FINAL CHAPTER

1.4K 48 21
                                    

CHAPTER 60

-=JENNICA=-

Nakaupo ako sa sahig habang yakap-yakap ko si Jessie na halos wala ng buhay.

"S-sabi mo m-magiging malaya ka lang k-kapag n-nawala na kaming d-dalawa. M-malaya ka na MM." hirap na hirap na sabi nito tapos tuluyan na itong nawalan ng malay.

"Jessie, Jessie. hindi.. gumising ka Jessie, may sasabihin ako hindi ko pa nasasabi. Mahal kita Jessie, mahal kita! Jessie!!!!!!!!!!!!! Please gumising ka."

"Jessie, gumising ka!!!!"

"Jennica! Jennica!" tawag sakin habang niyuyugyog ako sa balikat at tuluyan na akong nagising. Hilam na hilam ako sa sarili kong luha.

"Jennica, tahan na nandito si ate." Sabi ni ate habang yakap-yakap ako at hinahagod ang likod ko. pero wala akong lakas para gumanti ng yakap, hindi ko mahanap ang dila ko para magsalita ni ayaw bumuka ng bibig ko tanging utak ko lang gumagana sakin.

Mag-iisang buwan na simula nang mamatay si Jessie at hanggang ngayon paulit-ulit na bumabalik sakin ang nangyari. Kung paano ko s'ya pinahirapan, kung paano ko s'ya paulit-ulit na tinaboy, kung paano ko s'ya paulit-ulit na sinaktan, kung paano ko hiniling sa kanya na mawala na s'ya sa buhay ko at kung paano n'ya nga binigay sakin ang kalayaan ko.

"Okay ka na ba, Jennica? Papaliguan na kita. Isasama kita sa school ngayon para naman malibang ka." Sabi nito. Pero katulad parin ng dati hindi ko nahanap ang dila ko para sagutin s'ya.

"Ayan! Nandito na tayo." Sabi ni ate. Tumingin lang ako sa kanya. Kumatok naman s'ya sa isa sa mga room doon at lumabas ang teacher. Si Ma'am Gubat yung teacher ko dati.

"Ayan na ba ang kapatid mo?" tanong nito sa ate ko. hindi na siguro ako nakilala ni Ma'am Gubat dahil sa payat na ako.

"Oo, ikaw na ang bahala sa kanya."

"Oo, sige." Sagot nito. Tapos umalis na ang ate at iniwan ako. inalalayan naman ako ni Ma'am Gubat papunta sa upuan ko. hindi ko alam kung bakit nandito ako. Pero wala rin naman akong lakas para umalis dito. Nag simula na si Ma'am gubat na mag paliwanag tungkol sa tinuturo n'ya. Pero wala ron ang isip ko tanging si Jessie lang ang laman ng isip ko. Maya-maya pa umalis na si Ma'am Gubat nakalimutan ata ako.

"Hoy! Panget, umalis ka nga sa pwesto ko." sigaw ng babaeng nakatayo sa harap ko. agad naman akong tumingin dito at nagulat ako ng makita ko si Rizza. Si Rizza ang leader ng mga nam-bubully sakin noon.

"Ano? Titingin ka na lang ba d'yan? Alis sabi!" ulit na sigaw nito tapos sinipa ako. Nahulog ako sa upuan ko at pinagbabato ako ng papel ng mga kaklase ko habang sumisigaw ng Panget! Panget Panget! Ganitong ganito noon ngayon ko lang napansin na ang mga nandito sa loob ay walang pinag-kaiba mga kaklase ko pa rin noon. Ang tangin naiba lang ay hindi TABABOY ang tawag nila sakin kundi PANGET! Nasasaktan na ako sa pambabato nila kaya bigla akong tumayo at tumakbo palabas. Paglabas ko nabangga ko ang isang malaking lalaki. Pag-angat ng ulo ko nag-tama ang paningin naming dalawa. Biglang tumulo ang luha ko si Christoff nandito s'ya. Bigla naman akong yumakap sa kanya. pero sandali lang yun dahil bigla ako nitong tinulak.

"Kadiri ka! Ang panget panget mo yumayakap ka sakin!"

"C-Christoff." Tawag ko sa pangalan n'ya. Hindi ko alam kung paano lumabas sa bibig ko ang pangalan n'ya pero natutuwa ako at nakapagsalita na ako.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 08, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I love you even when I hate you (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon