CHAPTER 29

652 27 8
                                    

CHAPTER 29

 

=JESSIE=

“Ano Jessie? bakit hindi ka makasagot? Mahal mo ba si Jennica?”

 

Hindi ko alam kung anong isasagot ko. Kahit ako hindi ko alam kung mahal ko si MM.

“Nakita mo na? hindi ka makasagot. Paano ko s’ya ipapaubaya sayo? Anong plano mo kay Jennica? Parausan mo?”

 

*Pak!

Hindi ko na pagilan ang sarili ko at nasapak ko s’ya.

“Tinuring kitang parang kapatid ko na pero hindi ibig sabihin non pwede mo ng bastusin si MM. hindi mo alam kung gaano ko s’ya ginagalang. Hindi mo alam kung gaano ako nagtitiis wag ko lang masira ang buhay n’ya. Kaya hindi ako papayag na bastusin mo s’ya!”

 

“Kung ayaw mong masira ang buhay ni Jennica ibigay mo na s’ya sakin!”

 

“Hinding hindi ko gagawin yun.”

 

“Bakit hindi na lang tayo magkasundo?”

 

“Anong ibig mong sabihin?”

 

“Susunduin ko ngayon si Jennica at yayayain ko s’yang magpakasal dun mismo sa loob ng school pumunta ka para magkaalaman na kung sino ba talaga ang pipiliin ni Jennica.”

 

“At kapag ako ang pinili?”

 

“Hindi ko na kayo guguluhin pababayaan ko na kayo.”

 

“Sige, pumapayag ako.”

 

Sigurado naman ako na ako ang pakakasalan ni MM pero kinakabahan pa rin ako. Papunta na ako ngayon sa school. Siguradong nandun na rin si Chris. Sana naman matibay ang pagmamahal ni MM sakin. agad akong tumakbo pababa ng sasakyan ko dahil hindi naman ako papapasukin sa school tatakasan ko na lang si Manong guard mabilis naman ako tumakbo.

“Good evening sir Jessie!”

 

Sigaw ng guard ng dumaan ako bigla tuloy akong napahinto sa pagtakbo hindi n’ya kasi ako hinabol.

“Jessie!” boses ng kung sino. Agad ko namang hinanap at nakita kong bumaba mula sa sasakyan si Justine.

“Justine, please pabayaan mo na akong pumasok kahit ngayon lang pare kailangan ko lang talaga.”

 

“Oo, alam ko.”

 

“Alam mo?”

I love you even when I hate you (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon