CHAPTER 59

715 24 5
                                    

CHAPTER 59

-=JESSIE=-

“Ibibigay ko ang lahat ng gusto n’yo, pakawalan n’yo lang ako dito!” sigaw ko pero hindi nila ako pinapansin. Masama ito hindi ako pwedeng manatiling nakagapos dito. Kailangan makaisip ako ng par-. Hindi ko na natapos ang iniisip ko ng maramdaman ko na may gumagalaw nang tali  ko sa likod.

“James?”

“Pssst.. wag kang maingay.”

“Paano ka nakapunta dito?”

“Sinundan kita.”

“Paano mo kong nasundan?”

“Bibisitahin ko sana si Jennica pero nung nakita ko kayong magkasama hindi na ako tumuloy. Pero habang nag e-emo pa ako sa labas ng bahay nakita kong umalis ka na parang may malalim na iniisip kaya sinundan kita.”

“O sige na bilisan mo na yan.” sabi ko.

“Masyado silang marami hindi natin kakayanin.” sagot nito.

“Anong gagawin natin?”

“Kakalagan lang kita. Tapos iikot ako sa harapan hihintayin ko don sila Ken. gagawa kami ng ingay tapos pagtakbo ng mga bantay tumakbo ka na.”

“Oo sige.”  Sagot ko. tapos bigla na itong tumakbo paalis. Sana lang abutan ko pa si Jennica.

“Hoy! Mga panget.”

Bigla akong napalingon sa pinagmulan ng tinig, nakita ko si Vincent na matapang na nakatayo sa gitna. Agad naman itong pinaputukan ng mga tauhan ni Edmond buti na lang at hindi tinamaan. Mabilis talagang kumilos si Vincent kaya siguro ito ang pinasugod nila. Agad naman akong tumakbo papunta sa likod ng makita kong nagtakbuhan ang mga tauhan ni Edmond para habulin si Vincent.

“Tigil!” sigaw mula sa likuran ko agad naman akong napahinto.

“Saan ka pupunta?”  sigaw ulit nito.

“E di kay Jennica!”  

Bigla akong napalingon ng marinig ko yun.

“D-Dennis?”

“Sige na bro, alis na!” sabi nito habang  nakaapak sa lalaking humuli sakin kanina.

“Salamat, bro.”  sabi ko tapos tumakbo na ako.

Agad akong sumakay sa sasakyang nakaparada. Pero nang nasaloob na ako bigla akong natigilan. Hindi ko na nga pala kayang mag-drive. Nanghihinang napasandal na lang ako sa upuan ng sasakyan.

*Ring….ring..ring…

Agad kong hinanap kung saan nagmumula ang tunog. Nakita ko naman ang cellphone na nakapatong sa kabilang upuan. Ito yung cellphone na binili ko kay James. Pag dampot ko agad kong nakita ang pangalang nica na tumatawag tapos ang picture ni Jennica. Agad kong sinagot ang tawag.

“Hello! Jennica Hello!” sagot ko. pero walang sumasagot.

“Araaaaaaay!” narinig kong sigaw ni Jennica.

“Masakit ba? matigas kasi ang ulo mo. kung sinusunod mo ko hindi ka sana nahihirapan, 

Ang kinis mo pa rin.”

*Pak!

“Awww!” narinig kong sigaw ni Jennica, bago tuluyang mawala sa kabilang linya.

I love you even when I hate you (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon