CHAPTER 30

747 30 10
                                    

CHAPTER 30

-=JESSIE=-

Ano ba ginawa ko? Pinabayaan ko lang na kinuha sakin si MM kung ganito lang pala sana umpisa pa lang hindi na ako lumaban.

"Pare, anong klaseng pride ba ang meron ka?" sabi ni Jericho, sabay tapik sakin.

"Wag mo na sanang gawin pa yung pagkakamali na ginawa ko noon." Sabi naman ni Ken.

"Alam mo pare, ang duwag mo!" sigaw naman ni Vincent. Dahil sa sinabi n'ya nag init ang ulo ko at napahawak ako sa kwelyo n'ya. Palagi kong kabiruan itong si Vincent pero hindi ibig sabihin non palalagpasin ko na lang palagi ang pang-aasar n'ya sakin.

"Anong sabi mo?"

"Duwag ka! Hindi mo maamin sa kanya ang totong nararamdaman mo! Natatakot ka kasi na baka pagtawanan ka namin. Pero pare, wala namang humuhusga sayo samin e. nasayo na nga. Mahal ka na nga. Handang gawin lahat para sayo! Ang swerte swerte mo para magkaron ng ganyan. Ang swerte swerte mo dahil hindi mo pinagdadaanan yung hirap na pinagdadaanan ko para sa babaeng mahal ko. Yung hirap na pinagdadaanan ni Justine dahil nagmahal s'ya ng katulad n'yang lalaki. Yung hirap na pinagdaanan ni Jericho dahil harap-harapang pinapakita ng babaeng mahal n'ya kung sino ang mahal nito. Yung hirap na pinagdaanan ni Ken na isuko ang nararamdaman n'ya mailigtas n'ya lang sa kapahamakan si Jazz At ang hirap na pinagdaanan ni Dennis nung nabaliw ang babaeng minamahal n'ya!" Dahil sa mga sinabi ni Vincent parang naliwanagan ang utak ko. Tama s'ya yung hirap na pinagdadaanan nila hindi ko alam kung kakayanin ko. ako napaka swerte ko dahil na una na akong mahalin ng babaeng gusto ko. gusto kong makasama habang buhay. At dahil sa mga naisip ko? ito at tumatakbo na ako. Takbo ako ng takbo umaasang maabutan ko pa si MM. hindi naman ako nabigo dahil ito abot tanaw ko na s'ya.

"MM!" hinang hinang napalingon pa rin s'ya sakin. kita kong nahihilam pa rin s'ya sa sarili n'ya luha.

"Sabi mo hindi mo ko iiwan!" sigaw ko habang dahan dahang lumalakad palapit sa kanya. Pero hindi ito kumibo muli itong tumalikod at inakay ni Chris palayo.

"MM!" napahinto ulit s'ya at lumingon sakin.

"Sabi mo ako ang pakakasalan mo!" sigaw ko. pero katulad kanina hindi ito kumibo at lumakad ulit palayo.

"MM ano ba! Inuutos kong humarap ka sakin at hintayin ako d'yan sa pwesto mo!" sigaw ko at halatang nagulat naman ito dahil napahinto s'ya at humarap nga sakin. hindi na ako nag aksaya ng oras at lumapit papunta sa kanya.

"MM, M-may pinalitan ako sa kanta." Hindi ito kumibo pero nanatiling nakatingin sakin kaya naman nagpatuloy ako.

"Hindi ko alam kung bakit ako'y nahuhulog sayo. Ayan yung inalis ko sa kanta. MM, nahuhulog na ako sayo." Hindi napigilang sabi ko.

"Jessie, tanggap ko na! inis ka sakin dahil umpisa pa lang naman epal na ako sa inyo ni Jazz e. galit na galit ka sakin kaya paanong mahuhulog ka sakin. Jessie, tama na. ayoko na." sabi ni MM sabay talikod.

"I love you even when I hate you." Biglang nasabi ko na lang. at napahawak ako sa puso ko. dahil ang sakit n'ya ang sakit sakit kumikirot s'ya. Hindi pa rin ako nilingon ni MM at lumakad ito palayo sakin. basta hindi ako susuko. Lumakad ako ng mabilis at hinila si MM.

"A-Aray ko, Jessie ano ba bitawan mo ako!" sigaw ni MM. pero hindi ko s'ya pinansin hinila ko s'ya.

"Jessie ano ba!" sigaw ni Chris sabay sapak sakin. sasapakin ko sana s'ya pero nakita kong biglang humarang sina Jericho,Justine,Vincent at Ken.

I love you even when I hate you (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon