CHAPTER 12

799 27 2
                                    

Chapter 12

 

-=JESSIE=-

 

Ang bilis ng panahon ah. Nakasal na nga pala sina Jazz at Ken. kwento ko pa ba? bakit hindi n’yo na lang basahin sa book 1? Eh book 2 na ito story ko na to. Bakit nagpapaliwanag pa ako wala namang nagrereklamo. Natigilan ako sa pagiisip ng biglang may tumawag sakin.

“Jessie!!!” si MM pala. Ngiting ngiti s’ya akala mo naman tuwang tuwa akong makita s’ya.

“O? Anong nginingiti-ngiti mo? alam mo ba na kanina pa ako naghihintay sayo dito? Kala mo ang ganda mo? kung makapagpahintay ka dito akala mo mahal kita.”

 

“Ang dami mo naman sinabi. sorry na tara ililibre kita.”

 

“E, bakit hindi mo sinabi agad tara na.” mabilis kong sabi. Sumakay naman agad s’ya sa kotse n’ya syempre. Yun na kasi ang ginagamit ko. s’ya lang naman kasi ang nagt-tyaga sakin.

Agad naman akong sumubo pagkarating ng in-order namin. S’ya nakangiti lang habang pinapanood ako.

“Ano ba? hindi ka ba kakain? Sana hindi ka na sumama at binigyan mo na lang ako ng pera.”

 

“Sabi mo kasi sakin diba. Hindi ka makakain ng maayos pagkasabay mo akong kumain.”

 

Grabe naman tong babae to. Lahat ng sabihin ko sineseryoso.

“Natandaan mo pa yun? para kang tanga talaga sunod ka ng sunod sakin e ako na nga lang tong inaalagaan mo.” sabi ko medyo madrama ata sinabi ko.

“Syempre naman lahat ng sabihin mo sakin tinatandaan ko. lahat ng sabihin mo sakin mahalaga. Lahat ng sabihin mo sakin gagawin ko. kasi nga diba. Mahal na mahal kita. At gagawin ko ang lahat ng gusto mo baka sakaling mahalin mo rin ako.”

 

“Tsssss. Asa ka pa, sige na kuha mo pa ako ng extra rice tapos hintayin mo na lang ako sa kotse ayokong nakikita yang mukha mo pag kumakain ako.” sabi ko naman na hindi pinag-isipan. Ewan ko ba bakit ganito ugali ko basta gustong gusto kong sinasaktan s’ya para naman malaman ko kung hanggang kailan n’ya nga ba ako kayang mahalin. Hanggang kailan n’ya ba kayang titiisin ang ugali ko. sabi nga nila Dennis s’ya na lang ang pakasalan ko. at gusto ko ngang gawin ang bagay na yun kahit hindi ko naman s’ya gusto pero ayoko naman s’yang lokohin kaya siguro ang kapalit na lang ng pagmamahal n’ya para sakin e yung last name ko. siguro naman magiging masaya na s’ya don. Pero syempre hindi biro ang gusto ko kaya gusto ko rin malaman kung hanggang saan n’ya ba ako kayang mahalin.

“JJ, ito na yung rice. Aalis na ako hintayin na kita sa kotse.”

“Ano ba wag mo sabi akong tinatawag ng JJ eh.” Ngiti lang ang sinagot n’ya sakin tapos umalis na s’ya yun lang ata ang sinasabi ko na hindi n’ya sinusunod. Naalala ko pa kung paano ako napunta sa ganitong buhay kasama s’ya.

*Flashback.

 

Nandito ako ngayon sa… hindi ko alam kung saan basta dito na ako dinala ng mga paa ko. gutom na gutom na ako. mukhang mararanasan ko na atang matulog sa daanan. Nilatag ko na ang binaon kong maraming papel para maging higaan ko. gusto kong umiyak. Pero hindi dapat ako umiyak. Saglit pa lang ako napipikit nang maramdaman kong may pumatak na tubig sa mukha ko pagdilat ko nakita kong sobrang lapit ng mukha sakin ni MM. bigla akong napabangon.

I love you even when I hate you (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon