CHAPTER 28

689 30 12
                                    

CHAPTER 28

 

=JESSIE=

Ilang araw na kaming hindi nagpapansinan ni MM. galit ako sa kanya dahil konti na lang magkamukha na sila ni Christoff dahil palagi n’ya ng kasama. Galit naman s’ya sakin dahil ang sungit sungit ko.

“Saan ka pupunta?” tanong n’ya ng makitang paalis ako.

“Wala kang pakialam pinapakialaman ko ba kayo ng kabit mo?”

 

“Hindi ko s’ya kabit.”

 

“E di wow! Ako ang kabit.”

 

Yun lang at umalis na ako masisira lang ang araw ko nanaman e. papunta ako kina Ken. Mabubuo kami ulit ngayon matagal tagal din kaming hindi nabuo. Nag paalam kasi si Dennis na babalik sa batanggas.

Pagdating ko agad akong sinalubong ni Vincent.

“Ang tagal mo kanina ka pa hinihintay o bakit hindi mo kasama si Misis?”

 

“Pwede ba? Hiwalay na ako.” Maiksing sagot ko.

“Pambihira hindi pa ikinakasal hiwalay na.” singit naman ni Jericho.

“Hali na kayo sa loob ng makapagumpisa na.” Yaya ni Ken.

“kailan ang alis mo n’yan Dennis?” tanong ko.

 

“Bukas na.”

 

“Kung makapag-painom ka akala mo ang layo ng pupuntahan mo sa batanggas ka lang naman pupunta.”-ako

“Ano ba kasi ang pinagkakaabalahan mo sa batanggas?” –Ken.

“Ano pa e di babae may bago ba don?” –Vincent.

“Hoy iba tong babae na to. Malakas ang kutob ko s’ya na ang makakatuluyan ko.” –Dennis.

“Naku e kinutuban ka rin ng ganyan kay Jazz e.” –Justine.

“Ito namang bakla na to ang hilig sumingit. Iba to kaya nga hindi ko pinapakilala sa inyo dahil baka mapunta pa sa inyo.”

 

“Aba matinde!” –ako.

“So sinasabi mo ba na ikaw ang susunod na ikakasal?” tanong ni Jericho.

“Syempre hindi ikakasal na yang si Jessie diba?” sagot ni Dennis.

I love you even when I hate you (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon