CHAPTER 56

734 29 3
                                    

CHAPTER 56

 

-=JENNICA=-

 

Para kong naubusan ng lakas pagkatapos kong makita si Jessie na bumagsak kaya hindi na ako nakalaban pa. Naisakay na ako ni Edmond sa kotse n’ya. Wala na rin naman akong magagawa hindi rin naman ako makakalaban.

*Bhugzzz!

 

Bigla akong natigilan sa pag-iisip ng biglang tumama ang mukha ni Edmond sa salamin ng bintana ng kotse, tapos bumukas yun at nakita ko si James.

“James!” sigaw ko sabay yakap.

“Ayos ka lang ba?” tanong nito.

Nakita ko namang binubugbog ni Dennis ang mga kasama ni Edmond. At si Jessie na nakahiga pa rin. Bigla akong napatakbo para lapitan si Jessie.

“Dalin natin s’ya sa ospital!”  sigaw ko.

“Jennica, sa tingin ko mas makakabuti kung ihatid na lang natin s’ya sa bahay n’yo.”

 

“Bakit samin?”

 

“Magwawala yan kapag nagising s’ya na hindi ka nakita.”

 

“S-sige.”

 

Habang nasa sasakyan nakapatong lang ang ulo ni Jessie sa lap ko. habang nakahiga ito. hindi ko maiwasang maiyak sa sinapit n’ya. Ano pang mangyayari sa susunod nag magkita kami ni Edmond? Paano kung hindi lang ito ang mapala n’ya?

“James, i-uwi mo na si Jessie.”

 

“Hindi mo ba narinig ang sinabi ni Dennis? Magwawala yan kapag hindi ka nakita.”

“Kung ipipilit n’yo ang gusto n’yo ako ang mawawala.”  Sabi ko na halatang ikinagulat ng dalawa.

“Ang tigas talaga ng ulo mo! sige na Dennis iuwi mo si Kuya sa bahay para matignan s’ya ni nanay. Ako sasamahan ko muna itong matigas ang ulo na babaeng ito.”

 

“James, hindi mo na ako kailangang samahan.”

 

“Wag ka ngang makulit! Pag-ako nabwiset sayo ibibigay kita sa matandang yun e.”  sabi nito. Alam ko namang biro lang yun pero hindi ako mananalo sa kanya kaya tumahimik na lang ako.

Hinatid muna kami ni Dennis sa bahay bago ito umalis kasama ang wala pa ring malay na si Jessie. pagkababa ko ng sasakyan saka ko lang naalala ang anak ko. agad akong tumakbo para hanapin si Iscah pero wala ito sa bahay.

“Ano bang problema mo? ang likot mo!” sigaw naman ni James.

“N-nawawala si Iscah! Nasan na ang anak ko nasan s’ya?”

 

“Wala si Iscah, pumunta kami ni nanay kanina dito. Kinuha n’ya si Iscah para makita ni Tatay. Kaya ka hinanap ni Jessie para ipaalam sayo.”

 

“Ganon ba?” sagot ko na medyo nahimasmasan na. kinabahan ako akala ko kung ano na ang nangyari kay Iscah.

I love you even when I hate you (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon