CHAPTER 32

760 22 3
                                    

CHAPTER 32

 

=JENNICA=

Nandito na ako sa school ngayon, maaga kong umalis hindi ko hinintay pa si Jessie. nab-bwiset lang ako sa kanya nitong mga nakaraang araw para na s’yang baliw pag hinatid ako hindi umaalis sa may gate hihintayin pa akong makalabas. Hindi ko alam ngayon kung ano naman ang pa-planuhin n’ya. Ano kayang maiisip n’ya na hindi ko na s’ya hinintay pa.

“Jennica, hinahanap ka ni coach mag i-i-start na raw.” Tawag sakin ng kasama ko sa team sa volley ball.

“Sige, susunod na.” sabi ko naman tapos lumabas na ako. Wala namang tao practice game lang naman kasi.

“MM!”

Sa boses na yun at sa pagkakatawag sakin obvious na si Jessie yun. Hinanap ko naman kung san nanggaling at nagulat ako ng makita ang itsura n’ya.

“A-Ano yan?”

 

“Alin ba?”

 

“Yang suot mo? Bakit naka uniform ka?”

 

“E di para papasukin ako ng guard.”

 

“Pambihira! Ano bang nangyayari sayo? Mamamatay ka ba pag hindi mo ako nakita?”

 

“Hindi naman. Syempre malulungkot lang ako.”

 

“Ewan ko sayo!”

 

“Sige na dun lang ako sa upuan hindi kita guguluhin galingan mo ah… go!go!go! fight! Fight!” sabi n’ya sabay kiss sakin.

Syempre hindi naman ako naiinis na nandito s’ya ang totoo natutuwa nga ako na gumagawa s’ya ng paraan para makita ako. Talagang mahal na mahal n’ya na ako. Kaya natatakot ako na baka pag nandito s’ya sa school e makarinig s’ya nang kung ano-ano tungkol sakin. na makakasakit sa kanya.

“Jennica, mag focus ka lang sa game. Kung hindi paaalisin ko yang boyfriend mo!”

 

“Yes, coach!” sagot ko naman. Kahit hindi ako sanay na tawagin sa ganon itong si Christoff. Kailangan ko pa rin s’yang igalang dahil nasa school ako.

-=JESSIE=-

 

Isang maling galaw lang talaga itong Chris na ito malilintikan s’ya sakin. biglang napatingin naman ako sa mga lalaki sa gilid ko dahil ang ingay nila. At mukha may binobosohan.

“Tera na pare, may pasok pa tayo e.” yaya ng isang lalaki dun sa kasama nito na nakatulala sa hindi ko alam kung sino ba sa mga kasamahan ni MM ang tinitignan.

“Teka lang pare, konti na lang ang sexy n’ya kasi e.”

“Oo, teka lang saka tignan mo ang kinis ang puti-puti.”

 

Langya mga lalaki talaga o. naalala ko tuloy nung college days ko. ang ganyan samin si Vincent at Justine. Si Jericho kasi non patay na patay na sa bestfriend n’ya. Si Ken at Dennis naman nag aagawan na kay Grace nung mga panahon na yun. Ako naman busy lang sa pag-kain. Hayyy MM binago mo talaga ang buhay ko.

I love you even when I hate you (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon