CHAPTER 1

2.1K 50 16
                                    

(Bago n'yo po ito basahin. basahin n'yo po muna yung Mr. Pilosopo Meets Ms. Taong Bundok dun ko po kasi pinakilala ang lahat ng characters ko sa ginagawa kong story hindi po lahat pinapakilala ko dito pero kung wala naman kayong pakialam sa ibang characters basahin nyo na ito hehe  salamat ^__^)

Chapter 1

 

“TABABOY!!!” tawag sakin ng kung sino. May pangalan ako pero sanay na akong tinatawag sa ganyan..saklap diba? Okay lang sana kung taba e  kaso hindi e TABABOY talaga nasan naman ang hustisya?TABA na BABOY pa.

“Hoy! Ano ba nagbibingibihan ka nanaman ba?” ulit niya ng hindi ko s’ya pansinin.

“Hindi po. Pasensya na.” sagot ko naman habang nakayuko at ni hindi makatingin ng diretso kay Rizza, ang kilala siga sa school namin.

“Kahit kailan talaga tanga ka e! kunin mo yung mga gamit ko at ihatid mo ko sa service ko!” utos n’ya nagmamadali naman akong sumunod sa kanya. nakayuko ako palagi dahil nahihiya akong makita ang reaction ng lahat nang tao kaya naman hindi ko namalayan na dumating pala si Christoff ang nag-iisang crush ko. sino ba naman ang hindi hahanga sa kanya? gwapo, mayaman, matalino at higit sa lahat sobrang baet n’ya. ang landi ko no? partida 1st year high school pa lang ako.

“Hoy Rizza! Inuutusan mo nanaman ba si Jennica? Kunin mo lahat ng gamit mo kung ayaw mong isumbong kita sa principal!” sigaw n’ya. agad namang tumingin ng masama sakin si Rizza.

“Naku Christoff hindi n’ya naman ako inutusan nagkusa akong tulungan s’ya kasi ang bibigat nitong mga dalahin n’ya.” pag-sisinungaling ko.

“See Christoff? Hindi ko sya inutusan.” Pag-papa cute naman ni Rizza.

“Ganon ba? kung ganon tutulungan na rin kita.” Sabi n’ya sabay kuha sa lahat ng dala ko na lalong kinainis ni Rizza kasi nagmukha lang kaming naglalandian habang hinahatid s’ya. pag katapos namin s’yang ihatid ako naman ang hinatid ni Christoff pabalik sa school.

“Hindi ka pa ba uuwi?” Tanong n’ya.

“Uuwi na kukunin ko lang yung gamit ko kasi naiwan ko.” sagot ko naman.

“Uy Christoff ang sarap ng kasama mo ah!” sabi naman ng isang lalaking inaasar si Christoff. Akma namang susuntukin yun ni Christoff pero inawat ko s’ya.

“Bakit mo ko inawat? Ang sarap sapakin non.”

 

“Wag na magkakasala ka pa dahil sakin.”

 

“Binabastos ka n’ya e.”

 

“Okay lang ako Christoff.”

 

*Pitt…PITTT..

 

Napalingon naman kami sa bumusinang kotse. Sundo na pala ni Christoff ang dumating.

I love you even when I hate you (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon