Chapter 23

637 26 16
                                    

TULAD NG PINANGAKO KO. IDEDEDICATE KO SAYO ITONG ISANG CHAPTER KO SALAMAT SA SUPORTA ^___^ Bulletproofnielle

Chapter 23

 

-=JESSIE=-

 

*Pak!!!

 

Hindi napigilang nasampal ko s’ya dahil sa sinabi n’ya hindi ako bulag nakita ko ang buong pangyayari ng maramdaman kong tumayo at lumabas s’ya sa kwarto agad akong sumunod sa kanya dahil nag-aalala ako. nakita ko naman si Daddy na nakatayo malapit sa swimming pool pero parang hindi s’ya nakita ni MM at dire-diretso itong naghubad. Tapos bigla s’yang pinagsabihan ni Daddy na ang aga naman ata n’yang mag swimming tapos nakita kong bigla na lang umakto si MM na parang binobosohan at bigla na lang nagtakip ng katawan mukha talaga s’yang tanga at dahil likas sa Daddy ko ang pagiging mabait hindi n’ya sinabing mukha itong tanga sa halip sinabihan na lang n’ya ito na cute s’ya. tapos ayun na bigla na lang s’yang nagsisigaw na wag s’yang lalapitan. Sinubukan ni Daddy na pigilan s’ya dahil alam ni Daddy na malalim ang pool namin. Pero umatras pa rin s’ya kaya nahulog s’ya sa pool. Agad naman akong tumalon.

“ANO BANG PROBLEMA MO? BAKIT ANG HILIG MONG GUMAWA NG KWENTO?”

 

“Jessie, hindi ako gumagawa ng kwento! Totoo ang sinasabi ko! parang awa mo na maniwala ka sakin. maniwala ka sakin! totoo ang sinasabi ko wala akong ginagawa hindi ko s’ya inaakit. Hindi totoo ang mga sinasabi n’ya! pinilit n’ya lang ako Christoff maniwala ka sakin parang awa mo na wag mong gawin sakin to. Maawa ka sakin. Wag mong gawin to.” hindi ko maintindihan ang pinagsasabi n’ya bigla na lang s’yang yumakap sa hita ko. at nagiiyak.

“Naniniwala ako sayo.” Yun na lang ang sinabi ko dahil sa sobrang awang nakikita ko. tapos binuhat ko s’ya papunta sa kwarto at dahan dahan ko s’yang inilapag sa kama. At akmang tatayo ako para ikuha s’ya ng damit ng bigla n’ya akong hawakan sa kamay.

“Christoff wag mo kong iiwan please.”

 

Umupo naman ako sa gilid ng kama at binalot s’ya ng kumot.  Hindi ko alam pero nasasaktan ako pag tinatawag n’ya akong Christoff. Kung hindi ako nagkakamali ayun yung pangalan ng firstlove n’ya na kwinento n’ya sakin. tinabihan ko s’ya hanggang sa makatulog s’ya.

Hanggang ngayon nakatitig pa rin ako kay MM. Gaano nga ba kahirap ang pinagdaanan n’ya. bakit ganon ganon na lang ang takot n’ya palagi. Natigil naman ako  sa pag-iisip ng biglang bumukas ang pinto at pumasok si Daddy.

“Dad, yung nangyari kanina pasensya na.”

 

“Naiintindihan ko. kamusta na s’ya?”

 

“Ito po nagpapahinga na.”

 

“Puwede ba tayong mag-usap?”

 

“Sige po.”

 

Agad naman akong sumunod papunta sa kwarto ni Daddy.

I love you even when I hate you (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon