CHAPTER 38

554 28 4
                                    

CHAPTER 38

 

-=DENNIS=-

 

Lahat kami ay naghihintay sa sasabihin ng matandang ito.

“Anong ginagawa mo dito?” tanong ni Ken.

“Gusto kong humingi ng tulong sa inyo para hanapin si Jessie at Jennica.” Sabi nito.

“Bakit ka naman namin tutulungan!” hindi napigilang sigaw ko. napatingin naman sakin ang lahat.

“Dahil kailangan n’yong malaman ang totoo!” sigaw din nito.

“Gusto naming malaman ang totoo at ang makapagsasabi lang ng totoo e walang iba kundi si Jessie!” sigaw ko ulit.

“Tama si Dennis kaya umalis ka na kung ayaw mong basagin ko mukha mo!” sigaw naman ni Vincent. Tapos sabay sabay kaming tumayo at hinila s’ya palabas.

“Kailangan n’yong malaman ang totoo!” paulit-ulit na sigaw nito.

“Wag ka ng babalik dito sa pamamahay ko!” sigaw naman ni Ken.

“KEN!”

Lahat kami napatingin sa sumigaw.

“T-tito Jesz?” sabi ni Ken.

“Pakinggan n’yo muna ang sasabihin n’ya bago n’yo s’ya paalisin.” Sabi ni tito Jesz ang daddy ni Jessie. wala naman kaming nagawa kundi ang patuluyin s’ya at pakinggan ang mga sasabihin n’ya.

“Pumunta ako kina Jessie dahil sinundo n’ya ako at sinabi n’yang ipapakilala n’ya sakin ang babaeng pakakasalan n’ya at gusto n’yang ako ang tumayong ninong sa kasal nila. Pumayag naman ako dahil bata pa lang si Jessie ay ipinangako ko na sa kanya na mag nininong ako sa kasal n’ya. Pero nagulat ako ng makita kong si Jennica pala ang babaeng tinutukoy n’ya. Hindi ako nakapagsalita agad dahil natakot ako ng makita kong hinimatay si Jennica.” Kwento nito.

“Hindi kaya s’ya ang natakot sayo kaya s’ya hinimatay? Alam kong daddy ka ni Christoff at dating magkasintahan sina Christoff at Jennica sigurado akong tumutol ka o baka pinapatay mo si Jennica para wag matuloy ang relasyon nila!” hindi maiwasang sigaw ko kaya napatingin nanaman sila saking lahat.

“Jessie! hindi ganyan kasama si Edmond!” sigaw ni tito Jesz.

“Pero tito, wala akong nakikitang dahilan para katakutan s’ya ni Jennica.” Sagot ko naman na sinang ayunan ng lahat.

“Kaya nga ako nandito para i-kwento ang lahat.” sabi ni Edmond.

“Sige ituloy mo ang kwento.” Sabi naman ni Ken.

I love you even when I hate you (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon