CHAPTER 42

770 24 7
                                    

CHAPTER 42

 

-=JESSIE=-

 

6 years na mula nung huling maghiwalay kami ni Jennica o mas kilala sa tawag na MM pero hanggang ngayon naluluha pa rin ako sa tuwing maaalala ko kung gaano ko nasaktan ang babaeng mahal ko. Anim na taon na pero hindi pa rin ako sumusuko sa pag-asang makikita ko pa s’yang muli. I naasam ko pa ring makita ang magandang n’yang ngiti. Ang mga mata n’yang masayang nakatitig sakin palagi. Ang mga labi n’yang puro kalambingan lang ang lumalabas. Sinisi ko ang sarili ko dahil naging mahina ako. hindi ako naniwalang kaya n’ya akong mahalin. Nagagalit ako sa mga kaibigan ko pero ang totoo ako rin naman e naniwala sa maling pag-aakala. Ganon pa man hindi ko pinapabayaan ang tatay ni Jennica at ang ate n’ya. Nandun ako para tulungan sila. Ang ate ni Jennica ay tinulungan kong makapag tapos ng pag-aaral at ngayon ay isa na itong teacher. Pinalitan ko naman si Daddy sa company at ako na ang nagpapatakbo ng negosyo namin. Sa anim na taon masasabi kong nabuhay akong mag-isa. Hindi mawala ang galit sa puso ko dahil sa mga kaibigan ko. sinisisi ko sila sa nangyari kung hindi sila dumating noon para hanapin ako kung hindi nila sinabi kay Edmond kung nasaan kami. Siguro hanggang ngayon magkasama pa rin kami ni Jennica pero kahit galit ako sa kanila hindi ako nawala sa mahahalagang araw nila. Katulad nang ikasal si Jericho at Jane at Vincent and Nash. Dami ring arte nang isang yun sila rin naman pala ang magkakatuluyan. Nang halos gumuho ang mundo ni Justine ng malaman n’yang babae pala si Raffy at nang manganak si Jazz. Naging ninong ako ni Jake si Jake lang ang buhay ko sa ngayon. S’ya na ang tinuturing kong kaibigan ngayon. kaya naman hindi ako nawawalan ng oras para sa kanya. kay Dennis wala naman akong balita dahil hindi ko rin gusto ng balita tungkol sa kanya. sa lahat, sa kanya ako pinaka nagagalit at alam kong alam n’ya yun. Nakakatawa lang isipin na ako ang sumunod na na-inlove pag katapos ni Ken. Pero ako ang napag iwanan ngayon.

“Sir, nandito na po tayo.” Sabi ng driver ng taxi.

Natigilan naman ako sa ginagawa kong pag-iisip ng mag salita ang driver. Na disgrasya ko nung mismong araw na pumunta si Christoff at ang tatay ni Jennica sa bahay dahil agad akong umalis para hanapin s’ya. hanggang sa hindi ko makita ang daan dahil sa sobrang pag-iyak ko. nabuhay ako pero mula non hindi ko na kinayang mag drive ulit.

“Sir, nandito na po tayo!” ulit ng driver ng taxi ng hindi ako sumagot kanina.

Nagpahatid ako sa bahay nila Ken, Susunduin ko si Jake pinangako ko na ipapasyal ko s’ya bago ko umalis papuntang batanggas. Na pag desisyonan ko na kasi na dun na tumira.  

“Sir, nandito na po ta-.”

“Hindi ako binge!” sigaw ko. hindi ko na pinatapos pa ang sasabihin n’ya.

“S-sorry po.”

 

“Hintayin mo na ako may susunduin lang ako sa loob.”

 

“Sige po sir.” Sabi nito. Tapos pumasok na ako sa loob ng bahay nila Ken. Sinalubong naman ako agad ni Ken.

“Pare, Nandito ka na pala.”

 

“Hindi ikaw ang pinunta ko si Jake, paki sabing nandito na ako.”

 

“Pare, hanggang ngayon ba hindi mo pa rin  ako napapatawad?” tanong nito. Pero hindi ko s’ya pinansin kaya umalis na ito para tawagin si Jake.

“J-Jessie, pwede ba tayong mag-usap?” tanong ni Jazz na hindi ko man lang namalayan na nakalapit na pala.

“Hindi ako pumunta dito para makipag kwentuha sayo!”

I love you even when I hate you (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon