CHAPTER 5

1K 36 3
                                    

Chapter 5

 

-=JENNICA=-

 

“J-Jessie anong ginagawa mo dito? W-wala pa si Ken.” sabi ni Jazz

 

“Alam ko! Hindi naman si Ken ang pinunta ko dito. Ikaw!” Sagot naman ni Jessie. grabe hindi man lang nya ako tinitignan T___T kahit  isang sulyap lang.

 

“B-bakit ako?” Patay malisya pang sagot nitong si Jazz, kakabwiset din itong si Jazz e pa Bhebhe, kung ako ang sinabihan non mamatay na ako sa kilig.

 

“Diba nililigawan kita?”

 

0///0 Ouch yung puso ko nadurog ata.. huhu hindi ako makahinga….. hangin please.

 “Pwede bang pumasok?”  sabi ni Jessie nang hindi sumagot si Jazz. hindi n’ya pa rin ako tinitignan.

“S-sige. Upo muna kayo. Ipagluluto ko lang kayo ng makakain.” Sabi ni Jazz.  sa lahat ng ginawa mo Jazz ito ang pinakamaganda. ^___^ siguro naman lilingunin na ko ni Jessie.

^____^ “Sige” sagot naman ni Jessie.

Kaming dalawa na lang pero hindi pa rin sya tumitingin. Pero ayos lang natititigan ko tuloy s’ya. ang amo-amo nang mukha n’ya yan yung klase ng mukha na gugustuhin mong makita kahit sa pagpikit mo. ^__^ OMG bigla n’ya akong tinignan grabe tagal kong inasam na sana tignan n’ya ako tapos hindi ko naman pala kakayanin ang titig n’ya kaya ito napayuko ako.

“HOY!” Bigla naman akong nag-angat nang ulo at napatingin sa kanya tama ba ako ng rinig? Sabi n’ya “HOY” OMG  gusto kong tumili garaaabee tinawag n’ya akong HOY ano ba yan naiiyak ako sa sobrang saya juice cow hindi ko ito napaghandaan.

“A-ako ba?” tanong ko ulit.para sigurado diba baka mamaya hindi pala sabihin n’yo assuming ako.

“Malamang ikaw e tayo lang nandito e. tanga ka ba?” Sheyt.. ang haba ng sinabi n’ya grabe mahal na ata n’ya ako.

“B-bakit?” tanong ko.

“Umalis ka na!”

“H-ha?”

“Bingi ka?” OMG akala n’ya bingi ako pero kinakausap n’ya pa rin ako inaaksaya n’ya ang laway n’ya kahit iniisip n’yang bingi pala ako. Ayyyy ang ganda ko talaga.

“H-hindi, sige aalis na ako.” sagot ko naman tapos umalis na ako. sigurado ko hindi pa kaya ni Jessie na harapin ang titig ko kaya pagbibigyan ko muna s’ya. aalis muna ako Jessie ko.

-=JESSIE=-

 

Nakakabwiset yung babae na yun kung ano-ano na nga sinabi ko sa kanya nakakangiti pa rin baliw ata yun e. pero mabuti na rin at madali lang s’yang paalisin sana si Dennis din ganon lang kadaling paalisin. Nasan na ba yung babe ko? baka nalulungkot na yun masundan na nga. 

“Ano yan?” tanong ko. Nakita ko namang nagulat s’ya.

“Anong ginagawa mo dito? Bakit mo iniwan si Jennica?”

“Ha? Hindi ah! Ako nga ang iniwan n’ya umalis na s’ya.”

“Umalis na? kakarating n’ya lang ah?”

I love you even when I hate you (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon