CHAPTER 37

652 26 1
                                    

CHAPTER 37

 

-=JENNICA=-

 

Nagising ako dahil sa liwanag na tumatama sa mukha ko galing sa bintana. Kinapa-kapa ko naman si Jessie sa gilid ko at nang hindi ko s’ya makapa bigla akong nag panic. Tumakbo agad ako palabas ng kwarto.

“Jessie! Jessie! Jessie!” sigaw ko. pero walang sumasagot unti-unti na akong nakaramdam ng takot. Napaupo na lang ako sa sahig sa takot na baka iniwan na ako ni Jessie.

“Kung makasigaw ka naman kala mo naman mawawala ako!”

Bigla akong napalingon ng marinig ko ang tinig na yun at nakita ko sa likod ko si Jessie agad ko s’yang sinugod ng yakap.

“Jessie, akala ko iniwan mo na ako. Akala ko umalis ka na.”

 

“Kailan mo ba maiisip na totoo lahat ng sinasabi ko sayo? Na mahal kita. Sobrang mahal kita at kaya nga ako sumama sayong tumakas dahil hindi ko kayang mawala ka sakin.”

 

“Jessie.” yun na lang ang nasabi ko.

“Jessie, Jessie ka d’yan halika na pinaghain na kita kumain ka na tapos mag swimming tayo.”

 

“Sige.” Masayang sagot ko. tapos kumain na kami at nagmamadali na akong nagpalit ng pang swimming ko at dahil maganda naman ang kutis ko hindi na ako nag lagay pa ng pamatong suot ang two piece ko lumabas ako ng bahay para hanapin si Jessie.

Paglabas ko agad akong napanganga sa ganda ng rest house nila Ken. Hindi ko napansin ito nung dumating kami kagabi. Ito pala yung kwinento sakin ni Jazz kung saan dinala s’ya ni Ken at puro masasaya lang ang ala-ala n’ya. Sana nga maging masaya lang din ang alaala ko dito at sana hindi nila ko matunton dito.

“MM!” sigaw ni Jessie. nakita ko naman s’ya agad hindi kalayuan nagmamadali s’yang lumakad papunta sakin at bigla na lang akong binuhat.

“Jessie, a-anong ginagawa mo? Bitawan mo nga ako!” agad n’ya rin naman akong binitawan ng makarating sa loob ng bahay.

“Bakit ba?” tanong ko.

“Anong ba-.” Hindi na n’ya natapos pa ang sasabihin n’ya ng biglang magsalita si Dennis.

“Hi, kumain naba kayo”

 

“Hi Dennis, Oo tapos na.”  Sagot ko naman na binati pa s’ya.

“Hi, Jen- Ohhhh ohhhh ohhhhhwwwwwww..” biglang sabi ni Dennis na napatulala ng makita ako.

“Lintik na!” biglang nasabi ni Jessie tapos muli n’ya akong binuhat papunta sa kwarto. Narinig ko pang sumigaw si Dennis.

I love you even when I hate you (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon