CHAPTER 55

665 27 1
                                    

CHAPTER 55

 

-=JESSIE=-

 

Ano kaya ang nangyari kay Jennica parang umiyak s’ya. Pero hindi naman n’ya ako pinansin nung tanungin ko kung may problema s’ya. Sabagay ano nga bang bago pa ron eh talaga namang bihira n’ya akong pansinin. Sumasakit na ang likod at pwet ko nahihirapan naman akong tumayo hindi rin naman ako makakahiga. Pambihirang buhay to. Mahirap pala pag palaging nakaupo. Tapos nagugutom pa ako. itutulog ko na nga lang tong gutom ko.

“Jessie.”

 

Agad naman akong dumilat ng marinig ko ang boses ni Jennica.

“B-bakit?”

 

“Kumain ka muna bago ka matulog.” Sabi nito sabay abot sakin ng dala nitong pancit.

“Alam ko naman na hindi ako marunong magluto. Pero gustong gusto mo kasi itong pancit ko na may asukal.” Sabi n’ya.

“Oo naman, salamat.” Sagot ko.

“Grabe, ang sarap talaga.” Sabi ko habang ganadong Ganado ako sa pagkain. Ngayon na lang ulit ako nakakain ng ganito karami.

“Tapos ka na ba?”

 

“O-Oo.”

 

“Sige papasok na ako sa loob.” Sabi n’ya tapos kinuha na ang pinagkainan ko.

“Jennica!”tawag ko.

“Bakit?”

 

“Salamat.”  Sabi ko. tapos tumango lang ito at pumasok na sa loob ng bahay.

-=JENNICA=-

 

Dahil sa mga nalaman ko malinaw na sakin na mahal ako ni Jessie. Kanina pa lang pagdating ko gusto ko na s’yang salubingin ng yakap. Gusto ko s’yang halikan. Pero nang makita ko ang itsura n’ya. Natakot ako. natakot akong baka madamay s’ya sa nangyayari sakin. hindi ko kakayanin kapag may nangyari pa sa kanyang masama. Mahal na mahal ko si Jessie at kahit nung panahon na galit na galit ako sa kanya hindi nawala ang pagmamahal na yun. Nakakatulog kaya s’ya sa ganong lagay.

Dahan-dahan akong bumangon para silipin s’ya. Nakita ko naman na tulog na ito. siguradong sasakit ang katawan n’ya dito.

“Jessie, Jessie..” tawag ko sa kanya habang tinatapik s’ya sa balikat.

“B-bakit? May problema ba? May nangyari ba kay Iscah?”

 

“Wala, halika na aalalayan kita, sa loob ka na matulog.”

 

“Ha? Hindi na ayos lang ako dito.”

 

“Sige na, halika na.” Pagkasabi ko non hindi na s’ya nagmatigas. Dun ko s’ya pinahiga sa higaan ni Thia.

“S-salamat.”

 

“Sige na, matulog ka na.” pagksabi ko non lumabas na ako ng kwarto.

Haaays. Nasaloob na s’ya ng kwarto malamang din tulog na s’ya. Pero bakit ba hindi pa rin ako makatulog. Bumangon ako para silipin ulit si Jessie. kita ko naman na himbing na himbing s’ya sa pagtulog n’ya. Lumapit ako at dahan-dahan akong naupo sa gilid ng higaan n’ya.

I love you even when I hate you (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon