Chapter 18

678 28 5
                                    

Chapter 18

 

-=JESSIE=-

 

Sinugod ako ng yakap ni MM kaya ito ang dumi-dumi ko na. matapos n’ya akong yakapin inalalayan ko s’yang makaakyat sa bato. Tapos naupo kami don. Pinagmamasdan ko lang si MM ngayon. Nandito s’ya tabi ko nakaupo nakapikit dinadama ang hangin tapos ngiting-ngiti. Ang ganda pala talaga ng batang to.

“Bakit ba ang saya-saya mo?” di napigilang tanong ko.

 

“Sabi ko naman sayo diba sasabihin ko sayo lahat ng lihim ko pag kasal na tayo! Sa ngayon wag mo na muna akong tanungin.”

 

“Ayoko ngang magpakasal sa hindi ko kilala.”

 

“Sige, ganito na lang tanungin mo ko tapos sasagutin ko pag-kaya ko.”

 

“Bakit ang daming takot sayo sa school?” tanong ko. halata namang nagulat s’ya.

“Pano mo nalaman?”

 

“Simple lang, dati pag pumupunta ako sa school halos mamatay na ang mga babae don kakatili sakin. ngayon ganon pa rin naman pero pagkasama kita ni walang nagtatangka.”

 

“Ewan ko sa kanila sila gumagawa ng ikakatakot nila sakin. basta ako pinangako ko lang sa sarili ko na hinding hindi ako magpapaapi sa kahit kanino.”

 

“Mukhang malalim ah, naapi kaba dati?” tanong ko. pero sa halip na sumagot may kinuha s’ya mula sa bag n’ya. tapos may inabot sakin na litrato.

“Sino to? Kapatid mo? ang cute a.” sabi ko.

“C-Cute?” ulit n’ya sa sinabi ko.

“Uulitin ko pa ba?” tanong ko.

“Hindi na narinig ko na. nagulat lang ako. ngayon mo lang kasi ako sinabihan ng cute.

 

“I-Ikaw to?” takang tanong ko.

“Uulitin ko pa ba?” sagot n’ya na ginaya mula sakin.

“Last mo na yan!hindi nakakatuwa.”

 

“Hehe, oo ako yan. Bata pa lang ako naging malupit na sakin ang mundo. Walang araw na hindi ako inasar.  Walang araw na hindi ako ginawang utusan.”

 

“Hoy, baka maiyak ako sa kwento mo! yun ang dahilan mo kaya ka nag pa-sexy?”

I love you even when I hate you (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon