CHAPTER 27

638 28 2
                                    

CHAPTER 27

 

=JENNICA=

 

 Hindi na ako masyadong nagulat sa nangyari kanina dahil alam ko naman na kakilala nila ang demonyong si Edmond dahil nabanggit na yun ng daddy ni Jessie. pero hindi ko naisip na si Chris  pala ay si Christoff hindi ko naisip na ganon pala sila kalapit sa isa’t-isa.

“Chris, pasensya kana kanina ah. Ito kasing mapapangasawa ko habulin ng mga lalaki.” Sabi ni Jessie sabay hawak sa ulo ko.

“Okay lang kahit naman siguro ako magagalit din. Pero hindi ko alam na ikaw pala ang mapapangasawa ni Jennica.”

 

“Oo, pero wala pa namang date napaguusapan pa lang saka ito nga nagsasama naman na kami inuuna na naming ang pag gawa ng baby.” Pagkasabi ni Jessie non bigla akong nasamid.

“Oh MM bakit? Ayos ka lang ba?”tanong sakin ni Jessie.

“Ganon ba? Ang akala ko nga may babalikan pa ako. Ikakasal na pala.” Sabi naman ni Christoff.

“Oo nakwento nga sakin ni MM na ikaw ang first love n’ya.”

 

“Teka lang hijo, ang daddy mo kamusta?” singit naman ng daddy ni Jessie.

“Nasa America po s’ya inaayos ang mga negosyo namin doon.”

 

“Ganun ba? Ikamusta mo na lang ako sa kanya wala na kasi akong balita sa kanya.”

 

“Grabe po ang pinagdaanan namin ni Daddy lumayo po kami dahil hindi n’ya natanggap na wala po s’yang nagawa para sa asawa n’yo. Iniwan nga rin po ako ng Daddy noon hindi na s’ya umuuwi sa bahay. Isang taon din pong palaging ganon s’ya.”

 

“Ganon ba? Sabihin mo sa daddy mo na wala naman kaming sinisisi ni Jessie sa nangyari.”

 

“Opo, sasabihin ko po.”

 

“Teka lang Chris paano ba kayo nagkakilala nitong si MM?”

 

“Naku e naging magkaklase kami nitong si MM. at ang daddy n’ya at daddy ko ay mabuting magkaibigan.”

 

*Chiiiing….

 

Dahil sa sinabi ni Christoff nabitawan ko ang hawak kong kutsara. Wag n’yang masabi sabi na mabuting magkaibigan ang daddy ko at ang daddy n’ya. Dahil hayop s’ya.

“May problema ba MM?”

 

I love you even when I hate you (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon