CHAPTER 46

676 26 8
                                    

CHAPTER 46

 

-=JENNICA=-

 

Maaga ko nagising dahil nakasanayan ko na ang samahan si Thia na mamalengke para sa mga lulutuin nito sa karinderya. Kaya naman nagulat ako nang makitang nauna pa sakin si Thia magising at nakabihis na ito.

“Saan ka pupunta Thia?” tanong kong halatang nagulat pa ito.

“Luluwas ako sa Maynila.”

 

“Po? Malayo yun ah ano pong gagawin n’yo doon?”

 

“I-K-kwento ko na lang sayo pagbalik ko. kailangan ko ng umalis baka tanghaliin ako.”

 

“Sige po thia mag-ingat po kayo ako na lang po ang mamimili.”

 

“Naku, wag ka nang mamili hindi magbubukas si Angel dahil sasama raw sakin sa Maynila.”

 

“Ganon po ba? Sige po maglalaba na lang ako.”

 

“Sige, Oo nga pala pakigising si James maya-mayang mga 7am kasi nagpapagising.”

 

“Sige po.” Sagot ko. Pag kaalis nito agad naman akong tumingin ng pwedeng almusalin kahit papano marunong naman akong mag sangag at mag prito ipaghahanda ko ng almusal si James nang matuwa naman sakin.

Agad ko namang ginising si James at Iscah ng makaluto ako.

“Naynay ang sarap ng luto mo!” Naku naman binola pa ako.

“Sus, binola mo pa nanay mo para pritong itlog lang naman ito.” Kontra naman ni James.

“Ikaw pinagluto ka na nga kumokontra ka pa.”

 

“Nasan ba kasi si Inay bakit ikaw ang nagluto?”

 

“Wala umalis luluwas daw ng Maynila.”

 

“What?!”

 

“Bakit? Ang OA naman ng reaction nito.”

 

“Iscah! Hindi mo ba sinabi yung pancit?”

 

“Anong pancit?” tanong ko naman ng biglang mapatakip si Iscah sa bibig n’ya.

“Nakalimutan ko po papa.” Sagot nito.

“Paktay kang bata ka!”

 

“Ano ba kasi yun?”

 

“Naynay yung si sir po kasi um-order s’ya ng pancit. Ito po oh!”sabi naman ni Iscah sabay abot ng papel sakin na listahan ng order.

“Ganito karami? Wow!”

 

“Di bali na pakikiusapan ko na lang si Angel.”sagot naman ni James.

I love you even when I hate you (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon