CHAPTER 54

649 29 0
                                    

CHAPTER 54

-=JENNICA=-

"Vincent plano mo man to o nang kahit sino kasalanan pa rin yun ni Jessie dahil s'ya ang nag desisyon na gawin yun."

"Hindi Jennica, hindi totoo ang narinig mo."

"A-anong ibig mong sabihin?"

"Sa sobrang awa ko kay Jessie nag record ako ng boses na ako lang naman ang nagsabi. Gulat na gulat nga sila sa pinagsasabi ko. ang sabi ko kay Jessie kapag sobrang nasasaktan na s'ya gamitin n'ya yun para makaganti. Pero wala sa plano ni Jessie ang sundin ako. hindi ko alam kung anong nangyari nung gabi na yun. Baka may nasabi ka sa kanya na sobra mo s'yang nasakta." Sabi ni Vincent at dahil sa sinabi nito biglang bumalik sakin ang nangyari noon. Nagmamakaawa si Jessie na balikan ko s'ya. At nagalit lang ito ng sabihin ko na sasama ako kay Christoff. Sobrang sakit pala talaga ng ginawa ko para kay Jessie kaya n'ya siguro nasabi sakin yun at nagawa n'ya sakin yun. Dahil pakiramdam n'ya sobra sobra kong s'yang sinaktan.

"Jennica, simula non hindi na kami pinansin pa ni Jessie. galit na galit s'ya samin dahil kung hindi raw namin kayo ginulo noon kila Dennis baka masaya pa rin kayo. At sobrang galit na galit s'ya kay Dennis na kahit mamatay daw s'ya hindi n'ya patatawarin. Dahil si Dennis ang sinisisi n'ya sa lahat. ngayon lang n'ya kami kinausap ulit nung bumalik ka. Jennica, patawarin mo na kami lalo na si Jessie. dahil wala s'yang ginawang kasalanan sayo. Gustong gusto na naming makitang ngumiti ulit si Jessie, gusto na namin makitang Ganado ulit s'ya sa pagkain, gusto namin s'yang makasamang mag-inuman. Jennica, parang awa mo na wag mo s'yang pahirapan." Mangiyak-ngiyak na sabi ni Vincent. Naiiyak na rin ako kaya tumingin na lang ako sa labas ng bintana ng sasakyan.

"Kung hindi mo man mapatawad sa ngayon si Jessie. sana wag mo s'yang pabayaan sana wag mong hayaang magutom s'ya at papakin ng lamok sa labas ng bahay n'yo. Oo nga pala may ipapakita lang ako sayo." Sabi nito. Hindi naman na ako sumagot dahil pakiramdam ko babagsak lang ang luha ko kung magsasalita pa ako. dinala ako ni Vincent sa Emmanoehl University kung saan ako nag-aral.dito lang din naman yun sa batangas nakakatuwang isipin na dito sa batangas umikot ang mundo ko. dito ko lumaki, dito ako nagtago at dito rin ako napadpad ng gusto kong mamatay na lang. pero huli na nang maisip kong batangas pala ang lugar na napuntahan ko noon dahil nung bata naman ako hindi ako nakakapasyal. Saka parang masyadong malayo ang lugar nila Thia parang dulo na ata ng batangas yun.

"A-anong ginagawa natin dito?" takang tanong ko.

"May dadalawin lang tayo." Sabi ni Vincent.

Pumunta kami sa Principal's Office. Wala pa rin akong idea hanggang ngayon kung bakit nandito kami.

"Ma'am nandyan po ba si..." tanong ni Vincent na ibinulong pa ang pangalan kaya hindi ko narinig.

"Wala e, nag birthday leave." Sagot naman ng principal.

"Sige po ma'am salamat po." Sagot ni Vincent tapos inalalayan ako ni Vincent pabalik sa sasakyan.

"Wala yung dadalawin natin naka leave daw sa bahay na lang natin pupuntahan."

"Sino ba kasi yun?" tanong ko sa halip na sumagot ngumiti lang ito sakin.

"Kamusta ka na? sinagot ka na ba ni Nash?" tanong ko. ngumiti naman ito.

"Oo, kinasal na kami. Kakakasal pa lang buntis na si Nash, ikaw ang una kong sinabihan." Gulat na gulat naman ako sa sinabi n'ya.

I love you even when I hate you (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon