CHAPTER 13

705 28 9
                                    

Chapter 13

-=JENNICA=-

Hays dati-dati kahit gusto kong tumakas hindi pwede. May susundo at susundo pa rin sakin. ngayon wala ng sumusundo.

T___T wala si Jessie mambababae daw hindi ko alam kung saan ako nalulungkot dun ba sa wala akong sundo o sa mambababae s'ya. bigla naman akong natigilan sa pag-iisip ng makita kong may nagkakagulo. Lumapit ako para mas marinig ko.

"Grabe basag daw yung mukha e."

"Sino naman daw ang gumawa?"

"Hindi ko nga alam e. nakita na lang kasi s'ya malapit sa school wala nang malay."

Sino kaya ang pinag-uusapan nila.

"Sayang naman ang gwapong mukha ni Patrick."

Ahhh.. si Patirck pala ang pinag-uusapan. Si.. si.. Pa-Patrick? Bakit kaya kanina lang nakasalubong ko s'ya. magtatanong sana ko pero di kalayuan nakita kong tumatakbo ang isa pang lalaki kung hindi ako nagkakamali si Andrew yun barkada ni Patrick minsan ding natrabaho ko. wag na kayong magtaka 80% ng lalaki dito trinabaho ko na.

"Guys, kilala na kung sinong gumawa non." Sabi ni Andrew na hingal na hingal pa rin dahil tumakbo s'ya.

"Sino raw? Tanong nang iba."

"Si Jessie raw."

"Si J-Jessie? ng grupo ni Ken?"

"Oo s'ya nga."

Bigla naman akong parang pinagpawisan ng malamig. Bakit ginawa yun ni Jessie. dahil ba sa nangyari kanina. Kailangang makauwi na ako kailangang malaman ko kung okay lang ba si Jessie.

"Jennica!"

Sino ba yon? Ngayon pa ako tinawag hindi ko s'ya nilingon mas binilisan ko pa ang lakad hindi ito ang oras para makipagkwentuhan ako kung kani-kanino.

*Beep.....beep...beep...

At dahil sa hindi n'ya ako tinantanan nilingon ko na.

"J-Justine?"

"Oo, ako nga."

"Halika na sumakay ka na."

"Wag na mag ta-taxi na lang ako."

"Halika na pupunta rin ako sa inyo kailangan kong makausap si Jessie."

At dahil sa sinabi n'ya agad naman akong sumakay.

"Justine, hindi ko alam kung nasa bahay si Jessie ang sabi n'ya kasi mambabae s'ya e."

"Tinawagan ko s'ya nandun daw s'ya."

Pag-kasabi n'ya non tumahimik na ako.

Pagdating sa bahay agad naman kaming sinalubong ni Jessie.

"O, pre napadalaw ka?"

"Kailangan natin mag-usap."

"Tungkol saan naman yan?"

"Tungkol dun sa ginulpi mo."

"Ayun ba? o sige pumasok ka."

Parang hindi ako nag-eexist no? sila lang ang nag usap at talagang sya pa ang nagpapasok sa bahay ko.

"Bakit mo naman ginawa yun sa tao?"

"Ang epal e. pinaglalakad ko si MM tapos ihahatid n'ya."

I love you even when I hate you (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon