CHAPTER 58

556 24 1
                                    

CHAPTER 58

-=JESSIE=-

 

Kanina pa ako naglalakad pero parang walang tao, sigurado naman akong ito yung lugar na i-tinext sakin ng hayop na matandang yon.

“Hoy! Tanda, puwede ba lumabas ka na nga d’yan. Wala akong balak makipaghanapan sayo.”hindi napigilang sigaw ko.

“Masyado ka namang mainit, naninigurado pa ako kung may iba kang kasama.” Sabi ng tinig na nagmumula sa likod ko. agad naman akong napalingon at ang mukha n’yang nakangiti na parang demonyo ang nakita ko.

“Marunong akong tumupad sa napag-usapan hindi mo ko katulad.” Sagot ko.

“Wahahahahahaha, tama ka hindi kita katulad kasi hindi ako tanga! Sino sa palagay mong ang tangang susugod sa kalaban n’ya ng nag-iisa?”  sabi nito. bago pa ako sumagot nakita kong isa-isang naglabasan ang mga lalaking may malalaking katawan.

“Ano ‘to? Ang akala ko ba tayong dalawa lang ang mag-uusap?”  takang tanong ko.

“Katulad nga ng sinabi ko, hindi ako kasing tanga mo!”

 

“Hayop ka talaga!”

 

“Oo, hayop talaga ako at hindi ko aaksayahin ang oras ko sa pakikipag-usap sayo! Sigurado ko hinihintay na ako ni Jennica sa higaan.”

 

“Hayopppp! Hayop ka talaga! Wag mong hahawakan kahit dulo ng daliri n’ya papatayin kita!”  sigaw ko. dahil hindi na ako nakalapit pa sa kanya hawak hawak na ako ng mga tauhan n’ya.

“Paano ba yan? Mauuna ka saking mamatay eh so hahawakan ko s’ya hindi lang sa dulo ng daliri n’ya.”  sagot nito tapos tumawa ng malakas bago tuluyang naglaho sa paningin ko.

Nag-kamali ako, ang akala ko kaya kong talunin si Edmond dahil nag-iisa ito. Ang hindi ko naisip na kukuha s’ya ng tao n’ya para patayin ako.

-=JENNICA=-

 

“Jessieeeeeeeeeee!” sigaw ko. tapos bigla akong napa-bangon. Panaginip lang pala. Kinabahan ako dahil sa panaginip ko namatay si Jessie. J-Jessie? Dahil sa naisip ko bigla akong napabangon.

“Jessie?!” sigaw ko. wala s’ya sa tabi ko baka nasa loob s’ya.

“Jessie?! Jessie…Jessie…!”  Paulit ulit na sigaw ko pero walang sumasagot. Palabas na sana ako ng bahay ng may mahagip ang paningin ko sa mesa. Agad akong lumapit dun at nakita ko ang sing-sing ni Jessie na nakapatong sa isang papel. Agad ko namang binuksan ang papel para makita ang nilalaman nito.

“Jennica, Mahal kita. Paalam.” Biglang pumatak ang luha ko ng nabasa ko yun pero hindi ako nag-aksaya ng oras agad akong lumabas at tumakbo, umaasang maabutan ko s’ya.

“Jessie!

 

Jessie!

 

Jessie!” paulit-ulit na sigaw ko habang tumatakbo. Hanggang sa hindi ko na kinaya at napaupo na lang ako sa sahig.

“Jessie, bakit mo ko iniwan! Bakit? Bumalik ka sakin please.. bumalik ka sakin.” sigaw ko pero wala, walang Jessie. wala na si Jessie.. wala na s’ya. Parang wala sa sariling naglakad ako pabalik sa bahay. Pag-dating sa bahay agad akong pumasok sa kwarto at nahiga. Pinikit ko ang mga mata ko umaasa akong panaginip lang ito. Panaginip lang lahat ng ito pero hindi. Kahit anong pikit ang gawin ko hindi e, hindi ako nananaginip gising ako gising na gising ako. muling tumulo ang luha ko.

Wala na si Jessie. ngayon pa s’ya nawala. Huli na ang lahat nag-matigas pa kasi ako kung sana pinatawad ko s’ya agad. Kung sana nasabi ko kung gaano ko s’ya kamahal… na mahal ko pa rin s’ya. pero wala na s’ya siguro napagod na s’ya. napagod na s’ya sakin.

*Knock knock!

 

Bigla akong napabangon nang makarinig ako ng katok.  Si Jessie! bumalik s’ya, binalikan n’ya ako. Dahil sa naisip ko halos takbuhin ko na papunta sa pinto.

“Jessie, buma-.” Hindi ko na natapos pa ang sasabihin ko nang makita kong hindi si Jessie ang kumatok kundi ang hayop na si Edmond.

“Hi, sweetie… na-miss mo ba ako?” sabi nito. sa halip na sumagot ay agad kong sinara ang pinto.

“Kahit anong gawin mo mabubuksan ko pa rin yan!” sigaw nito mula sa labas. Agad akong tumakbo sa kwarto dinampot ko ang cp ko at dahil number lang naman ni James ang nandun agad kong dinial ang number nito. pero wala hindi nito sinasagot.

“Sweetie, papasok na ako!”  sabi nito. tapos bigla akong nagulat sa lakas ng putok ng baril. pero sandali lang yun agad akong kumilos binuksan ko ang bintana wala na akong magagawa tatalon ako sa labas mababa lang naman. Agad akong sumampa at akmang tatalon na sana ng marinig ko ang boses ni Edmond.

“Sige, gumalaw ka! sisiguraduhin kong hindi mimintis ang bala ng baril ko.” dahil sa takot na baka totohanin n’ya, hindi ako nakakilos.

“Ayan, madali ka naman palang kausap.” sabi nito. habang ako ay nakatayo pa rin sa may bintana. Bigla akong kinilabutan ng maramdaman ko ang kamay nito sa magkabilang binti ko.

*BhuGZZzz!

 

“Araaaaaaay!” sigaw ko. matapos nitong hilahin ang binti ko at tumama ang ulo ko sa pader ng bahay. Ang itsura ko ngayon para kong nakabitin sa bintana, ang kalahati ng katawan ko ang nakalabas ang kalahit naman ay nasa loob hindi ako makakilos dahil nararamdaman kong nakatutok ang baril sa likod ko. pero ang kamay ko patuloy ang pag-pindot sa cellphone baka sakaling masagot ni James. marinig n'ya man lang ang boses ni Edmond.

“Masakit ba? matigas kasi ang ulo mo. kung sinusunod mo ko hindi ka sana nahihirapan.” Sabi nito habang pinapagapang ang kamay n’ya sa likod ng binti ko paakyat sa hita ko.

“Ang kinis mo pa rin.”  Dag-dag pa nito.

*Pak!

“Awww!” sigaw ko matapos ako nitong hampasin ng baril sa likuran ko. tapos hinila ako nito sa buhok paharap sa kanya. tuluyan ko ng nabitawan ang cellphone sa labas ng bintana.

“Masakit ba, Jennica? May alam ako sa una lang masakit tapos masarap na gusto mo ba yun?” sabi nito habang hila-hila pa rin ang buhok ko.

“Ano? Sagot!”  sigaw nito sabay diin sa pag-kakahawak sa buhok ko.

*Pweh!

“Bastos ka!” sigaw nito kasabay ng sampal. matapos ko s’yang duruan sa mukha.  Bigla naman akong napahawak sa kamay n’ya na sumasabunot sakin dahil nasasaktan ako.

“Ginagalit mo talaga ako! gusto mo pinahihirapan ka? o sige, pahihirapan kita.”

*****

Pasensya na po sobrang tagal bago ko nakapag-update ulit sobrang dami lang po talagang ginagawa. malapit na nga pala itong matapos hanggan Chapter 60 na lang po maraming salamat.

I love you even when I hate you (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon