CHAPTER 31

695 27 3
                                    

CHAPTER 31

-=JENNICA=-

Nagising ako dahil sa mahigpit na pagkakayakap sakin. pagdilat ko nakita ko si Jessie parang batang yakap na yakap skin.

"Goodmorning MM" Nakangiting bati nito.

"Goodmorning, sarap naman gumising pag may yakap." ^_^

"Masanay ka na kasi yakap ko ang palaging gigising sayo."

Hindi naman ako sumagot at ngumiti lang.

"Halika na dali pinagluto kita ng breakfast." Sabi n'ya sabay hila sa kamay ko patayo.

Kasabay naming nag-aalmusal ang Daddy ni Jessie.

"Nakakatuwa kayo tignan ang sweet sweet n'yong dalawa." Bati samin ng daddy ni Jessie.

"Ganon talaga daddy baka kasi mamaya biglang iwanan ako nitong si MM ko."

"Ano ka ba hindi nga kita iiwan hanggang hindi mo sinasabi."

"Tigilan n'yo na nga yan. Kumain na kayo at ihahatid mo pa sa school itong si Jennica."

Pagkatapos kumain agad naman akong nag-ayos dahil naghihintay na si Jessie sa baba baka magalit nanaman yun pag matagal ako. Dali dali akong tumakbo pababa ng hagdan kaya muntik na akong mahulog buti na lang mabilis akong nasalo ni Jessie.

"Ano ba naman yan MM hindi ka nag-iingat." Sabi ni Jessie.

"Nagmamadali kasi ako pasensya na."

"Bakit late ka na ba?"

"Hindi naman baka kasi magalit ka e."

"Ano ka ba naman hindi ako magagalit sayo. Halika na nga."sabi ni Jessie sabay akbay sakin.

Habang nasa sasakyan hindi binibitawan ni Jessie ang kamay ko.

"Jessie?"

"Hmnn?"

"Hindi ka ba nahihirapan n'yan?"

"Saan?"

"Yan, kasi isang kamay lang ginagamit mo sa pag d-drive e."

"Ano ka ba hindi ako nahihirapan no. kahit kailan hindi ako mahihirapan basta nandyan ka sa tabi ko." sabi n'ya sabay halik sa kamay ko.

"Jessie, nakakainis ka." Sabi kong hindi naman mukhang naiinis mukhang kinikilig.

"Oh, bakit po naiinis sakin ang MM ko?" sagot n'yang ang lambing lambing ng boses.

I love you even when I hate you (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon