CHAPTER 40

708 28 8
                                    

CHAPTER 40

 

-=JESSIE=-

 

Nandito ako sa kwarto ko kung paano ko nakauwi hindi ko alam. Latang lata ako pagkatapos kong malaman ang lahat. hindi ko matanggap kung bakit. Bakit n’ya ako niloko. Ang sakit. Ang sakit sakit. Dito sa kwarto kahit saan ako tumingin. Ala-ala namin ang naiisip ko. hindi rin ako matatahimik kung mananatili ako dito. Kahit sobrang sakit ng ulo ko bumangon ako.

“Anak, saan ka pupunta?”

 

“Pabayaan mo muna ko. gusto kong mag-isa.” Pagkasabi ko non sumakay ako ng sasakyan. Hindi ko alam kung saan ako pupunta hanggang sa namalayan ko na lang na nandito na ako ulit sa tapat ng bahay ni Jennica. Habang nakatingin bumalik sakin lahat. lahat ng alaala kasama s’ya sa bahay na ito. Bumabagsak nanaman tuloy ang luha ko. sana panaginip lang ito sana magising na ako.

Mahal na mahal kita MM bakit mo ko niloko?

Bumaba ako ng sasakyan at lumapit sa bahay para mas maramdaman ko s’ya. Alam ko na tanga ko dahil sa ginagawa ko pero hindi ko ata kaya ang mapalayo sa kanya. pero mali talaga to. Bukas na bukas aalis na ako magpapakalayo layo na ako kailangan ko to para makalimutan s’ya.

“Paalam MM. paalam.” Pagkasabi ko non tumalikod na ako para bumalik sa sasakyan.

-=JENNICA=-

 

Pinaparusahan na ba ako dahil sa mga panlolokong ginawa ko? pero ginawa ko lang naman yun dahil pinahirapan din ako ng sobra. Maskinakaya ko ang sakit na makasama ang demonyong si Edmond kesa ang makita ang sakit na naramdaman ni Jessie. hindi ko mapaliwanag ang sakit na naramdaman ko kanina nung nakita ko s’yang sobrang nasasaktan. Natigil naman ako sa pag-iisip ng biglang bumukas ang pinto at pumasok si Edmond.

“Tigilan mo na ang kakaarte mo at wala ng makakarinig sayo!” sigaw n’ya.

“Hayop ka!” sigaw ko.

“Pareho lang tayo kaya wag kang magmalinis.”

 

*Pak! Halos mabali na ang leeg ko sa lakas ng pagkakasampal n’ya.

“Para yan sa hindi mo pagsunod sa honeymoon natin.”

 

*Pak! Sampal sa kabila naman. Napahawak ako dahil sa sakit.

“Dahil yan sa pagpapahirap mo sakin.”

 

*Pak!

 

“Para yan sa kalandian mo habang wala ako.” halos mapasubsob na ako sa sakit.

"At ito para sa hindi natuloy nating honeymoon.” Sabi n’ya sabay hila sa buhok ko. at dahil sobrang lakas n’ya. Mabilis n’ya nasira ang damit ko. parang mas malakas pa s’ya ngayon kesa dati. Sinapak ko s’ya sa ilong at napahawak s’ya don. Tapos tumakbo ako palabas ng kwarto lahat ng madampot ko binabato ko sa kanya. pero bago pa ako makalabas ng bahay nahila na n’ya ako sa buhok tapos inuntog n’ya ako sa pinto. Napasigaw na lang ako. tapos sinuntok n’ya ako kaya napaupo ako sa sahig at nawalan ng lakas. Inihiga n’ya ako sa sahig tapos dinaganan. Gusto kong lumaban pero wala na akong lakas nahihilo na rin ako.

“Bitawan mo ko! hayop ka! Bitawan mo ko.”

 

“hmmn miss na miss na kita.” Sagot n’ya habang pilit akong hinahalikan sa leeg iyak lang ako ng iyak. Napapikit na lang ako siguro ito na ang katapusan ko. kahit anong takbo ang gawin ko babalik at babalik ako dito bakit pa ako magpapagod. Napadilat na lang ako ng marinig kong may sumipa ng pinto saktong pagbukas non nakita ko si Jessie. na hingal na hingal.

I love you even when I hate you (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon