CHAPTER 4

1K 39 6
                                    

Chapter 4

 

-=Jennica=-

 

Maaga akong pumasok ngayon halos ako na nga ang magbukas ng gate ng school na ito. Masguto ko naman titigan ang mga gamit sa loob ng class room na ito kesa ang makita ang picture ko kasama ang matandang demonyo. Maya-maya nagdatingan na rin ang mga kaklase ko at dahil nga sa inaakala nila na hindi ko sila naririnig dahil nakaheadset ako ang ingay ingay nila. Tapos bigla na lang may isang tumatakbong pumasok.

“Guys nandyan na yung taong bundok!” sigaw n’ya. siguro yung bago naming kaklase ang tinutukoy n’ya.  kailangan kong mapalapit sa kanya sya ang magiging susi ko para makalapit sa kilalang mayayaman dito sa school dahil narinig kong ang may ari ng university na ito ang nagpasok sa kanya at ang barkada nitong si Ken ang leader sa grupo ang syang nagpapaaral dito at sa bahay pa nito s’ya tumitira. Kaya s’ya ang magiging susi ko para mapalapit kay Justine o kay Ken, pwede rin naman sa kuya ni Ken. pero mas gusto ko yung Jessie dahil hindi ako makokonsensyang gamitin s’ya dahil ang tindi na ng inis ko sa kanya dahil sa ginawa n’yang pambabastos sakin nung nagpunta ako sa bahay nila Justine at sigurado rin akong s’ya yung nasa mall na nagpaalis sakin sa sarili kong mesa. At dahil nga sa mga naisip ko lumabas na ako para salubingin s’ya.

Nakita ko naman s’ya agad dahil sa lahat s’ya lang naman ang kakaiba dito. Halata ngang galing sya sa bundok kita agad yun sa pananamit n’ya lang. pero kung titignan mo s’yang mabuti ang ganda-ganda n’ya talaga konting ayos lang. halatang nagmamadali s’ya, kung tatawagin ko s’ya siguradong hindi n’ya ako papansinin. Kaya naman humarang na lang ako sa daraanan n’ya para wala s’ya choice kundi ang harapin ako. hindi ko alam pero nang titigan n’ya ako sa mata parang nakaramdam ako ng takot. Pero hindi ako nagpahalata s’yempre dumarami na kaya ang nakikitsismis.

“Bago ka ba dito?” tanong ko.

“Sinagot mo na yung tanong mo.” Sagot n’ya. medyo basag ako ah, bakit ba hindi ko naisip yun.

“So matapang ka pala? Hindi mo ba kilala kung sino ang kausap mo?” pananakot ko sa kanya. pag-ganon kasi ang dating parang siga agad ang nagtatanong.

“Eh diba nga bago lang ako? Malamang hindi kita kilala. Yung totoo?naiwan mo ba yung utak mo sa bahay n’yo?” Hindi lang ako nabasag napahiya pa ako. pisting babae ito ah. Pero natuwa ako sa kanya pakiramdam ko magkakasundo kaming dalawa.

“Mayabang ka.” Sagot ko.

“E ano naman sayo? Umalis ka sa harapan ko. Kung ayaw mong ilagay ko sa noo mo ang ilong mo.” imbes na mainis ako sa sinabi n’ya natawa ako naimagine ko kasi yung sinabi n’yang ilalagay ang ilong ko sa noo ko. haha nice magandang panakot.

“Wahahahaha. Nakakatuwa ka naman. Ang cute mo. Hi! I’m Jennica.” Hindi mapigilang pagpapakilala ko. halata namang nagulat s’ya sa ginawa ko pero dahil siguro sa likas s’yang mabait tinanggap n’ya ang pakikipagkilala ko.

“Ako si Jazz.”

“It’s so nice to finally meet you, Jazz. Kahapon kapa na-k-kwento nang mga kaklase natin.”

I love you even when I hate you (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon