CHAPTER 36

640 27 4
                                    

CHAPTER 36

 

-=JENNICA=-

 

Unti-unti kong dinilat ang mga mata ko at nakita ko na nasa loob ako ng sasakyan ni Jessie. Sakto pag tingin ko kay Jessie ay napatingin din s’ya sakin kaya mariin n’yang tinapakan ang preno kaya napasubsob ako sa salamin ng kotse.

“MM, gising ka na? ayos ka lang ba?”

 

“Sa tingin mo ba magiging maayos ako nasubsob na ako! Bigla bigla ka na lang nag p-preno d’yan.” Pagkasabi ko non bigla n’ya akong niyakap. Ano ba kasi ang nangyari sakin.

“Pasensya na MM, nag-alala lang ako sayo akala ko kung anong nangyari sayo.”

 

“Bakit ano bang nangyari sakin?” tanong ko habang nakahawak sa ulo ko.

“Pinakilala ko sayo si Tito Ed tapos bigla ka na lang hinimatay.”

Pag-kasabi n’ya non bumalik sakin ang lahat ng nangyari kung paanong nalaman ni Jazz ang sekreto ko at ang pagbabalik ng demonyong si Edmond. Dahil sa mga naalala ko nanginig nanaman ang buong katawan ko.

“MM, ayos ka lang ba? Ano bang nangyayari sayo?” narinig kong tanong ni Jessie.

“N-Nasan s’ya?”

 

“Sino?”

 

“S-Si Ed?”

 

“Nakasunod lang s’ya satin.” Dahil sa sinabi n’ya biglang akong binalot nang takot ko. takot na makita ulit ang demonyo at makulong nanaman ako sa kanya at takot na malaman ni Jessie ang totoo.

“J-Jessie..Jessie.. makinig ka sakin ahh makinig ka sakin..”  Paulit-ulit na sabi ko habang nakahawak sa braso ni Jessie at patuloy na tumutulo ang luha ko.

“Oo, makikinig ako.”

 

“Jessie, bilisan mo lumayo tayo umalis tayo.”

 

“Ha? Pero bakit?”

 

“Jessie basta, umalis tayo!”

 

“MM, hindi tayo pwedeng umalis.”

 

“Jessie, aalis tayo sige na aalis tayo. Jessie, please parang awa muna aalis tayo.”

 

“MM, anong bang nangyayari sayo?”

 

I love you even when I hate you (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon