CHAPTER 11

720 31 0
                                    

Chapter 11

-=JESSIE=-

Habang nagd-drive ako pabalik sa bahay ni Ken dinaig ko pa yung cannibals sa Wrong turn sa pagkakakunot ng noo ko. nakakadiri naman kasi.

"PWEHHH!"

Pagdating sa bahay ni Ken dire-diretso akong pumasok at kitang-kita kong gulat na gulat silang lahat.

"Pambihira ka akala ko may nakapasok ng masamang nilalang e." sabi ni Dennis.

"Bakit ngayon ka lang?" tanong naman ni Jericho."

"Halika na kakaumpisa pa lang ng inuman namin. Hindi pa namin ginagalaw ang pulutan baka kasi magalit ka." sabi naman ni Justine.

"Kayo na lang, wala akong gana!" sigaw ko tapos dire-diretso na ako sa kwarto kung saan kami natutulog.

"Jessie, may problema ba?" tanong ni Vince. Hindi ko namalayan na nakasunod na pala s'ya sakin. pero hindi ko s'ya pinansin dumiretso lang ako sa CR para mag tooth brush.

"Langyah! Kung makapag-sipilyo ka parang hindi ka na ulit kakain ah."

"Wah kang pake." Sagot ko habang tuloy pa rin sa ginagawa ko.

"Sige na, sumunod ka na lang sa baba pag tapos mo d'yan ah."

Pagkatapos kong mag-sipilyo nahiga na ako wala akong ganang kumain o makipag inuman sa kanila. Gusto ko lang matulog at magpahinga.

HINALIKAN N'YA AKO.

HINALIKAN N'YA AKO.

HINALIKAN N'YA AKO.

HINALIKAN N'YA AKO

HINALI-.

"Wahhhhhhhhhhhhhhhhhhh AYOKO NA TAMA NA!" sigaw ko ng hindi ko maialis sa isip ko ang ginawa n'ya sakin. Agad namang bumukas ang pinto at iniluwa ang mga kaibigan ko.

"Bro, anong nangyari sayo?" tanong ni Jericho.

"Ano bang problema mo?" tanong ni Justine.

"Ang ingay mo naman baka magising si Jazz e." sabi naman ni Vince.

"Halika na pare, pag-usapan natin yan." Sabi naman ni Dennis tapos inalalayan akong makatayo.

Mga ilang minuto na rin akong naka-upo dito pero hindi pa rin ako nagsasalita kaya naman nakatitig lang sila sakin naghihintay na bumuka ang bibig ko.

"Binaboy ako." sabi ko.

(0.(0.(0_0).0) - lahat sila.

"Bi-binaboy ka?" Hindi makapaniwalang tanong ni Dennis.

"Paanong nangyari yun? hinatid mo lang si Jennica." Sabi naman ni Jericho.

"Bro, ikwento mo samin igaganti ka namin." Sabi ni Vince sabay akbay sakin na parang kinakalma ako.

I love you even when I hate you (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon