CHAPTER 16

678 27 10
                                    

CHAPTER 16

=JESSIE=

"Kiss mo nga!" ulit n'ya.

Napalunok naman ako dahil sa mukhang wala na akong magagawa ginusto ko to e. kalokohan ko ito e. dahan-dahan kong nilapit ang mukha ko sa mukha ni MM.

"JESSIE!!!!"

BoOM! Sakto napalingon ako sa tumawag sakin.

"V-Vincent? Anong ginagawa mo dito?"

"Aba mall kaya ito wag kang magtaka kung nandito ako! E ikaw anong ginagawa mo?"

Nakita ko naman na umalis na ang lalaking kausap ko kanina.

"Aba mall ito kaya wag kang magtaka kung nandito ako." Sagot ko na ginaya ang sagot n'ya.

"Sabi ko anong ginagawa mo? Hindi anong ginagawa mo dito!" ulit n'ya pa.

"Eh di kumakain bulag ka ba?" sagot kong medyo naiirita sa kanya.

"Kailangan pag-kumakain ka naka-kandong sayo si Jennica? Aba ang sweet mo naman."

Dahil sa sinabi ni Vincent naitulak kong bigla si MM.

"Araaaay!" sigaw n'ya.

"Bakit kasi sakin ka nakaupo?" sabi ko.

"Kahit ikaw ang humila at nagpa-upo sakin?" sagot n'ya.

"Kunwari ka pa Jessie! Ang landi mo! I-k-kwento ko ito sa barkada!"

"Tumigil ka nga ang daldal mo talaga!"

"Pwede naman nating pag-usapan to. Libre mo lang ako."

"Langya! Sakin ka pa nagpapalibre kita mo ng wala nga akong ka-pera-pera."

"Wala kang pera ang dami mong in-order?"

"Si MM kaya bumili n'yan."

"Wow. Ang swerte mo talaga sa mapapangasawa mo."

"Mukha mo hindi ako mag-aasawa."

"Naku sige saka na lang natin planuhin yan. Tara na alis na tayo, wala akong dalang sasakyan kaya isabay n'yo na lang ako."

"Bakit saan pupunta?"

"Ngayon ang uwi nila Ken. Parating na sila sa bahay."

"Talaga?" excited na tanong ni MM.

"Ano pa hinihintay n'yo tara na!" sigaw ko. Sumunod naman sila sakin.

***

I love you even when I hate you (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon