The Wrong House
STORY #44: Cuddle Weather
STORY #45: Suicide Note
STORY #46: Food For The Dead
STORY #47: Victim
STORY #48: Unfound
STORY #49: Knock, Knock, Knock
STORY #50: Caregiver
STORY #51: What's On Your Mind?
STORY #52: Back Home
STORY #53: Hit And Run
STORY #54: Smudge
STORY #55: Mirror On The Wall
STORY #57: Shower At Night
STORY #58: Talk To Stranger
STORY #59: Yes/No
STORY #60: Fangirl
STORY #61: Home Buddy
STORY #62: Intruder/s
STORY #63: Monster Beside You
STORY #64: The Better Half
STORY #65: The Ring
STORY #66: Knock, Knock, Knock 2
STORY #67: Till Death
STORY #68: When He Saw My Face
STORY #69: Bored In The House
STORY #70: Worms
STORY #71: The One In The Middle
STORY #72: Ben, Ted, Fred
STORY #73: Nightmare/ Dream
STORY #74: Creepy Woman
STORY #75: You're Not That Scary
STORY #76: Couple's Trouble
STORY #77: Pop, Pop, Pop
STORY #78: Jealousy Kills
STORY #79: Full Moon Killer
STORY #80: Pet
STORY #81: Lover's Quarrel
STORY #82: Crashed
STORY #83: Friendly Neighborhood
STORY #84: Lady In The Painting
STORY #85: Hotel de Moon
STORY #86: Mama's Love
STORY #87: All Eyes On Me
STORY #88: Secret Admirer
STORY #89: Birthday Wish
STORY #90: Finders Keepers
STORY #91: Cam On Me
STORY #92: New Housemate
STORY #93: Leave The Door Open
STORY #94: A Friend In Need
STORY #95: I Don't Feel Safe
STORY #96: Last House On That Street
STORY #97: Get The Party Started
STORY #98: How To Cheat Death?
STORY #99: Thy Womb
LAST AUTHOR'S NOTE
STORY #100: 100th Story

STORY #56: 13th Floor

3.8K 252 28
By Kuya_Soju

DEDICATED TO: miyaki_ni_molly (Melody)







“MELODY, anong nangyari? Bakit ka umiiyak?” Nagtataka at nag-aalalang tanong ng babaeng katrabaho at kaibigan ni Melody sa kaniya nang maabutan siya nitong umiiyak sa comfort room ng building kung saan sila nagtatrabaho bilang office staff.

“Hayop siya! Niloloko niya lang pala ako!” Patuloy siya sa pag-iyak.

“Ha? Sino?”

“Iyong boyfriend ko! May iba siyang babae! Hayop siya! Ayoko na siyang makita!”

Tinawagan niya kasi ang boyfriend niya kanina at isang babae ang sumagot. Tinarayan pa siya ng babae nang sabihin niyang siya ang girlfriend ng may-ari ng phone na tinawagan niya.

Natahimik ang katrabaho si Melody. “Gusto mo bang gumanti?” tanong nito.

Maang na napatingin siya dito. “Ha? Gumanti?”
“Oo.”

“Paano?”

“Alam mo ba iyong kwento sa building na ito? Iyong tungkol sa 13th floor?”

Umiling siya. “Hindi ko alam. Saka anong 13th floor ang sinasabi mo? Wala namang 13th floor dito dahil sa naniniwala ang owner ng building na ito na malas ang number na iyon.” Unti-unti nang nawawala ang iyak ni Melody.

“Meron, Melody. Ang sabi kasi nila kapag sumakay ka ng elevator at may nakita kang button para sa 13th floor ay pindutin mo agad. Kapag nasa 13th floor ka na at bumukas ang pinto ng elevator ay pwede kang humiling ng kahit na ano at tutuparin iyon ng 13th floor. Dapat mong bilisan ang pagsabi ng hiling mo bago magsara ulit ang pinto ng elevator. Iyon nga lang, sa piling tao lang nagpapakita ang 13th floor…”

Labis na na-werduhan si Melody sa narinig. Umurong tuloy nang tuluyan ang luha niya. “Joke ba 'yan? Naniniwala ka pala sa mga ganiyang kwento.” Bahagya pa siyang natawa.

Nagulat siya nang hawakan siya ng katrabaho niya sa braso at lumapit pa ito sa kaniya. “Naalala mo ba iyong muntik na akong maalis sa trabaho dahil nahuli akong nag-uuwi sa bahay ng office supplies? Humiling ako sa 13th floor na huwag sana akong maalis sa trabaho. Tingnan mo, hanggang ngayon ay nandito pa ako. Last year pa iyon. Ilang beses kong sinubukan ulit na umakyat sa 13th floor pero hindi na ulit iyon nagpakita sa akin. Siguro, isang beses lang talaga nagpapakita ang 13th floor sa isang tao.”

Malaki man ang pagdududa ni Melody sa sinabing iyon ng kaniyang katrabaho ay natagpuan pa rin niya ang sarili na nasa harapan ng elevator. Kaka-out lang niya pero naisipan niyang subukan kung magpapakita ba sa kaniya ang 13th floor.

Huminga muna siya nang malalim at pinindot ang UP button. Maya maya ay bumukas na ang pinto ng elevator at sumakay na siya.

Ganoon na lang ang pagkamangha niya nang may nakita siyang number 13 sa button ng mga palapag sa elevator na kaniyang sinakyan.

Nanginginig ang kamay na pinindot niya ang number 13. Kasunod niyon ay unti-unting sumara ang pinto at umakyat na ang elevator. Malakas ang kabog ng dibdib niya at panay ang usal na sana ay totoo ang kwento sa 13th floor.

Habang umaakyat ang elevator ay iniisip din niya ang kaniyang hihilingin. Masyado siyang nasaktan sa ginawa ng boyfriend niya sa kaniya. Tatlong taon na sila sana sa susunod na buwan. Ito na ang nakikita niya na makakasama sa pagtanda tapos niloloko lang pala siya nito!

Ting!

Napapitlag si Melody nang marahang bumukas ang pinto ng elevator. Nakita niya na number 13 ang nakalagay sa itaas ng pinto. Ibig sabihin ay totoong merong 13th floor sa building na ito!

Kadiliman lang ang nakikita niya sa labas ng elevator. Walang hanggang kadiliman. May malamig na hangin na humahaplos sa buong katawan niya.

Labis na nataranta si Melody nang unti-unti nang sumasara ang pinto.

Bigla niyang naalala ang sinabi ng katrabaho niya. “Dapat mong bilisan ang pagsabi ng hiling mo bago magsara ulit ang pinto ng elevator…”

Pumikit si Melody at mabilis na nagsalita. “Ayoko nang makita ang boyfriend ko! Ayoko nang makita ang hayop na iyon dahil masasaktan lang ako kapag makikita ko pa ang pagmumukha niya! Ayoko nang—” Napahinto siya nang marinig ang pagsara ng pinto ng elevator.

Sa pagmulat ni Melody ay nakita niya na number 14 na ang nasa itaas ng pinto. Nawala na rin ang number 13 sa button ng mga floors.

Matutupad na kaya ang hiling niya? Sana naman.

Kung hindi ay wala ring masama. Atleast nagtry siya.

Pinindot na niya ang number 1 sa button pero hindi na gumalaw ang elevator. Ang akala niya ay makukulong siya doon pero sa hindi maipaliwanag na dahilan ay bumukas ang pinto. Dahil sa tingin niya ay nasira ang elevator ay lumabas na siya doon at nagdesisyon na gamitin ang hagdan sa pagbaba. Iisa lang kasi ang elevator sa building na iyon. Luma na kasi iyon at hindi na pina-renovate ng owner.

Mag-isang bumaba ng hagdan si Melody. Wala nang ilaw ang mga floors na dinadaanan niya dahil uwian na lahat ng nagtatrabaho doon.

Nang nasa 8th floor na siya ay may narinig siyang yabag ng sapatos sa likuran niya. Natakot siya na baka may taong nakasunod sa kaniya.

Inilabas niya sa shoulder bag ang isang gunting na may matutulis na dulo. “Subukan mo lang na may gawing hindi maganda sa akin, hindi ka sasantuhin ng gunting ko!” bulong ni Melody habang mahigpit na hawak ang gunting.

Naglakad na ulit siya pababa. Ngunit hindi pa man siya nakakaalis sa 8th floor ay narinig niya na pabilis na nang pabilis ang yabag ng sapatos na para bang tumatakbo na iyon papunta sa kaniya.

Malakas na napasigaw si Melody sa takot. Nagmamadali siyang bumaba ng hagdan.

Sa hindi inaasahang pangyayari ay natapilok siya at nadapa. Nabitawan niya ang hawak na gunting habang mabilis siyang dumadausdos ng nakatihaya pababa ng hagdan. Huminto siya nang magawa niyang makakapit sa railings sa gilid ng hagdan.

Pagtingin niya sa itaas ay doon niya nakita ang gunting na mabilis na bumulusok papunta sa kaniyang mukha. Nakabuka na iyon.

Hindi na niya nagawa pang umiwas nang tumusok ang dalawang matutulis na dulo niyon sa magkabila niyang mga mata!

“Ayoko nang makita ang boyfriend ko! Ayoko nang makita ang boyfriend ko!” Paulit-ulit na umaalingawngaw sa loob ng ulo ni Melody ang hiniling niyang iyon sa 13th floor kanina.







THE END

Continue Reading

You'll Also Like

692K 48.2K 74
During the spread of the deadliest virus in 2054 Philippines, Santhy Gozon struggles to survive to reach the last quarantine. *** A sixteen-year-old...
27.5M 700K 33
Based on true story. A psychological Romance-Horror-Paranormal novel by Jamille Fumah. Please read with caution. Highest rank: Consistent #1 both in...
475K 29.4K 104
100 short horror stories. Best time to read? Bedtime...
20.2M 451K 79
AlphaBakaTa Trilogy [Book1]: Alphabet of Death (The Arrival of Unforgiveness) Handa ka na bang harapin ang iyong kamatayan sa pamamagitan ng letrang...