CHAPTER 9

729 33 0
                                    

Chapter 9

 

-=JESSIE=-

 

San pa ba ako pupunta? Eh di syempre sa mahal kong si Jazz. habang wala pa si Ken kikilos na ako malay n’yo masungkit ko pa.

“Pambihira mukhang maraming bisita ah!” sabi ko sa sarili ko nang makita kong kumpleto ang sasakyan dito wala nga lang ang sasakyan ni Jericho at Dennis. Pag-baba ko ng kotse bunganga agad ni Vincent ang sumalubong sakin.

“Bakit ngayon ka lang? kahapon ka pa namin tinatawagan ah!” sigaw n’ya akala mo naman may kasalanan akong ginawa.

“Bakit ba sinisigawan mo ko? saka bakit kailangan ko bang ipaalam sayo kung anong gagawin ko araw-araw? Asawa ba kita? Natulog lang ako maghapon bakit ba? e hindi naman ako ang magbabantay kay Jazz kahapon a! si Dennis.”

 

“Yun nga ang problema e!”

 

“Talaga namang problema si Dennis e.”

 

“Baliw hindi yun.”

 

“Ano ba? sabi mo yun?”

 

“Oo, yun nga pero hindi si Dennis. ay si Dennis pala!”

 

“Ano ba talaga?”

Ang gulo kausap ni Vincent nakakainis.

“Si Dennis hindi inuwi si Jazz.” sabat naman ni Justine.

“Whaaaaaaat?! Tawagan n’yo nga yun si Dennis. pambihira yari tayo kay Ken nito e. inunahan pa ako bwiset!” sabi ko habang natatarantang di-na-dial ang number ni Jazz.

“Ayan wala na hindi na sumasagot si Jazz. hindi na rin sumasagot si Dennis. Anak ng tokwa naman yan oh! Wala na wala na tapos na ang pangarap ko pano na lang yung mamanahin ko? pano na ako makakain ng masasarap?” sabi kong lungkot na lungkot.

“Ano bang sinasabi mo masyado ng malayo ah!si Ken ba talaga ang iniisip mo? o ang sarili mo? mas apektado ka pa kesa kay Ken.” sabi ni Vincent.

Ano nga ba yung pinagsasabi ko. maya-maya pa dumating ang sasakyan ni Jericho. Bumaba don si Dennis kasunod ni Jazz at may isa pang hindi ko na pinag-aksayahan pa ng panahon na tignan. Agad naman kaming lumapit kay Jazz.

“San kayo galing? Galit na galit sakin si Ken.” sabi ni Vincent

“Oo nga! Hindi ko alam na ganito mangyayari kung alam ko lang hindi sana ako pumayag na sunduin ka ni Dennis.” sabi naman ni Justine.

I love you even when I hate you (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon