100 Tales Of Horror

By Kuya_Soju

486K 30K 6.3K

100 short horror stories. Best time to read? Bedtime... More

TEASER
STORY #01: Glory Hole
STORY #02: Lost In The Woods
STORY #03: Whisper
STORY #04: Will Kill For Food
STORY #05: There Is Someone In Our House
STORY #06: Meet Up Nightmare
STORY #07: Visit
STORY #08: Invitation
AUTHOR'S NOTE
STORY #09: Letter
STORY #10: Talking Doll
STORY #11: Check Up
STORY #12: Chop, Chop, Chop
STORY #13: Not Home
STORY #14: Momo App
AUTHOR'S NOTE
STORY #15: Last Dance
STORY #16: Save The Turtles!
STORY #17: Monsters Are Not Real
STORY #18: Eyes Wide Open
STORY #19: Black Ribbons
STORY #20: Who's Dead?
STORY #21: Over My Dead Body
STORY #22: Video Call
STORY #23: Wrong Car
STORY #24: La Vendetta
STORY #25: Lockdown Diary
STORY #26: Unplugged
STORY #27: The Show Must Go On
STORY #28: Twin Sister
STORY #29: Take Home
STORY #30: Doll Eyes
STORY #31: Never Leave
STORY #32: Blink, Blink, Blink
STORY #33: 3:33
STORY #34: Copy, Copy, Copy
STORY #35: Bloody Mary
STORY #36: Let Me In
STORY #37: Piggyback
STORY #38: Meat Eater
STORY #39: Bangs
STORY #40: Twin Sister 2
STORY #41: Take Care Of My Baby
STORY #42: The Adopted
STORY #43: Messing With The Wrong House
STORY #44: Cuddle Weather
STORY #45: Suicide Note
STORY #46: Food For The Dead
STORY #47: Victim
STORY #48: Unfound
STORY #49: Knock, Knock, Knock
STORY #51: What's On Your Mind?
STORY #52: Back Home
STORY #53: Hit And Run
STORY #54: Smudge
STORY #55: Mirror On The Wall
STORY #56: 13th Floor
STORY #57: Shower At Night
STORY #58: Talk To Stranger
STORY #59: Yes/No
STORY #60: Fangirl
STORY #61: Home Buddy
STORY #62: Intruder/s
STORY #63: Monster Beside You
STORY #64: The Better Half
STORY #65: The Ring
STORY #66: Knock, Knock, Knock 2
STORY #67: Till Death
STORY #68: When He Saw My Face
STORY #69: Bored In The House
STORY #70: Worms
STORY #71: The One In The Middle
STORY #72: Ben, Ted, Fred
STORY #73: Nightmare/ Dream
STORY #74: Creepy Woman
STORY #75: You're Not That Scary
STORY #76: Couple's Trouble
STORY #77: Pop, Pop, Pop
STORY #78: Jealousy Kills
STORY #79: Full Moon Killer
STORY #80: Pet
STORY #81: Lover's Quarrel
STORY #82: Crashed
STORY #83: Friendly Neighborhood
STORY #84: Lady In The Painting
STORY #85: Hotel de Moon
STORY #86: Mama's Love
STORY #87: All Eyes On Me
STORY #88: Secret Admirer
STORY #89: Birthday Wish
STORY #90: Finders Keepers
STORY #91: Cam On Me
STORY #92: New Housemate
STORY #93: Leave The Door Open
STORY #94: A Friend In Need
STORY #95: I Don't Feel Safe
STORY #96: Last House On That Street
STORY #97: Get The Party Started
STORY #98: How To Cheat Death?
STORY #99: Thy Womb
LAST AUTHOR'S NOTE
STORY #100: 100th Story

STORY #50: Caregiver

4.4K 297 34
By Kuya_Soju

DEDICATED TO: hikari_o25 (Evangeline)





UNANG tapak pa lang ni Evangeline sa malaki at lumang bahay ng mayamang pamilya na Madrigal ay kakaiba na ang naging pakiramdam niya. Habang naghihintay sa salas para kausapin ng kaniyang magiging amo ay tila nararamdaman niyang may matang nakamasid sa kaniya. Kapag lumilinga siya ay wala naman siyang nakikita.

Mahahalata agad na mayaman ang nakatira sa bahay na iyon. Halos lahat ng muwebles ay kulay ginto.

Napatingin siya sa malaking painting ng isang babae na nakasabit sa dingding. Mukhang lumang tao ang babae pero maganda ang kasuotan. Mataray tingnan ang mukha ng babae. Napatayo tuloy si Evangeline para matitigan nang maigi ang painting ng babae. Nilapitan pa niya iyon at tiningala.

“Iyan si Donya Margarita Madrigal noong kabataan pa niya. Siya ang matandang aalagaan mo, Evangeline!”

Muntik nang magmura si Evangeline sa labis na gulat nang may babaeng magsalita mula sa kung saan. Nakita niya ang isang babae na pababa ng engrandeng hagdan na siguro ay nasa singkwenta anyos na ngunit maganda pa rin ang tindig at ang pagdadala ng damit. Napaka sopistikada nitong tingnan.

Nahiya tuloy siya sa suot niyang blouse at pantalon. Pakiramdam niya ay isa siyang basahan kung itatabi sa babaeng iyon.

Nandito siya sa bahay ng mga Madrigal dahil nakita niya sa isang Facebook group ang post ng isang nagngangalang Mathilda Madrigal na nangangailangan ito ng caregiver para sa nanay nito na bedridden na.

Natanggal siya sa ospital na pinagtatrabahuhan niya. Ward nurse siya doon. Kaya agad niyang minessage si Mathilda upang sabihin na interesado siya sa trabaho na iyon.

Hindi siya pwedeng mabakante dahil siya ang inaasahan sa pamilya niya. May dalawang kapatid siya sa highschool at dalawa sa elementary. Ang nanay niya ay hindi na makapagtrabaho dahil hindi na rin ito nakakakilos dahil sa ilang beses na itong na-stroke. Ang tatay niya ay wala na. Isang taon na itong patay.

“Good morning po, Ma’am Mathilda.” Bahagya pang yumukod si Evangeline. Nakilala niya ito sa picture nito sa Facebook.

“Call me Madam Mathilda. I know you’re Evangeline. Come. Sumunod ka sa akin sa itaas. Ipapakilala kita kay mama!”

Nagtungo sila sa isang napakalaking silid-tulugan. Mas malaki iyon ng ilang beses sa kabuuan ng kanilang bahay. Sa gitna ay naroon ang malaking kama na kulay ginto ang bed sheet. May katabi iyong kama na ganoon din ang hitsura pero walang nakahiga.

Lumapit sila at nakita niya ang isang matandang babae na ubod ng payat. Halos buto’t balat na lamang. May itim na kumot na nakalagay hanggang beywang nito pababa. May mga tubong nakakabit sa katawan ng matandang babae. Mahaba ang buhok nito na puro kulay puti na. Napakaputi nito na parang papel.

“This is my mother—Margarita Madrigal. Siya ang aalagaan mo for thirteen days. Wala kang gagawin kundi palitan ang dextrose niya, palitan siya ng diaper, punasan siya at palitan ng damit. She’s in coma kaya siya ganiyan. Ikaw ang kinuha ko dahil ang sabi mo sa chat ay nurse ka. Tama ba?”

“Tama po, madam. Sanay po ako sa mga nasabi ninyong dapat kong gawin.”

Sandali siyang iniwan ni Mathilda. Pagbalik ay may inabot itong isang kulay puting envelope.

“Iyan na ang sweldo mo. Full na iyan. That’s fifty thousand pesos. Ibinigay ko na agad dahil aalis ako. Mawawala ako dito ng fourteen days.” Paliwanag ni Mathilda. “Saka para mabantayan mo si mama nang mabuti ay dito ka na matulog sa kwarto niya. Diyan ka sa bed na katabi ng bed niya.”

“Naku, nakakahiya naman po. Parang ang sosyal ng higaan na iyan.”

“Diyan ka matutulog tuwing gabi,” giit ni Mathilda.

“Sige po, madam.” Pagpayag ni Evangeline.

Nang araw din na iyon ay umalis na si Mathilda. Ipinakilala siya nito sa limang kasambahay na puro babae. Kapag may kailangan daw siya ay huwag siyang mahihiyang magsabi sa mga iyon.

Agad na ipinadala ni Evangeline sa pamilya niya ang perang ibinigay ni Mathilda upang may panggastos ang mga ito. Tamang-tama dahil humihingi ng pera ang mga kapatid niya sa kaniya para sa mga bayarin sa eskwelahan.

-----ooo-----

NAPAKALAKI ng bahay ng mga Madrigal. Tuwing may libreng oras ay naglilibot-libot si Evangeline. Ang paborito niyang lugar ay ang garden sa likuran dahil sa tahimik doon. Nakakalungkot lang dahil puro patay na ang mga tanim na naroon.

Naging normal ang limang magkakasunod na gabi ni Evangeline. Halos hindi siya napapagod sa pag-aasikaso kay Donya Margarita dahil hindi ito gumagalaw. Nasanay na rin siya kahit paano na matulog sa magandang kama sa tabi ng higaan ng matanda.

Ngunit sa ika-anim na gabi ay doon na nagsimula ang kakaibang karanasan ni Evangeline…

Mahimbing ang tulog ni Evangeline nang bigla siyang magising sa isang malakas na sigaw ng isang babae. Pagbangon niya ay nakita niya ang bulto ng katawan ni Donya Margarita na nakaupo at sumisigaw na para bang nasasaktan ito. Madilim ang buong silid kaya ang bulto lang ang naaanigan niya.

Natatarantang tumayo si Evangeline upang buksan ang ilaw. Ngunit sa pagbaha ng liwanag sa kabuuan ng silid ay nakita niyang nakahiga at nakapikit si Donya Margarita. Walang indikasyon na gumalaw ito.

Pero ano iyong nakita niya sa dilim na nakaupo ito at sumisigaw? Hindi iyon isang panaginip dahil dinig na dinig niya ang nakakakilabot nitong mga sigaw.

Kinabukasan ng umaga ay inaantok si Evangeline dahil hindi siya nakatulog nang maayos. Natakot na kasi siya.

Sa ika-pitong gabi nang kukumutan na niya si Donya Margarita ay biglang bumukas ang mga mata nito. Malaki at bilog ang mga mata ng matanda. Nagulat siya at napasigaw nang mahigpit siyang hawakan nito sa isa niyang braso.

Para siyang napapaso sa hawak ni Donya Margarita. Nagsisigaw na siya sa sakit. Nang bitawan nito ang braso niya ay nagkaroon iyon ng kulay itim na marka na parang pasa. Bumakat sa balat niya ang kamay ng matanda.

Bumalik din agad ang matanda sa pagkakatulog na para bang walang nangyari.

Sa ikawalong gabi, habang natutulog ay nagising si Evangeline sa pag-iyak ni Donya Margarita. Habang sa ika-siyam na gabi ay humahalakhak naman ito. Sa tuwing bubuksan niya ang ilaw ay makikita niya na nakapikit ito.

May mali. Sigurado si Evangeline na may mali kay Donya Margarita. Kaya tinawagan niya ang anak nito na si Mathilda upang sabihin ang mga naranasan niya. Pero tinawanan lang siya nito.

“Imposible ang sinasabi mo, Evangeline. Comatose si mama kaya paano siya iiyak, tatawa at gagalaw? That is so imposible!”

“Iyon na nga, madam. Kaya po nagtataka ako.”

“You know, Evangeline, nasa vacation ako here sa Maldives. Binayaran kita ng malaki para alagaan ang mother ko at hindi para istorbohin ako at magsumbong ng mga bagay na imposibleng mangyari. Naiintindihan mo ba?”

“O-opo, madam. P-pasensiya na po…” At pinutol na ni Mathilda ang pag-uusap nila sa telepono.

------ooo-----

IKA-SAMPUNG gabi. Alas dos na ng madaling araw pero mulat na mulat pa rin ang mata ni Evangeline. Ayaw na niyang matulog. Ayaw na niyang patayin ang ilaw dahil kapag madilim at tulog siya ay saka may nangyayaring kababalaghan kay Donya Margarita. Iyon ay base sa kaniyang obserbasyon sa mga nakalipas na gabi. Maliban na lang noong hinawakan siya nito sa braso at ang marka ay nasa balat niya pa rin hanggang ngayon.

Kaunting tiis na lang, Evangeline. Ngayong gabi at tatlong gabi na lamang ay tapos na ang trabaho mo dito… pagbibigay niya ng lakas ng loob sa sarili.

Pipikit-pikit na siya. Mabigat na ang talukap ng kaniyang mata. Antok na antok na talaga siya. Maya maya nga ay tuluyan nang nagsara ang mga mata niya.

Hindi pa man siya nakakatagal sa pagkakapikit ay naramdaman niya na umuuga nang malakas ang kaniyang kinahihigaan. Agad siyang bumalikwas nang bangon at napasigaw nang makitang inuuga ni Donya Margarita ang kaniyang kama habang may malaking ngiti sa labi.

Sa takot ni Evangeline ay napatakbo siya palabas ng kwarto at sa pagbaba niya ng hagdan ay nakasalubong niya ang isa sa mga kasambahay. Sinabi niya dito ang nangyari ngunit nang balikan nila si Donya Margarita ay nakahiga na ulit ito sa higaan nito at walang senyales na gumalaw ito.

Iiling-iling na lang na lumabas ang kasambahay.

Ano ba ang nangyayari? Hindi niya maipaliwanag kung anong meron kay Donya Margarita at sa kaniya lang nito ipinapakita ang mga bagay na iyon.

-----ooo-----

HINDI pa rin huminto si Donya Margarita sa pagpapakita ng nakakatakot na bagay kay Evangeline. Palagi nang nakabukas ang ilaw at wala siyang balak na patayin iyon sa labis na takot kay Donya Margarita.

Sa ika-labing isang gabi niya na natutulog sa silid ng matanda ay nakita niyang nakatayo ito sa gilid ng kama niya. Titig na titig ito at bumubuka ang bibig na parang may ibinubulong na mga salitang hindi niya maintindihan. Bago pa siya makasigaw ay naglakad ito pabalik sa kama nito at humiga na parang walang nangyari.

Sa ika-labing dalawang gabi naman ay nagising siya sa malalakas na yabag. Kitang-kita niya na tumakbo sa isang sulok ng silid si Donya Margarita at biglang tumakbo papunta sa kaniya. Malakas na napasigaw si Evangeline. Itinakip niya ang mga kamay sa mukha. Lumipas ang ilang segundo pero walang matanda na lumapit sa kaniya.

Paglingon niya sa kama nito ay nakahiga doon ang matanda.

Takot na takot na napaiyak si Evangeline. Gusto na niyang umalis sa bahay na iyon dahil parang mababaliw na siya sa labis na takot ngunit iniisip niya na bayad na siya doon. Kailangan niyang tapusin ang trabaho niya.

Hindi bale. Bukas ay huling gabi na niya dito. Makakauwi na siya sa kanila. Matatapos na rin ang mga nakakatakot na bagay na nakikita niya sa bahay ng mga Madrigal…

-----ooo-----

IKA-LABING TATLONG gabi—ang huling gabi ni Evangeline sa pag-aalaga kay Donya Margarita. Sisikapin niyang huwag matulog sa pag-asang wala na siyang makikitang kababalaghan kung gising siya. Ngunit gaya ng ibang gabi ay hindi siya nagtagumpay. Nakatulog siya.

Sa gitna ng pagtulog ni Evangeline ay may naramdaman siyang mabigat na bagay na nakadagan sa may dibdib niya. Sa pagbukas ng mata niya ay nanlaki ang mata niya nang makitang nakaupo si Donya Margarita sa kaniyang dibdib.

Sisigaw sana siya pero bigla siyang sinakal nang matanda. Kahit napakapayat nito ay walang wala siya sa lakas nito.

Napanganga si Evangeline. Pilit siyang sumasagap nang hangin. Hindi niya magawang igalaw ang buong katawan sa hindi maintindihang dahilan. Ang tanging naigagalaw lang niya ay ang bibig at mga mata.

Diyos ko! Tulungan Mo po ako! Piping dasal ni Evangeline.

Takot na takot siya ng sandaling iyon. Kulang na lang ay mawalan siya ng ulirat.

Nag-umpisang bumulong-bulong ang matanda. Palakas nang palakas. Hindi niya maintindihan ang mga salitang lumalabas sa bibig nito. Hanggang sa tumirik ang mata nito at naging purong puti iyon.

Ngumanga si Donya Margarita. Itinapat nito ang bibig sa bibig niya at may lumabas na kulay itim na likido mula doon. Nainom niya ang karamihan sa mga likido. Mapait iyon. Napakapait!

Umalis lang ang matanda sa ibabaw niya nang wala nang lumalabas sa bibig nito. Bumalik ito sa higaan nito at humiga.

Hindi pa rin magawang igalaw ni Evangeline ang sariling katawan. Nahihilo siya. Nanlalabo ang kaniyang paningin.

Sino nga ba si Donya Margarita? O mas tamang itanong na… ano ba si Donya Margarita Madrigal?

Naramdaman ni Evangeline na nanghihina siya. Hanggang sa may tila humihila sa kaniya at tuluyan na siyang nawalan ng malay.

-----ooo-----

NASASABIK na pumasok si Mathilda sa kanilang mansion. Paakyat na siya sa hagdan nang makita niya si Evangeline na nakatayo sa pinaka itaas na para bang hinihintay siya nito. Agad siyang lumapit dito at binigyan ito nang mahigpit na yakap.

“Maganda ang katawan ng batang ito, Mathilda. Mahusay ka talagang pumili. Excelente!” anito sa kaniya.

“Thank you, mama! Ipapatawag ko na agad ang mahusay na pintor na kakilala ko para ipinta ka. Kailangan na nating palitan ang portrait mo sa salas!” Masayang sabi ni Mathilda at makahulugan silang nagkatinginan ng ina na ngayon ay nasa bago na nitong katawan.







THE END

Continue Reading

You'll Also Like

13K 1.2K 45
Abaddon School (Part 1) - Completed Abaddon School (Part 2) - Completed Abaddon School: The Last Fight (Part 3) - Soon Best in Horror - WritersPh...
277K 9.1K 34
Tatlong kwentong muling susubukan ang tibay ng iyong sikmura! Story #01- Sexy Story #02- Buffet Story #03- Hurt
11.9K 439 59
ASTRID ELEANOR is born to be a slayer, she chases the evil creatures called "aswang." She can smell, hear nor see them even in the dark.
800K 50.9K 76
During the spread of the deadliest virus in 2054 Philippines, Santhy Gozon struggles to survive to reach the last quarantine. *** A sixteen-year-old...