CHAPTER 17

770 29 4
                                    

CHAPTER 17

=JESSIE=

"TEEEEEEKKKAAAAAAAA LAAAAANGGG!!!!" sigaw ko.

Napahinto naman silang lahat ng sumigaw ako.

"Ano na?" Tanong ni Ken.

"Aamin ka na ba?" -Vince.

"Anong aaminin ko e sa wala naman akong dapat aminin. Hindi ako nagseselos no!" sagot ko.

"Ah Ganon ah! Boys alam na!" sigaw n'ya. Kasabay ng pagsugod sakin.

"Waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaag!!!" sigaw ni MM sabay yakap sakin.

"Tama na pleaseeeeeee wag n'yo ng saktan si JJ ko." Sabi ni MM.

"Abaaaaa TEka!" -Ken.

"HOY! UMALIS KA NGA D'YAN! IKAW ANG MASASAKTAN SAKIN PAG HINDI KA UMALIS D'YAN!" Sigaw ko naman. Bigla naman s'yang umalis sa pagkakayakap sakin.

"Naku Jenncia Puwede ba marami pa dyang iba!" sabi naman ni Jazz.

"Oo nga marami pa d'yang iba. Pero hindi kasing gwapo ko." Sagot ko naman.

"Puro ka kalokohan! Tara na nga kakain na." sabi ni Jazz. Nag-uunahan naman kaming pumunta sa kusina.

Nang matapos kaming kumaen nagkanya-kanya na. umalis na si Vince dahil susunduin pa raw si Nash. Si Jericho naman ganon din susunduin din si Jane. Si Justine at Raffy naman kasama si Jennica at Jazz sa garden at nagk-kwentuhan. Kami ni Ken ito at naglalaro ng NBA.

"Tsss talo ka nanaman! Wala ka man lang ba kahit konting galing?" sabi ni Ken ng matalo ako.

"Yabang mo pinagbibigyan lang naman kita!"

"Pinagbigyan? Kahit isang beses hindi ka pa nananalo sakin."

"Kaibigan ako pare, ayokong masaktan ka!"

"Talaga kaya sa lahat ng bagay talo kita ganon?"

"Hoy hindi naman sa lahat. itsura pa lang."

"Anong itsura pa lang?"

"Itsura pa lang, saki'y wala ka na. akitin mo s'ya siguradong mabibigo ka! Nakikiusap ako sayo, nagmamakaawa kunin mo ng lahat sakin pati s'ya!" sabi ko na kinanta ko pa sabay turo kay MM dahil saktong bumukas ang pinto at s'ya ang pumasok.

"Loko ka talaga!" sabi naman ni Ken.

"Oh bakit?" tanong ko naman kay MM.

"Uuwi na ako."

"E di umuwi ka! Bahay ko ba yun?"

"Nagpapaalam lang baka hanapin mo kasi ako."

I love you even when I hate you (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon