CHAPTER 7

847 33 2
                                    

Chapter 7

-=JESSIE=-

Nandito ako ngayon sa bahay nila Ken para alagaan muna si Jazz. Oo ayos na kaming mag kakaibigan. Humingi ako ng tawad kay Ken at pinatawad naman n'ya agad ako may bonus pa nga e. umalis si Ken nasa HongKong s'ya ngayon para sa business meeting n'ya kaya ako ang magbabantay kay Jazz. ang gandang bonus hindi ba? wala naman akong balak guluhin pa ang relasyon nila alam ko naman na sila na, pero malay n'yo lang habang wala si Ken mahulog sakin si Jazz. ^__^V

*ding..dong..ding..dong..

Nandyan na s'ya. nagtatakbo naman ako agad sa pinto para pag buksan ang aking princesa.

^_________________^ "Hi, Jazz" masayang masayang bati ko.

"Hello" bati n'ya naman. Halatang malungkot.

"Hi Jessie!" Boses ng maligno.

>____< bakit ba nandito nanaman itong Je-. Ano nga ba pangalan n'ya?

"O bakit ka nandito?" walang ganang sagot ko sa bati n'ya.

"Sige Jazz uwi na ko ayaw ata ni Jessie na nandito ako e." (_ _)

Buti naman at alam n'ya.

"Hindi dito ka lang! Jessie ayaw mo ba na nandito s'ya?" tanong ni Jazz.

"Oo." Sagot ko.

"JESSIE!" sigaw naman ni Jazz na parang nagagalit.

"H-ha, h-hindi a-ang ibig kong sabihin bakit nandito s'ya. pasok tayo sa loob pinagluto kita." Sagot ko naman habang pinipilit kong ngumiti.

"S'ya lang?" tanong nung maligno. Kasabay ng pag-tingin sakin ni Jazz na parang nag tatanong din.

"H-HINDI PINAGLUTO RIN KITA SYEMPRE. May lason nga lang." sagot ko na binulong ko sa kanya yung bandang dulo halata namang nagulat s'ya.

0//0 "M-ma may LASON?" sigaw naman n'ya.

Bwiset pakiramdam ko inaasar n'ya talaga ko. Tinignan naman ako ng masama ni Jazz.

"Jessie? anong lason?" tanong ni Jazz.

"HA? LASON? Sabi ko MAYLASA! Ikaw talaga ang bingi mo." sabi ko sabay kurot sa pisngi ni Maligno.

"Minsan maglinis ka ng tenga ha! Gamitin mo barena!"

"Hahaha ikaw talaga palabiro ka pala." Sagot n'ya tapos humampas pa sa may braso ko.

"Hahaha oo minsan talaga palabiro ako." Sagot ko naman sabay hampas din sa braso n'ya. napalakas ng konti kaya nasubsob s'ya.

"Jennica!" sigaw naman ni Jazz tapos tinulungan makatayo yung kaibigan n'ya.

"Naku sorry ah! Hindi ko alam na may pag kalampa ka pala!"

"Ikaw talaga Jessie, magdahan-dahan ka nga. Jen, mabibihis lang ako. Jessie samahan mo na muna sa kusina si Jennica." Sabi ni Jazz.

"Sure ka? Baka gusto mo ikaw samahan ko?" tanong ko.

"Baliw ka talaga! Magbibihis nga ako diba?"

"Joke lang! Sige ako na bahala sa kaibigan mo." sagot ko tapos inakbayan ko si Jennica.

Pag talikod ni Jazz yung akbay ko. Hinigpitan ko. Kaya naging sakal.

I love you even when I hate you (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon