100 Tales Of Horror

By Kuya_Soju

475K 29.4K 6.3K

100 short horror stories. Best time to read? Bedtime... More

TEASER
STORY #01: Glory Hole
STORY #02: Lost In The Woods
STORY #03: Whisper
STORY #04: Will Kill For Food
STORY #05: There Is Someone In Our House
STORY #06: Meet Up Nightmare
STORY #07: Visit
STORY #08: Invitation
AUTHOR'S NOTE
STORY #09: Letter
STORY #10: Talking Doll
STORY #11: Check Up
STORY #12: Chop, Chop, Chop
STORY #13: Not Home
STORY #14: Momo App
AUTHOR'S NOTE
STORY #15: Last Dance
STORY #16: Save The Turtles!
STORY #17: Monsters Are Not Real
STORY #18: Eyes Wide Open
STORY #19: Black Ribbons
STORY #20: Who's Dead?
STORY #21: Over My Dead Body
STORY #22: Video Call
STORY #23: Wrong Car
STORY #24: La Vendetta
STORY #25: Lockdown Diary
STORY #26: Unplugged
STORY #27: The Show Must Go On
STORY #28: Twin Sister
STORY #29: Take Home
STORY #30: Doll Eyes
STORY #31: Never Leave
STORY #32: Blink, Blink, Blink
STORY #33: 3:33
STORY #34: Copy, Copy, Copy
STORY #36: Let Me In
STORY #37: Piggyback
STORY #38: Meat Eater
STORY #39: Bangs
STORY #40: Twin Sister 2
STORY #41: Take Care Of My Baby
STORY #42: The Adopted
STORY #43: Messing With The Wrong House
STORY #44: Cuddle Weather
STORY #45: Suicide Note
STORY #46: Food For The Dead
STORY #47: Victim
STORY #48: Unfound
STORY #49: Knock, Knock, Knock
STORY #50: Caregiver
STORY #51: What's On Your Mind?
STORY #52: Back Home
STORY #53: Hit And Run
STORY #54: Smudge
STORY #55: Mirror On The Wall
STORY #56: 13th Floor
STORY #57: Shower At Night
STORY #58: Talk To Stranger
STORY #59: Yes/No
STORY #60: Fangirl
STORY #61: Home Buddy
STORY #62: Intruder/s
STORY #63: Monster Beside You
STORY #64: The Better Half
STORY #65: The Ring
STORY #66: Knock, Knock, Knock 2
STORY #67: Till Death
STORY #68: When He Saw My Face
STORY #69: Bored In The House
STORY #70: Worms
STORY #71: The One In The Middle
STORY #72: Ben, Ted, Fred
STORY #73: Nightmare/ Dream
STORY #74: Creepy Woman
STORY #75: You're Not That Scary
STORY #76: Couple's Trouble
STORY #77: Pop, Pop, Pop
STORY #78: Jealousy Kills
STORY #79: Full Moon Killer
STORY #80: Pet
STORY #81: Lover's Quarrel
STORY #82: Crashed
STORY #83: Friendly Neighborhood
STORY #84: Lady In The Painting
STORY #85: Hotel de Moon
STORY #86: Mama's Love
STORY #87: All Eyes On Me
STORY #88: Secret Admirer
STORY #89: Birthday Wish
STORY #90: Finders Keepers
STORY #91: Cam On Me
STORY #92: New Housemate
STORY #93: Leave The Door Open
STORY #94: A Friend In Need
STORY #95: I Don't Feel Safe
STORY #96: Last House On That Street
STORY #97: Get The Party Started
STORY #98: How To Cheat Death?
STORY #99: Thy Womb
LAST AUTHOR'S NOTE
STORY #100: 100th Story

STORY #35: Bloody Mary

4.4K 275 40
By Kuya_Soju

DEDICATED TO: CoffeeLoveYou (Angelibeth)











“BLOODY Mary… Bloody Mary. Bloody… Mary…”

Shit. Bakit ko ba 'to ginagawa? Kalokohan lang naman ito at hindi totoo.

Kahapon kasi ay naglaro kami ng friends ko sa school dahil wala kaming teacher sa last subject. Truth or dare—iyan ang nilaro namin. At ang dare sa akin ay gawin ko ang Bloody Mary while filming.

Gusto kasi nilang malaman kung totoo ba si Bloody Mary. I-summon ko daw si Bloody Mary. Mga leche sila. E, kung sila kaya ang gumawa! Porket hindi ako naniniwala sa mga paranormal things ay sa akin na nila ipapagawa ang Bloody Mary—shit na iyan.

Paano ba tawagin o i-summon si Bloody Mary? Simple lang. Pumunta ka ng hatinggabi sa banyo na merong salamin at magdala ka ng isang kandila na may sindi. Patayin mo ang ilaw at ang magiging ilaw mo lang ay ang kandila. Humarap ka sa salamin habang hawak ang kandila at iwasang mapaso sa mga patak niyon. Pagkatapos, sambitin mo ang pangalang “Bloody Mary” nang labing-tatlong beses. Mahina sa umpisa hanggang sa palakas nang palakas. Magpapakita na daw sa iyo si Bloody Mary sa salamin.

“Bloody Mary. Bloody Mary. Bloody Mary!” Anim na beses ko nang sinasabi ang pangalan na iyon. Medyo malakas na din ang boses ko. Wish ko lang ay hindi magising ang nanay ko at siguradong mapapagalitan niya ako.

'Eto ako ngayon. Mag-isa sa banyo ng aming bahay. Hawak ang isang kandilang may sindi at patay ang ilaw. Nakaharap sa salamin habang palakas nang palakas na sinasabi ang pangalang Bloody Mary. May camera na naka-set up sa likuran ko para kita iyong salamin. Doon daw kasi magpapakita si Bloody Mary kaya dapat ay doon nakatutok ang camera.

“Bloody Mary! Bloody Mary—”

Napahinto ako sa ika-walong pagtawag ko sa pangalan ni Bloody Mary. Parang may humampas na malakas na hangin sa mukha ko. Malamig na hangin. Nakakapagtaka dahil kulong ang banyo at walang bintana sa harapan ko. Saan nanggaling ang hangin-shit na iyon?

Huminga ako nang malalim. Tuloy mo lang, Angelibeth. Five na lang. Five na lang… sabi ko sa aking sarili.

“Bloody Mary—shit!!!” Napamura ako sa gulat nang may narinig akong nag-aaway na pusa sa bubungan ng aming bahay.

Bakit ba paboritong battlefield ng mga pusa ang bubong?! Aatakihin ako sa puso sa gulat!

“Bloody Mary! Bloody Mary!” Sumisigaw na ako. Hindi ako natatakot sa pagpapakita ni Bloody Mary kundi sa nanay ko kapag nagising siya.

“Bloody Mary!” Okay. Isa na lang. Matatapos na ang kalokohan na ito.

“Bloody Mary!!!” Finally. Nasabi ko na ng labingtatlong beses.

Mabilis ang tibok ng puso ko habang nakatitig sa salamin. Hinihintay kong magpakita si Bloody Mary pero lumipas ang ilang minuto ay walang kakaibang nangyari. Walang Bloody Mary. Sinasabi ko na nga ba, kalokohan lang ito.

Humarap ako sa camera. Binuksan ang ilaw. “O, happy na kayo? This is a joke!” At in-end ko na ang pag-re-record ng video. Kinuha ko na ang camera at binuksan ang pinto ng banyo.

Malakas akong napasigaw nang bumulaga sa akin ang nanay ko na galit na galit.

“Angelibeth! Bakit gising ka pa at bakit sumisigaw ka?!”

-----ooo-----

“SABI ko naman kasi sa inyo, hindi totoo si Bloody Mary!” Pagmamayabang ko habang pinapanood ng mga kaklase ko ang video na na-record ko kagabi sa banyo.

“Oo nga! Pero ang tapang mo pa rin, Angelibeth! Nagawa mo ang dare namin na 'to!” sabi ng kaklase kong babae.

Nagpulasan na kami nang dumating na ang aming teacher. Agad siyang nag-start ng pagtuturo dahil absent siya noong huli.

Habang nakikinig ako sa teacher namin ay may narinig akong bumubulong sa magkabila kong tenga. “Bloody Mary… Bloody Mary…” Automatic akong napalingon sa likuran ko dahil pakiramdam ko ay doon iyon nanggagaling.

Sumalubong sa akin ang mukha ng kaklase kong lalaki na seryosong nakikinig.

“Hoy. Ikaw! 'Wag ka ngang magulo diyan!” sita ko sa kaniya.

“Ha?” kunot-noo siya.

“Ha? Hotdog! Pabulong-bulong ka pa!” sabi ko sabay irap at nakinig na ulit ako sa teacher namin sa unahan.

-----ooo-----

“BLOODY Mary… Bloody Mary… Bloody Mary…”

Napakamot ako sa kaliwang tenga ko nang may narinig akong bumubulong. Boses ng isang babae na parang nahihirapan. Naglalakad ako sa corridor ng school at pauwi na ako sa bahay.

“Tigilan mo nga ako—” Ako ang natigilan nang paglingon ko ay walang tao sa likuran ko. Ang totoo pa niyan ay mag-isa lang ako sa corridor.

Tinablan ako ng takot at napatakbo ako hanggang sa makarating ako sa labas ng school. Pinara ko agad ang tricycle na nakita ko at nagpahatid sa aming bahay.

“Angelibeth! Bakit nagmamadali ka?” tanong ng nanay ko nang nagmamadali akong pumasok sa bahay.

“W-wala po.” At pumasok na ako sa aking kwarto.

-----ooo-----

“BLOODY Mary… Bloody Mary…”

Mabilis akong lumingon sa aking likuran habang kumakain kami ng dinner. May bulong na naman akong naririnig pero sa tuwing tumitingin ako sa aking likuran ay wala naman akong nakikita. Kahit sa magkabilang gilid ko ay wala din.

“May problema ka ba, Angelibeth?” tanong ng nanay ko.

“P-po?” maang na tanong ko. Hindi ko kasi siya masyadong naintindihan dahil natatakot na ako sa naririnig kong bulong. Naisip ko tuloy na baka ito ang resulta ng pagtawag ko kay Bloody Mary sa salamin sa banyo.

“Ang sabi ko, may problema ka ba? Kanina ka pa balisa.”

Umiling ako. “W-wala po.” Ayokong sabihin sa kaniya ang totoo at baka isipin nila na nababaliw na ako.

“Pwes, magkakaroon ka ng problema dahil ikaw ang maghuhugas ng pinagkainan natin ngayon.”

“Okay po,” sagot ko na lang.

-----ooo-----

“BLOODY Mary… Bloody Mary!”

Nahihintakutang lumingon ako sa aking likod nang marinig ko ulit ang bulong. Pero medyo malakas na iyong huli kaya muntik ko nang mabitawan ang platong hinuhugasan ko habang nakaharap sa lababo.

Wala akong nakitang tao.

Kung magpapakita ka, magpakita ka na! Please lang, Bloody Mary! ani ko sa aking sarili.

Nabasa ko kasi kanina sa Google after kong mag-dinner na kapag nagpakita na sa iyo si Bloody Mary ay saka ka lang nito titigilan. Hindi ko sure kung totoo ba iyon pero wala namang masama na maniwala. Sa nangyayari ngayon sa akin ay naniniwala na rin tuloy ako sa mga paranormal-shit na iyan. Nakakatakot!

Mabilis kong tinapos ang paghuhugas ng aming pinagkainan at nagkulong sa aking kwarto. Isinubsob ko ang sarili ko sa aking study table habang gumagawa ng assignment. Nakinig na lang ako ng music habang may earphone para hindi ko na marinig ang bulong.

“Bloody Mary. Bloody Mary.”

“Shit!” Mabilis kong inalis ang earphone sabay lingon sa likod. Malakas na iyong bulong. Hindi na nga yata bulong iyon. Kahit kasi may earphone ako ay narinig ko pa rin.

Wala akong nakita sa likuran ko. Pati sa ilalim ng study table ko ay wala din. Baka kasi nandoon si Bloody Mary at nakasilip. Pero wala.

Hindi ko na nagawang tapusin ang assignment ko dahil sa takot. Humiga na lang ako sa kama at hinayaang nakabukas ang ilaw. Nagtalukbong ako ng kumot.

“Bloody Mary!”

May narinig na naman ako. Bumalikwas ako ng bangon. Hindi na ako sigurado kung saan nanggagaling iyon. Hindi kaya… nasa ilalim siya ng aking kama?

May takot man ay bumaba ako ng aking higaan at sinilip ang ilalim niyon. Ginamit ko ang flashlight ng aking cellphone. Walang kahit ano doon maliban sa dalawang sapatos ko. Bumalik na ako paghiga at pinilit na matulog dahil may pasok pa ako sa school bukas.

-----ooo-----

ISANG linggo na ang nakakalipas. Wala na ang mga bulong. Wala na akong naririnig na nagsasalita ng pangalang Bloody Mary. Kahit papaano ay nabawasan na ang takot ko. Sana’y tuloy-tuloy na ito.

“Ma’am, may I go out?” itinaas ng friend ko at seatmate ko ang kamay niya. “Natatae po kasi ako, e.”

“Okay. You may go!” sagot ni teacher.

Kinalabit ako ng katabi ko. “Ma’am, sasama din daw po si Angelibeth. Natatae din siya.”

Pinanlakihan ko siya ng mata. “Hindi naman—”

“Okay. Bilisan ninyo! Tumae na kayo.”

Hinila na ako ng kaibigan ko palabas ng classroom. Iyon pala ay nagugutom lang siya at hindi talaga pupunta sa CR. Dumiretso kami sa canteen at bumili siya ng makakain. Ako ay softdrinks lang. Pagkaubos ko ng softdrinks ay nakaramdam ako na kailangan kong umihi. Kaya tumakbo ako sa CR.

Pumasok ako sa isang cubicle. Pagkasarado ko ng pinto at ibinaba ko ang shorts at panloob ko. Umupo ako sa toilet bowl at pinakawalan ang aking ihi. Habang umiihi ay naramdaman ko ang paglamig ng temperatura. Nagtaasan din ang balahibo ko sa braso at batok. Kakaiba din ang naging pakiramdam ko. Sobrang tahimik at parang may mga matang nanonood sa akin.

“Bloody Mary!” Automatic na nagtayuan ang aking balahibo nang marinig kong muli ang boses na iyon ng isang babae. Natigilan ako. Sa lakas ng boses niya ay tila alam ko na kung nasaan siya.

Wala siya sa likuran ko. Wala sa unahan. Wala rin sa magkabilang gilid.

Takot na takot akong tumingala at doon ay nakita ko siya—si Bloody Mary!

Nakadukwang ang kaniyang kamay na may matutulis na itim na kuko na para bang pilit niya akong inaabot. Ang itim at mahaba niyang buhok ay sumasayaw sa ere. Nakakakilabot ang kaniyang hitsura. Puro puti ang mga mata at namumutla ang balat. Matutulis ang ngipin niya na para bang sa isang halimaw. Nakasuot siya ng kulay itim na bestida. May belo itong kulay itim pero ganoon pa man ay aninag ko pa rin ang kahindik-hindik nito hitsura!

Ngumanga siya at may malapot na dugo na lumabas sa bibig niya na akala mo ay gripo sa lakas. Bumuhos ang dugo mula sa bibig siya at sa isang iglap lamang ay naliligo na ako sa dugo niya!






THE END

Continue Reading

You'll Also Like

107K 4K 30
Isang kasalanan ang nagawa nila sa nakaraan. Naitago man nila ito ay sisingilin naman sila nito sa kasalukuyan! Ito na ang ika-pitong aklat ng SCHOOL...
27.5M 701K 33
Based on true story. A psychological Romance-Horror-Paranormal novel by Jamille Fumah. Please read with caution. Highest rank: Consistent #1 both in...
123K 3.9K 50
FEROCIOUS The exhibiting or given to extreme fierceness and unrestrained violence and brutality. Kung malapit na ang katapusan ng sangkatauhan, mamam...
2.2M 75K 22
"If you think you are safe... think again." Mysterious things happened after Cristina had an accident. She often saw a scary woman who was defiled a...