CHAPTER 2

1.3K 42 3
                                    

Chapter 2

 

-=JESSIE=-

 

Bakit kailangan kong makaranas nang ganito? Ang saklap ng buhay ko. pakiramdam ko sandali na lang at babagsak na ang luha ko sobrang sakit sa pakiramdam yung feeling ng “sold out” yung gusto mong kainin. T__T bakit ba kasi hindi pa sila magsara nang sa ganun hindi na ako umaasa hays iba na nga lang ma-order. Tignan mo nga naman o ang malas malas ko gutom na gutom na ako wala pang bakanteng mesa nandito ako sa foodcourt sa isang mall paborito kong kumain sa foodcourt kasi maraming pagpipilian. Ayun oh asar hindi naman kumakain nag memesa pa.

“Hey Miss, pwede bang maki-share sa mesa? May kasama ka ba?” pero parang wala akong kausap hindi man lang ako nilingon bwiset. Hindi ko na hinintay pang sumagot s’ya basta na lang akong umupo at nilatag ang mga pagkain ko.  

Tignan mo tong babae na ito. Kanina pa iyak ng iyak nakakainis na! ayaw ko pa naman ng nakakakita ng umiiyak baka mamaya isipin pa ng tao ako nag pa-iyak dito.

“Ano bang iniiyak-iyak mo? wala ka bang pambili ng pagkain? Kawawa ka naman pala.” Sabi ko ng hindi na ako makatiis na nakikita syang umiiyak.

“Oh! Sayo na lang itong carbonara ko.” sabi ko sabay abot ng carbonara sa kanya. syempre hindi ito madali para sakin never pa akong nag alok ng pagkain ko ah, ayaw ko lang talagang nakakakita ng umiiyak. Inilapag ko na lang yun sa tapat n’ya ng  hindi n’ya abutin sakin. tapos nag patuloy na ako sa pag-kain ko. Hindi ko na dapat sya papansinin pero natigilan ako sa nakita ko. pinapatakan n’ya lang ng luha ang carbonara ko hindi n’ya ba lam kung gano kahirap sakin ang ibigay yun sa kanya! hindi tama ang ginagawa nang babae na ito!

HOY! PWEDE BA KUNG HINDI KA KAKAIN UMALIS KA NA NGA! PAG-ITONG KINAKAIN KO NATULUAN N’YANG LUHA MO PAPATAYIN KITA!” Sa sobrang inis ko nasigawan ko tuloy s’ya at mukhang narinig na n’ya ako dahil tinignan n’ya ako pero mukhang hindi n’ya ako maaninag masyado dahil hilam na hilam s’ya sa luha n’ya.

“Umalis ka dito!” dagdag ko pa ng hindi s’ya magsalita. Tapos sinubsob ko na ang ulo ko sa mesa at kumain na ulit. Naramdaman ko naman na tumayo na s’ya at umalis. Buti naman at umalis na s’ya solo ko na ang mesa.

“Pwedeng maki-share?” Tanong ng kung sinong hindi ko na nilingon dahil kumakain ako istorbo.

“Hindi pwede may kasama ako sampu sila.” Sagot ko naman ng hindi na nag aksaya pa ng oras na tignan s’ya. maya-maya cell phone ko naman  ang nang i-istorbo sakin. sino nanaman kaya itong istorbo na ito. Tinignan ko ang pangalan ng tumatawag si Ken pala. Sinagot ko yun as in sinagot lang talaga.

“Mamaya ka na tumawag kumakain ako!” yun lang ang sinabi ko hindi ko na s’ya hinintay pang magsalita. Sigurado namang walang importanteng sasabihin yun baka naiinis nanaman s’ya sa bago n’yang katulong na kinuha pa ng mommy n’ya sa bundok. (Mr. Pilosopo Meets Ms. Taong bundok)

Tapos na akong kumain wala na akong gagawin makikitambay na nga lang muna ako. kanino naman kaya? Si Vince kasi hindi pa umuuwi naghahanap ng babae sa korea. Si Jericho naman siguradong kasama rin ni Jane grabe rin yung isang yun simula pagkabata magkasama na sila ni Jane hindi man lang nagkasawaan ng mukha. Saan ako tatambay ngayon? Ayaw ko naman tumambay kila Ken, badtrip yung katulong non baka madamay pa ako. saan? Saan ako pupunta?

I love you even when I hate you (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon