CHAPTER 35

682 24 4
                                    

CHAPTER 35

 

Malapit na ang kasal namin ni Jessie. busy na s’ya. Ewan ko ba don ayaw akong patulungin marami naman daw gagawa para hindi na ako mapagod. Kaya ito tambay muna ako sa bahay ni Jazz. Wala naman kasi akong magawa sa bahay. Si Jessie umalis pa may importanteng tao daw s’yang kikitain. Hmp mas importante pa sakin. ayan ah nag uumpisa pa lang kami wala na s’yang oras sakin.

“Hoy!”sigaw ni Jazz.

“Ano ba yun? Kung makasigaw ka naman d’yan kala mo binge ako.”

 

“Hindi ba? Kanina pa kasi kita kinakausap.”

 

“Ano ba yun?”

 

“Sabi ko sigurado ka na ba? Mag papakasal ka talaga kay Jessie?”

 

“Oo naman pangarap ko ito no.”

 

“Sabagay, kahit nga ako hindi makapaniwala kung paano mo napaibig si Jessie.”

 

“ikaw lang mahfriend e. wala kang tiwala sa ganda ko.”

 

“Naku, naniniwala na nga ako.”

 

“Mahfriend ang tagal naman lumabas ng baby mo, excited na ako.”

 

“Naku kung pwede nga lang ngayon din ilalabas ko to ang hirap kaya maging buntis tignan mo ang panget ko na.”

 

“Ayos lang yan hindi ka naman gumanda e.”

 

“Eh di wow! Hiyang hiya naman ako sayo.”

 

“Biro lang ito naman! Basta ninang ako n’yan ni Jake ah. Grabe sisiguraduhin ko na ako ang unang-unang makakakita ng baby mo.”

 

“Syempre naman ikaw ang bestfriend ko e.”

 

“Uyy talaga ba? Salamat ah”

 

“Parang duda ka pa?”

 

“Haha, hindi naman hindi lang ako sanay na nagsasalita ka ng ganyan.”

 

“Ikaw, pagkasal mo mag-anak ka na para naman may kalaro itong si Jake ko.”

 

“Oo ba! Gusto ko nga ngayon na e. ayaw pa lang kasi ni Jessie.”

 

“Loka ka talaga!”

 

“Naku, mahfriend aalis na muna ako ah.”

 

“San ka naman pupunta?”

 

“Doon sa dating bahay ko.”

 

I love you even when I hate you (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon