CHAPTER 22

609 22 4
                                    

Chapter 22

-=JENNICA=-

Hindi ako puwedeng magkamali siguradong sigurado ako na ginagalaw ng daddy ni Jessie ang binti ko. hindi ko alam kung paano siguro paa n'ya ang pinang gagalaw n'ya at hindi katulad ng dati na tinitiis ko lang hindi ako papayag na magkaron ng maling pag-aakala sakin si Jessie.

"Ano bang pinagsasabi mo? ano bang problema mo?" tanong ni Jessie na parang galit na sakin.

"Yung Daddy mo Jessie ginagalaw n'ya ang binti ko!" sigaw ko habang nakatingin sa Daddy n'ya. ang nakakabwiset don pa-inocente pa ang mukha ng Daddy n'ya akala mo walang alam.

Natigilan ako sa ginagawa kong pagmamasid sa itsura ng Daddy ni Jessie ng padabog na tumayo si Jessie bigla s'ya yumuko at mula sa ilalim kinuha ang isang puting puting pusa.

"Ito si Peter! Ang alagang pusa ni Daddy." Sabi ni Jessie habang hawak hawak pa rin ang pusa.

At dahil napahiya ako napayuko na lang ako.

"Hindi ko alam kung anong problema mo! pero puwede ba? wag kang nagbibintang ng kung ano-ano sa Daddy ko!" sigaw ni Jessie tapos nagmamadali na syang umalis at hindi na kumain.

Napaupo na lang ako dahil sa ginawa ko. gusto kong umiyak, nagalit na sakin si Jessie.

"Hija, kung ano man ang problema mo sana maisip mo na hindi lahat ng tao katulad ng iniisip mo." sabi ng Daddy ni Jessie sabay hawak sa balikat ko. tinapik ko ang kamay n'ya paalis sa balikat ko.

"Wag mo kong hawakan! Nakakadiri ka!" Hindi napigilang sigaw ko. nakita ko naman gulat na gulat s'ya. pero hindi ako nag-aksaya ng oras tumakbo ako papasok sa isang kwarto. Kamalas-malasan kwarto pala ni Jessie ang pinasok ko.

"Ouch!!!" sigaw ko. pagkatapos tumama sa mukha ko ang librong binato n'ya.

"Diba sinabi ko sayo wag kang pasok ng pasok sa kwarto ko!"

"P-pasensya na!" sabi ko sabay yuko.

"Palagi ka na lang humihingi ng pasensya."

"H-hindi ko kasi alam kung nasaan ang kwarto ko."

Bigla naman s'yang tumayo at hinila ako palabas. Dinala n'ya ako sa isa pang pinto pangatlong pinto mula sa kwarto n'ya.

"Dito ang kwarto mo!"

"S-sino dito sa tabi ng kwart ko?"

"Kwarto ni Daddy yan!"

Dahil sa sinabi ni Jessie bigla akong kinilabutan. Paano na lang kung pasukin ako ng Daddy n'ya dito.

"Kung ano man yang iniisip mo! puwede ba? tigilan mo na."

"J-Jessie puwede bang tabi na lang tayo?"

"Alam mo ba ang sinasabi mo ha? Nakakadiri ka!"

I love you even when I hate you (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon