CHAPTER 41

781 25 5
                                    

CHAPTER 41

 

-=JESSIE=-

 

Sa nangyayari sakin ngayon puwede n’yong sabihin na hindi ako lalaki. Dahil hindi gawain ng isang lalaki ang umiyak ng umiyak pero hindi ko mapigilan ang sarili ko. Ang sakit ang sakit sakit. Ilang araw na akong nagkukulong sa bahay hindi kumakain hindi naliligo hinang hina na ang katawan ko. babangon lang ako para uminom. Bakit nangyayari sakin ito? Nagmahal lang ako. Nagmahal lang ako.

*Dingdong… dingdong…

May nag do-doorbell nanaman hindi na nadala kahit kailan hindi ko naman pinagbuksan hanggang ngayon nagdo-doorbell pa rin. Pati si daddy pinaalis ko na muna dahil sa ngayon gusto ko lang mag-isa ano bang mahirap intindihin don? Bakit hindi nila maintindihan? Kahit naiinis pilit akong bumangon para buksan ang pinto. Nakita ko naman sina Ken, Dennis, Jericho, Justine at Vince.

“Uyyyyyyyyy ang mga kaibigan kong sobrang buti nandito! Anong ma-ipaglilingkod ko sa inyo?” tanong kong may halong pang-aasar.

“Jessie, tignan mo nga yang itsura mo!” sabi ni Ken.

“Anong paki mo itsura ko to! Pumunta kayo dito para tignan ang itsura ko?”

Jessie, please naman kung may problem ka pag-usapan natin.” Sabi ni Jericho.

“Pag-usapan? Bakit pa? e diba magagaling kayo?! Sigurado ako tuwang tuwa kayo kasi napatunayan n’yo na na mali ang babaeng minahal ko!”

 

“Pare, hindi ganon yun pag-usapan natin ang problema mo.” Sabi naman Justine.

“Wala tayong dapat pang pag-usapan dahil simula nung sinugod n’yo ko at sinira ang lahat ng plano ko sinira n’yo na rin ang buhay ko! kung hindi kayo sumawsaw kung hindi n’yo ko pinigilan natuloy na sana ang kasal namin ng babaeng mahal ko!”sabi ko habang naiiyak nanaman nakita ko naman na yumuko silang lahat.

“Pare, pinagsisihan na namin na hindi namin naisip ang mararamdaman mo kaya nga kami nandito para magsorry sa inyo ni Jennica sinabi na samin ni Vincent ang lahat na hindi naman pala totoong kasal si Jennica sa matandang yun.”-Dennis.

 

“Pinagsisihan n’yo?” may magagawa ba ang pagsisisi nyo? Maibabalik ko ba ang panahon? MAIBABALIK KO BA? SUMAGOT KAYOOOO!”

“Oo pinagsisihan na namin yung ginawa namin. Kaya nga kami nandito e. sana isipin mo rin na nagawa namin yun dahil sobra kaming nag-aalala sayo! Pero dahil makitid yang utak mo bahala ka na! kamusta mo na lang kami kay Jennica.” Sabi ni Vincent tapos niyaya n’ya ng umalis ang lahat.

“Wala na s’ya.” Sabi ko kasabay ng mga luhang walang tigil sa pag patak gulat na gulat na napatingin sila sakin.

“Anong ibig mo sabihin? –Ken.

“Anong wala?” –Jericho.

“Paanong nangyari yun?” –Vincent.

“Wala na kami, iniwan n’ya na ako. iniwan n’ya na ako. iniwan n’ya na ako.”  paulit ulit na sabi ko hanggang sa napaluhod ako dahil sobrang nanghihina na ako. agad naman nila akong inalalayang makatayo at pinapasok sa loob. Nang makapasok na kami sa loob inabutan nila ako ng tubig para kumalma.

“Anong nangyari? Kahapon lang masaya ka pa.” tanong ni Vincent.

“Pare, kinausap ko s’ya sinabi ko na umalis na kami dito na mag sama na kami pero iniwan n’ya ako. iniwan n’ya ako ng malaman n’ya na hindi ako pamamanahan ni daddy. Ang sakit… ang sakit..sakit.” hindi napigilang sabi ko. wala silang kahit anong sinabi sakin tinapik lang nila ang likod ko habang umiiyak ako. tapos pinagpatuloy lang namin ang inuman. Nang medyo marami-rami na ang naiinom saka sila nagsalita tungkol kay MM.

I love you even when I hate you (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon