CHAPTER 14

657 24 5
                                    

Chapter 14

 

-=JESSIE=-

 

“Hoy, Jessie! pumunta ka ba dito para magmukmok? Pambihira ka! wala ka ng ginawa kundi guluhin ang lovelife ko.” sigaw ni Justine na nagpabalik sakin sa katinuan ko. hindi ko makalimutan ang nangyari kay MM kanina bakit s’ya nagkaganon.

“Anong lovelife? Nakakadiri ka umayos ka nga nakakadiri kayo! Hindi ako makapaniwalang pinatulan ka ni Raffy.” Sagot ko.

“Narinig ko ang pangalan ko, anong meron?” tanong naman ni Raffy na dumating na rin pala.

“Pinag-uusapan namin yung nakakadiring lovelife n’yo! Hindi ako makapaniwala na bakla ka rin pala.”sabi ko kay Raffy. Ngiti lang sinagot sakin ni Raffy. Ngiting ang ganda ganda siguro kung naging babae s’

“Hoy, ako lang ang bakla hindi bakla yang Raffy ko ah!” sigaw naman ni Justine.

“Pumatol s’ya sayo! Kaya kahit ayaw n’yang aminin bakla na s’ya.”

 

“Sinong bakla?”

Napalingon naman agad kami sa nagsalita mula sa likod namin. Si Vincent pala.

“Pambihira ka palagi ka na lang late!” sabi ko.

“Ang init naman ng ulo nito! hinatid ko pa si Nash sa bahay nila e.” sagot naman n’ya.

“Hanggang ngayon ba naman hindi mo pa rin sinukuan si Nash.”

 

“Pare, pagmahal mo hindi mo susukuan talaga.”

 

“O e di wag, habang buhay kang umasa.”

 

“Tara na shot na! ang iingay n’yo e.”-Justine.

 

“Wala pa nga si Jericho at Dennis e.” sabi ko.

“Hindi pupunta si Dennis, tumawag na s’ya kanina nasa batanggas daw.”- Vincent.

 

“Ano naman kaya ang ginagawa n’ya sa batanggas?” tanong ko.

“Ang sagot n’ya sakin nag babagong buhay daw s’ya ron.”-Vincent.

“Ang sabihin mo nambababae nanaman s’ya don. Teka muna e si Jericho?” sabi ko.

“Wala si Jericho nasa hospital.”-Vincent

 

“O anong nangyari sa kanya?” sabay na tanong namin ni Justine.

 

“Walang nangyari sa kanya. Dun sa secretary n’ya meron.”

 

“Ano naman nangyari sa secretary n’ya? at ano naman ang pakialam n’ya?”

 

“Binuhusan daw ni Jane ng mainit na tubig. Nagselos nanaman.”

 

“Grabe talaga yang si Jane dapat d’yan kinukulong sa bahay para hindi na makapanakit. Dati ayaw n’ya kay Jericho ngayon naman habol ng habol.” Sabi ko.

I love you even when I hate you (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon