CHAPTER 47

626 25 2
                                    

Chapter 47

 

-=JESSIE=-

 

“Jessie, anak ko! ikaw nga ang anak ko.” sabi nito sabay yakap sakin.

“Bitawan mo ko!” sigaw ko.

“Anak, ako ang mommy mo hindi mo ba ko nakikilala anak?”

 

“Hindi ikaw ang pinunta ko dito! Si Jennica ang pinunta ko! diba patay ka na? patay ka na!” sigaw ko habang hindi napigilan ang luha kong tuluyuan ng bumagsak. Bigla naman akong itinulak ni James.

“Wala kang karapatang pag salitaan ng masama ang nanay ko!”sigaw nito.

“A-anak mo s’ya?!” tanong ko.

“Oo anak, kapatid mo s’ya.”

 

“Kapatid? Sabihin mo si daddy ba ang tatay n’ya?”

 

“Anak.”

 

“Sumagot ka!”

 

“H-hindi anak.”

 

“Iniwan mo kami dahil sumama ka sa ibang pamilya mo? ang akala namin ni daddy patay ka na! sana nga namatay ka na lang!”sigaw ko. tapos bumagsak ako dahil sa sapak ni James.

“Wala kang karapatang bastusin ang nanay ko dahil hindi mo alam kung anong pinagdaanan namin!” sigaw nito.

“Umalis ka na Jessie!”sigaw ni Jennica. Saka ko naman naalala na si Jennica nga pala ang pinunta ko don.

“Jennica, sumama ka na sakin. umuwi na tayo.”

 

“Umalis ka na! tigilan mo na ako. may pamilya na ako. m-masaya na kami ni James, may anak na kami! Sana naman pabayaan mo na ako ano pa bang gusto mo? nakuha mo na ang lahat sakin!”

 

“M-may asawa at anak ka na?”

 

“Oo, may anak na kami kaya makakaalis ka na!” sigaw ni James.

Bigla akong napaluhod dahil sa sakit na nararamdaman ko. nawalan na ako ng lakas.

“Anak ko anak ko.” sabi naman ni Mommy at akmang lalapitan ako nito pero hinila na ito ni James kasama ni Jennica tapos pumasok na sila sa bahay naiwana akong mag-isa habang hinang hina. Tinawagan ko naman si Dennis para sunduin ako. dahil si Dennis lang naman ang malapit sakin ngayon. Dumating naman ito agad at tinulungan akong makatayo.

“Jessie, anong nangyari sayo? Teka pasa ba yan? Sinong gumawa n’yan?” galit na tanong nito tapos akmang susugod sa bahay nila Jennica pero inawat ko ito.

“Umuwi na tayo. Pagod na ako.” sabi ko agad naman akong inalalayan nitong makatayo.

Pagdating sa bahay ginamot nito ang sugat ko.

“Nakita mo na ba si Jennica?” tanong nito.

“Oo, salamat Dennis.”

 

I love you even when I hate you (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon