CHAPTER 57

737 25 11
                                    

CHAPTER 57

 

-=JENNICA=-

Walang mangyayari kung magmumukmok ako sa kwarto. Bumangon na ako at inayos ang higaan ko tapos lumabas na ako at nagulat ako sa nakita ko. Walang nakahain sa lamesa, nasanay na ako na pagkagising ko e may nakahanda ng pagkain sa mesa kaya nagulat ako ng makitang walang nakahain doon.

“Jessie?!” tawag ko sa pangalan nito. Simula nung gabing yun hindi ko na nakita pa si Jessie, hindi s’ya nagpapakita pero alam kong nandito lang s’ya sa bahay at nagtatago. Pero ngayon walang sumasagot sakin at kahit bakas n’ya wala. At dahil sa naisip ko bigla akong nakaramdam ng takot. Takot na baka may nangyari na sa kanyang masama at takot na baka tuluyan na nga n’ya akong iniwan.

*Knock! Knock!

 

Bigla akong tumakbo sa pinto nagbabakasaling si Jessie ang makikita ko pero si Jericho ang bumungad sakin.

“J-Jericho? Ano ang ginagawa mo dito?” tanong ko. Pero sa halip na sumagot inalalayan ako nito palabas ng bahay. Nakita ko ang mga tuyong dahon na inayos para lumabas ang mga letrang. . .

H-A-P-P-Y V-A-L-E-N-T-I-N-E-S D-A-Y

 

Napatakip ako sa bibig ko ng mabasa ko yun.

“Sinabi ko kay Jessie na bumili ng bulaklak pero tinanggihan n’ya mas ginusto n’ya pa ang mamulot ng mga tuyong dahon.”sabi ni Jericho. Bago pa makasagot nakita kong bumaba ng sasakyan si Jazz at lumapit sakin.

“Hi, Jennica!”

 

“Jazz? Anong ginagawa mo dito?”

 

“Mamaya mo na itanong! Halika na sa loob.”  Sigaw ni Jazz tapos hinila na ako papasok sa loob ng bahay inayusan ako ni Jazz tapos inabot sakin ang isang maiksing short na maong tapos isang t-shirt na puti na halos kita rin ang nasa loob. Bigla kong naalala kung paano ako manamit noon.

“Isuot mo na yan!” sabi ni Jazz.

“J-Jazz, hindi ko na yata kayang magsuot n’yan.”

 

“Ano ka ba? Anong hindi? Ang kinis kinis mo pa rin naman.kaya sige na isuot mo na yan go na!” kahit naguguluhan sa mga nangyayari sinunod ko lang si Jazz. Pagkabihis ko agad akong hinila ni Jazz palabas ng bahay. Nakita ko naman si Vincent dala ang isang tricycle.

“Jazz, Jennica, sakay na!” sigaw nito. Hindi naman kami nag-aksaya ng oras at agad na sumakay sa tricycle. Medyo mahaba rin ang nilakbay namin gamit ang tricycle. Tapos ibinaba kami nito sa gilid ng daan kung saan kabilaan ang mga dumadaang sasakyan at lahat ito ay mabibilis.

“Jazz!” tawag ng boses ni Jessie agad ko namang hinanap kung saan nagmumula at nakita ko nasa kabilang kalsada ito katapat ng kinatatayuan namin ni Jazz.

“Jessie!”  ganting sigaw ni Jazz habang kumakaway pa.

“Ikaw lang ang pinapapunta ko bakit sinama mo pa ang mukhang maligno na yan!” sigaw ni Jessie. Bigla tuloy bumalik sa ala-ala ko ang dating Jessie na hinabol habol ko.

“Dahil hindi na pwede si Jazz dahil nandito ako!”  

Bigla naman akong lumingon kung saan nagmumula ang boses ng sumigaw.

I love you even when I hate you (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon