CHAPTER 6

901 32 7
                                    

Chapter 6

 

-=JENNICA=-

 

Hindi ako mapakali kanina pa, dahil kanina pa tawag ng tawag sakin si Christoff hindi ko naman s’ya masagot dahil sa nagkaklase kami. Kinakabahan ako pano na lang kung ang ibabalita n’ya pala sakin eh magaling na ang demonyo n’yang ama at uuwi na dito sa Pilipinas pano na yan e wala pa akong mayamang magagamit.  At nang sa wakas lumabas na ang professor namin lumabas na rin ako para abangan ang tawag ni Christoff.

*Christoff calling. . .

 

Ako: “ Hello?”

 

Christoff: “Pambihira ka ang tagal mong sumagot!”

 

Ako: “Pasensya na nasa klase ako kanina bakit ba?”

 

Christoff: “Nandyan na sa Pilipinas yung isang kaibigan ko sinabi kong may ipapakilala ako sa kanya. mayaman ito puntahan mo na agad sa bahay nila. Wala pang nagiging girlfriend ito kaya siguradong madaling bibigay ito.”

 

Ako: “Pero Christoff, napapagod na ako.”

 

Christoff: “E anong gusto mo? tuluyan ka nang makisama sa Daddy ko? alam mong mahal kita Jennica kung may magagawa lang ako para kunin ka sa kanya dati ko pa ginawa pero wala e. please naman Jen, gawin mo ito kahit para sakin promise ko sayo pag naayos ko na ang lahat dito kapag nakuha ko na ang mamanahin ko babawiin kita sa kaibigan ko.”

 

Ako: “Sige.” Yun na lang ang nasabi ko at tuluyan na s’yang nawala sa kabilang linya. Wala naman din kasi akong magagawa kundi ang sundin s’ya. ayaw ko namang habang buhay na matali sa Daddy n’ya.  Minsan iniisip ko kung mahal ba talaga ako ni Christoff. Bakit hindi na lang n’ya ko kuhanin kahit na magdildil kami ng asin okay lang hindi naman na n’ya kailangang makuha ang mana n’ya.  Napapagod na rin kasi akong gamitin ng gamitin ang sarili ko para lang magawa ko ang plano kong ito.

“Uuwi ka na?” nagulat ako nang makita ko si Jazz sa likod pambihira hindi ko man lang s’ya namalayan.

“Oo eh kailangan ko kasi umuwi agad ngayon.”

“Bakit naman?”

“JS kasi ngayon ng kapatid ko, nangako kasi ako na sasamahan ko s’ya  mag ayos.” Syempre nagsinungaling ako dahil wala naman akong kapatid dito at masmatanda naman sakin ang kapatid ko.

“Ano yung JS?” tanong n’ya.

“Hindi mo alam yung JS? Wala ba kayo non nung high school ka?”

“Hindi ako nag high school e.”

I love you even when I hate you (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon