I love you even when I hate y...

By emmanoehl

51.2K 1.8K 346

Madalas na nating marinig yung... Pag palaging nag-aaway baka sila ang magkatuluyan. Paano kung hindi naman... More

I love you even when I hate you
YouAndMeAreMeantToBe Book 2 (Jessie & Jennica)
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 17
Chapter 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
Chapter 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48
CHAPTER 49
CHAPTER 50
CHAPTER 51
CHAPTER 52
CHAPTER 53
CHAPTER 54
CHAPTER 55
CHAPTER 56
CHAPTER 57
CHAPTER 58
CHAPTER 59
FINAL CHAPTER

CHAPTER 16

679 27 10
By emmanoehl

CHAPTER 16

=JESSIE=

"Kiss mo nga!" ulit n'ya.

Napalunok naman ako dahil sa mukhang wala na akong magagawa ginusto ko to e. kalokohan ko ito e. dahan-dahan kong nilapit ang mukha ko sa mukha ni MM.

"JESSIE!!!!"

BoOM! Sakto napalingon ako sa tumawag sakin.

"V-Vincent? Anong ginagawa mo dito?"

"Aba mall kaya ito wag kang magtaka kung nandito ako! E ikaw anong ginagawa mo?"

Nakita ko naman na umalis na ang lalaking kausap ko kanina.

"Aba mall ito kaya wag kang magtaka kung nandito ako." Sagot ko na ginaya ang sagot n'ya.

"Sabi ko anong ginagawa mo? Hindi anong ginagawa mo dito!" ulit n'ya pa.

"Eh di kumakain bulag ka ba?" sagot kong medyo naiirita sa kanya.

"Kailangan pag-kumakain ka naka-kandong sayo si Jennica? Aba ang sweet mo naman."

Dahil sa sinabi ni Vincent naitulak kong bigla si MM.

"Araaaay!" sigaw n'ya.

"Bakit kasi sakin ka nakaupo?" sabi ko.

"Kahit ikaw ang humila at nagpa-upo sakin?" sagot n'ya.

"Kunwari ka pa Jessie! Ang landi mo! I-k-kwento ko ito sa barkada!"

"Tumigil ka nga ang daldal mo talaga!"

"Pwede naman nating pag-usapan to. Libre mo lang ako."

"Langya! Sakin ka pa nagpapalibre kita mo ng wala nga akong ka-pera-pera."

"Wala kang pera ang dami mong in-order?"

"Si MM kaya bumili n'yan."

"Wow. Ang swerte mo talaga sa mapapangasawa mo."

"Mukha mo hindi ako mag-aasawa."

"Naku sige saka na lang natin planuhin yan. Tara na alis na tayo, wala akong dalang sasakyan kaya isabay n'yo na lang ako."

"Bakit saan pupunta?"

"Ngayon ang uwi nila Ken. Parating na sila sa bahay."

"Talaga?" excited na tanong ni MM.

"Ano pa hinihintay n'yo tara na!" sigaw ko. Sumunod naman sila sakin.

***

Kumpleto na kaming lahat dito. Nasa labas kami ng bahay nila Ken. Inaabangan na lang ang pagdating nila. Maya maya dumating na ang sasakyan ni Ken. At mula sa sasakyan bumaba ang napaka gandang si Jazz.

"Hiiiiiiiiii!" sigaw ni Jazz habang nakataas pa ang dalawang kamay na parang naghihintay ng yakap at agad naman akong sumugod.

Tsssss sa kasamaang palad. . . likod ni MM ang nayakap ko dahil nauna s'ya sakin.

"Kahit kalian talaga epal ka!"sabi ko kay MM.

"Kayong dalawa talaga! Hanggang ngayon ba naman nag-aaway pa rin kayo!" sabi naman ng magandang si Jazz.

"Ken, ikaw na ba yan?" tanong ko naman sa kakababa lang na si Ken.

"Ay hindi! Ako ito si Jazz nagpalit kami ng mukha!" sagot n'yang halatang pinipilosopo nanaman ako. At dahil don napayakap ako kay Ken.

"Pare, ikaw na nga." Sabi ko habang yakap-yakap ko pa s'ya.

"Ahhh nakakaiyak." Arte naman ni Justine.

"Hanggang ngayon ba naman bading ka pa rin." Sabi ni Ken kay Justine.

"Ay hindi, tomboy na ako."

"Abaaaaaa. Marunong ka na ah."

"Teka muna. Bakit wala si Kuya Dennis?" tanong ni Ken.

"Wala. May kinalolokohan sa batangas." Sagot naman ni Vincent.

"Langya ang bilis ah."

"Baka gusto mo na munang papasukin kami sa loob ng bahay n'yo? Kanina pa kami dito amoy araw na kami." Sabi naman ni Jericho.

Pagpasok sa loob agad namang nagkwentuhan ang lahat habang si Jazz naman e. nagpaalam na magluluto.

"Pare, magkwento naman kayo ano bang nangyari habang wala ako."

"Wala naman masyadong nangyari. Si Justine bakla pa rin at si Raffy bakla na rin. Si Jericho ayan nagpapakipot pa rin at si Jane naman ayun ang dami pa ring sinasaktan dahil kay Jericho. Si Vincent naman hanggang ngayon hindi pa rin sinasagot ni Nash." Mahabang kwento ko.

"Aba wala ngang masyadong nagbago. E sayo anong meron sayo?" tanong ko.

"Wala naman gwapo pa rin ako." Sabi ko.

"Anong wala? Wala talaga. Wala na s'yang pera, wala na s'yang bahay at wala na s'yang makain." Gatong naman ni Vincent. Binatukan ko naman s'ya.

"Hahaha. Tinotoo pala nang daddy mo ang banta n'ya. So paano ka? San ka kumakain? San ka nakatira?" tanong ni Ken.

"Wala nga e." sagot ko naman habang napapakamot pa ako sa ulo ko.

"Sige, dito ka na muna tumira!" singit naman ni Jazz.

"Talaga Jazz? Pwede ako dito?" ulit ko.

"Oo nam-."

"Hindi pwede!!!" sigaw naman ni Ken.

"Grabe parang hindi s'ya kaibigan e." sabi ko.

"Ikaw pa! patay na patay ka nga sa misis ko e. mamaya ahasin mo pa ako. Mabuti na yung nag-iingat."

"O duwag ka pala e. kala ko ba masgwapo ka sakin?"

"Mas gwapo naman talaga ako sayo no! pero sobrang ganda ng misis ko lahat ng madikit nagkakagusto." Sabi ni Ken. Na nagpakilig naman sa lahat.

"Hooh Pag-eeeebeg!!" Pang aasar naman ni Vincent.

"Ang sarap sarap umibig." Sabi naman ni Justine sabay kiss sa katabi n'yang si raffy. Hinampas naman s'ya nito.

"Ikaw mister ah. Wala kang tiwala sa misis mo!" sabi naman ni Jazz na parang nagtatampo pa.

"Ito talagang misis ko oh! Maytiwala ako sayo s'yempre. Sa kanila wala." Sagot naman ni Ken sabay yakap kay Jazz.

"Hoooooh ang babaduy n'yo!" sigaw ko naman.

"Hooh baduyyyy kaya pala." Sagot naman ni Vincent sabay kuha kay Justine at kinandong ito.

"Hoy anong ginagawa mo?" takang tanong ni Justine.

"Ganito kasi yung nahuli ko kanina." Sabi ni Vincent. Sabay-sabay na nagtinginan naman sila sakin.

"Jazz, luto na ba? Gutom na ako." Sabi ko sabay tayo pero sandali lang yun dahil sabay sabay nila akong diganan.

"A-aray ko naiipit ako." Sabi ko.

"Talagang maiipit ka pag hindi mo inamin kung sino ang kinandong mo!" -Ken.

"W-wala akong kinandong ano ba!" sigaw ko.

"A wala ah! Boys bigatan pa!" utos naman ni Ken.

"Araaaay"

"Umamin ka na!" -Jericho.

"Sabihin mo na kung sino!"-Justine.

"Wala akong sasabihin!" sigaw ko.

"Wala raw! Boys dagan pa!" sigaw ni Ken.

"Araaaaay ano ba hindi na ako makahinga!" sigaw ko.

"TAMA NA YAN! AKO YUN AKO YUNG NAKA-KANDONG SA KANYA KANINA!" sigaw naman ni MM at dahil don napatingin silang lahat kay MM.

"I-ikaw?" -sabay sabay na tanong nila.

Patay na bwiset na babae to o nagpakahirap ako don tapos aamin lang.

"Bakit? Anong meron?" tanong ni Jericho.

"Kayo na ba?" -Ken.

"So s'ya na ba ang pakakasalan mo?" -Justine.

"Paanong nangyari yun?" Raffy.

"Marami kang i-k-kwento sakin Jennica." -sabi naman ni Jazz kay Jennica.

"Ahhhhh tumahimik nga kayo! Walang meron, walang kami at lalong walang kasal!"

"Hoooh e paano mo ipapaliwanag ang nakita ko?"-Vince.

"Pagkakamali lang yun."

"Paanong mali?" -Jericho.

"Nag panggap lang akong asawa n'ya!"

"Asawa?" -Raffy.

"Oo."

"Bakit kailangang mag-panggap?" -Justine.

"Kasi nga nakakainis yung lalaki."

"Bakit nakakainis?"-Jazz.

"Kasi nga nagpapakilala kay MM."

"Ano naman sayo kung nagpapakilala sa kanya?" -Ken.

"W-wala."

"W-wala o nagseselos ka?"

"Anong SELOS? Walang ganon!"

"Naku wag ako Jessie ginawa ko rin kay Jazz yan e."

"Iba ko, iba ka!"

"Uyyyy ang layo ng sagot! Aminin mo na! nagseselos ka!"

"HINE NGA!"

"Anong Hine nga? Labas sa ilong pre, kalian ka pa nagging ngo-ngo."

Sabay sabay na silang nagtawanan.

"Aamin na yan!! Aamin na yan!! Aamin nay an!!" pang-aasar pa rin nila.

"Abaaa ayaw umamin. Booooyss alam na."utos ni Ken. At akmang susugod nanaman ulit sila para daganan ako.

"TEEEEEEKKKAAAAAAAA LAAAAANGGG!!!!" sigaw ko.

***

Hohoho aamin na kaya si Jessie?

Continue Reading

You'll Also Like

76.7K 1.2K 75
Apat na taon ng kasal si Shu sa isang lalaking ni minsan ay hindi pa niya nakikita o narinig manlang ang boses. Palibhasa ay hindi naman siya dapat a...
109K 3.8K 15
[PROFESSOR SERIES II] Astrea Zaire Luceria thought she was incapable of loving someone. But the moment she laid her eyes on a certain Art Professor...
7.5M 211K 46
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
109K 5.2K 71
The Oleander Woman is a paradox of beauty and danger, her allure and strength mask a potent inner fire. Her delicate blooms and graceful form inspire...