CHAPTER 45

610 25 2
                                    

CHAPTER 45

 

-=JESSIE=-

 

“Sir, parang antok na antok po kayo.” Pansin naman sakin ni James.

“Oo nga, hindi kasi ako nakatulog.”

 

Hindi ako nakatulog sa kakaisip kay MM. pinipilit ko namang kalimutan s’ya kaya lang minsan pagkakataon din ang nagbibigay sakin ng dahilan para maisip s’ya. Ang akala ko talaga si MM yung nakausap ko kagabi.

“Sir, pasensya na po kayo kagabi ah. Makulit po kasi talaga ang bata na yun.” Sabi nito na ang tinutukoy ay ang batang sumagot sakin kagabi.

“Ayos lang yun. Nakakatuwa nga s’ya e.”

 

“Naku opo, sobrang tuwang tuwa ako sa bata na yun.”

 

“Minsan dalin mo s’ya sa office para naman makilala ko.”

 

“Opo, boss sige po.”

 

“Nagulat ako hindi ko alam na may anak at asawa ka na pala. Siguro maganda ang Misis mo kasing ganda ng boses n’ya.”

 

“Naku sir, hindi ko po asa-.”

 

“Ninong!” sigaw ni Jake. Hindi na tuloy natapos ni James ang sasabihin nito.

“Aba, kamusta naman ang poging pogi kong inaanak?”

 

“Pogi pa rin po!” simpleng sagot nito.

“Oo nga pala. Jake s’ya si James s’ya na ang bagong driver ng ninong mo.” Pagpapakilala ko naman sa kanila.

“Hello po, tito James.” Sabi nito habang kumakaway kaway pa.

“Naku, James na lang!” sagot naman nito.

“Bakit po? Sabi po ng mama ko dapat po palagi akong gumagalang sa mas masmatanda sakin.”

 

“Ganon ba? Ang bait mo naman.” Sagot naman nito.

“Alis na tayo James.” Sabi ko naman.

“Sige po sir.” Sagot naman nito.

Habang nasa kalagitnaan nang byahe biglang nag ring phone nito. Halatang naiinis ito dahil napapakamot pa ito ng ulo.

“James, sige na sagutin mo muna ihinto mo muna ang sasakyan.”

 

“Naku sir hindi na po. Baka po mangungulit lang tong batang to.”

 

“Sige na baka importante.”

 

“Sige, po sir.” Sabi nito tapos sinagot na nga ang cellphone.

“Hello, Iscah bakit ka tumatawag? Nasa trabaho ako diba sabi ko sayo wag mo kong tatawagan!” narinig kong sabi nito.

 

-----

 

“Ay akala ko si Iscah! O bakit napatawag ka?”

I love you even when I hate you (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon