CHAPTER 25

660 31 4
                                    

CHAPTER 25

=JESSIE=

"S-SAYO BA TO? SUMAGOT KA!"

"O-OO sakin yan!"

"Tsss sabi ko na nga ba e!"

"M-Magpapaliwanag ako Jessie.

"Hoooh wag na! umpisa pa lang naman alam ko na na ikaw talaga ang bakla e. nag b-bra ka pa! kahit magsuot ka ng sampu nito hindi ka pa rin magkakaron ng. . . yon. Yun na yon."

0_0 ganyan lang ang reaction n'ya. Hindi siguro s'ya makapaniwala.

"Aalis na nga ako! Mababaliw ako sa bahay na ito.sabihin mo na lang kay Justine na dumaan ako." Sabi ko tapos umalis na ako.

-=JENNICA=-

Hayyss ang boring naman. Walang magawa sa bahay nila Jessie. Ang laki laki nga wala naman magawa. Tinoyo nanaman si Jessie biglang ayaw makita nanaman ang mukha ko. Mamaya na raw ako umakyat sa kwarto pag matutulog na.

"Hija, nakasimangot ka nanaman." Bati sakin ng Daddy ni Jessie. Maydala pa itong juice at French fries. Hindi pa rin ako makapaniwala na magkasundo na kami. Ang bait bait n'ya sakin. Hindi ko tuloy maisip kung bakit pinaghinalaan ko pa s'ya.

"E kasi naman Daddy walang magawa dito sa bahay n'yo. Ayaw naman ako payagan umalis ng anak mo."

"Ahahaha masanay ka na ganyan talaga kawalang kwentang kasama ang mapapangasawa mo dapat ngayon pa lang nasasanay ka na. oh ito mag meryenda ka muna."

"Daddy, dito ba kami titira pag-kasal na kami?"

"Sabi sakin ni Jessie dati kung mag-aasawa raw s'ya dito pa rin s'ya titira pero sabi ko dapat bumukod s'ya. Ikaw saan mo ba gusto?"

"Kahit saan po basta kasama ko lang si Jessie."

"Mahal na mahal mo ang anak ko nakikita ko sa mga mata mo."

"Opo, sobrang mahal ko po si Jessie."

"Kailan mo ba nalaman na mahal mo si Jessie?" pagtanong ng daddy n'ya sakto namang bumaba na si Jessie at umupo din dito sa tabi naming ng daddy n'ya.

"Minahal ko na po si Jessie nung unang beses ko s'yang nakita." Sabi ko habang diretsong nakatingin kay Jessie. Nasamid tuloy si Jessie.

"Ahahaha meron pa lang ganon no unang kita pa lang mahal na agad." Sabi ng daddy ni Jessie.

"Sus, nagpapapaniwala ka naman d'yan sa babae na yan e bolera yan." Sabi naman ni Jessie.

I love you even when I hate you (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon