CHAPTER 39

606 24 4
                                    

CHAPTER 39

 

-=JESSIE=-

 

Dahil sa sobrang pagod maaga nakatulog si MM. ako ewan ko ba hindi ako dalawain ng antok. Para akong kinakabahan na hindi ko maintindihan. Kaya ito naglalakad lakad muna ako umupo ako sa buhangin habang pinapanood ang bawat hampas ng alon sa dagat. Hindi pwedeng lagi kaming nagtatago ni MM. kung kinakailangan kong ayusin ang lahat gagawin ko. dapat ma-ikasal na kami agad.

“Jessie!” agad ko naman hinanap ang boses na tumatawag sakin. nakita ko naman si Dennis di kalayuan tumayo ako para lapitan s’ya. Pagkalapit ko isa-isa rin naglabasan sina Vincent, Jericho, Justine and Ken.

“Lintik na!” yun na lang ang sinabi ko tapos tumakbo ako pabalik sa bahay para kunin si MM. pero dahil lima sila wala akong laban hinila nila ako nakita ko naman naglalakad si Daddy kasama si tito Edmond papunta sa bahay.

“Ano ba? Bitawan n’yo ko si MM pare si MM matatakot s’ya.”

 

“Jessie, kailangan mong makinig samin.”

 

“Hindi, si MM kukunin ko s’ya!” sigaw ko habang pilit na kumakawala ako sa pagkakahawak nila. Pero isang suntok galing kay Ken ang nagpatahimik sakin.

“Makinig ka Jessie! si Edmond asawa n’ya si Jennica!” sigaw ni Ken. Hindi ko alam kung tama ba ako ng rinig pero parang umakyat lahat ng dugo sa ulo ko pagkasabi n’ya non.

“Anong sabi mo?”

 

“Asawa ni Jennica si Edmond! Kasal na sila.”

 

“Hindi totoo yan!”

 

“Totoo ang sinasabi nila.” Sabi naman ni Dennis.

“Traidor ka! Sabi mo hindi mo sasabihin na nandito kami! Nangako ka!” sigaw ko kay Dennis.

“Pero kailangan mong malaman na masamang babae si Jennica!”

 

“Gaano ka kabuti para sabihin yan?” sigaw ko.

“Hindi mo naiintindihan.”

 

“Sinungaling kayo! Sinungaling kayong lahat!”

 

“Hindi sila nagsisinungaling totoo ang sinasabi nila.” Sabi ni Jazz.

“Bakit Jazz? Wala ka na bang nakukuhang atensyon ngayon? Kaya gumagawa ka ng kwento?” sapak ni Ken ang sumalubong sakin.

“Gago ka wag mong pagsalitaan ng ganyan si Jazz!” sigaw ni Ken. Pagbagsak ko sa buhangin nakita ko si MM na pilit inilalabas ni Daddy at tito Edmond.

“Bitawan n’yo ko! bitawan n’yo ako! hindi ako sasama sayo!” sigaw ni MM. pilit naman akong bumangon pero hinawakan nila ulit ako.

“Jessie tulungan mo ko!”

“Tulungan n’yo ako parang awa n’yo na!”

 

“Tulungan n’yo ako!” sigaw n’ya. Halo halo ang nasa utak ko ang sinabi nila at ang pagmamahal ko kay MM pero ngayon mas naniniwala ako sa pagmamahal ko kay MM.

I love you even when I hate you (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon