I love you even when I hate y...

By emmanoehl

51.2K 1.8K 346

Madalas na nating marinig yung... Pag palaging nag-aaway baka sila ang magkatuluyan. Paano kung hindi naman... More

I love you even when I hate you
YouAndMeAreMeantToBe Book 2 (Jessie & Jennica)
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
Chapter 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
Chapter 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48
CHAPTER 49
CHAPTER 50
CHAPTER 51
CHAPTER 52
CHAPTER 53
CHAPTER 54
CHAPTER 55
CHAPTER 56
CHAPTER 57
CHAPTER 58
CHAPTER 59
FINAL CHAPTER

CHAPTER 3

1.1K 41 3
By emmanoehl

Chapter 3

 

Pag dating sa bahay pabagsak na nahiga ako sa kama ko sobrang badtrip ako ngayon walang nangyari  sa mga nilakad ko palpak malas. At nasira ang araw ko dahil sa Jessie na yon.

*Flashback

 

“Sir Jessie, may gusto pong kumausap sayo.” sabi ng katulong sa isang lalaking nakatalikod mula sa amin at mukhang busy sa pagkain.

“Sino yan? Bakit dito n’ya ako pinuntahan hindi ko naman to bahay.” Sagot nito na hindi man lang humaharap. Yung boses n’ya kaparehong-kapareho ng lalaki sa mall na nagpaalis sakin dahil natutuluan ko raw ng luha ang pagkain n’ya.

“Ahm, ako nga pala si Jennica Jones nag aaral ako sa Unknown University gus-.” Hindi ko na natapos pa ang sasabihin ko dahil bigla na syang nagsalita.

“Anong pakialam ko? hindi naman ako teacher bakit mo ako hinahanap?”

 

“Ahm actually si Justine talaga ang hinahanap ko.”

 

“Bobo ka ba? Jessie nga ang pangalan ko diba?”

 

“Eh wala kasi s’ya kaya baka pwede kitang makausap regarding sa mga reklamo ko sa University?”

 

“Pumunta ka sa baranggay don ka mag reklamo, wag sa taong gutom na wala namang pakialam sayo!”

 

Ayyyyyy! Medyo basag ako a. T___T hindi ko ata kaya ang isang ito. Sa ibang araw na nga lang.

“Sige aalis na ako.”

 

“Wapakels dapat kanina mo ginawa yan.” at talagang hindi s’ya nauubusan ng sagot ah.

*End of flashback

 

Grrrrrrrrrr pag-naalala ko talaga hindi ko maiwasang mainis at pag-angat ko ng ulo ko mas lalo naman akong nainis dahil yung picture namin nung kasal nung demonyong matanda ang nakita ko. tumayo ako at pinatay na lang ang ilaw ng sa ganon e wala na lang akong makita. Sa susunod na pagkikita natin Jessie sisiguraduhin ko ng titingin ka sakin at nga-nga-nga ka kapag nakita ako.

-=JESSIE=-

Ilang araw na rin akong ganito. NPA No Permanent Address kung kanikanino na lang ako nakikitulog kailan kaya aalis ang tatay ko samin? Buryong na buryong na ako e.

“O san ka pupunta?” Napalingon naman ako ng marinig ko ang boses ni Justine.

“E di kakain sa labas! Ayaw mo kong pakiinin dito e.”

 

“Ayaw pakainin? E inubos mo na nga lahat ng pagkain namin dito! Yung pang isang linggo naming pagkain kinain mo lang ng hapunan.”

 

“Grabe! Ang tipid n’yo pala kumain. Kuripot ka talaga!”

 

“Hindi ako kuripot! Sadyang malakas ka lang kumain.”

 

“Sige na, sige na. aalis na ako wala naman akong mapapala kung makikipagtalo pa ako sayo!”

 

“Wag ka ng babalik dito a!”

 

Oo na, nasan na ba si Raffy?”

 

“Bakit mo naman s’ya hinahanap?”

 

“Mag-papahatid ako.”

 

“Aba matinde!”

 

“Tsssss.. oo na aalis na ako wala kang kwentang kaibigan! Gutom na gutom na ako hinahayaan mo pa akong bumiyahe mag-isa.”

 

***

Pag-dating na pag dating ko sa mall wala na akong inaksayang oras um-order na agad ako ng pagkain. Tapos naghanap ako ng mesa. Tignan mo nga naman oh! Sa sobrang gutom ko nakikita ko na ata si Vincent.

“Hoy Jessie anong klaseng tingin yan? Para kang na-maligno ah.” Bati n’ya.

“Pre, ikaw nga? Tokwa ang akala ko ikaw ang maligno e.”

 

“Baliw ka talaga.”

 

“Seryoso ako pare, akala ko nga epekto nang gutom ko e.”

 

“Ang Cute ko namang maligno.”

 

“Di nga pre, kailan ka pa umuwi?”

 

“Anong kailan pa umuwi? Palagi ka bang gutom at nahanginan na ang ulo mo?”

 

“Seryoso ako adik! Ano nga kailan nga?”

 

“Anong pinagsasabi mo? araw-araw naman akong umuuwi.”

 

“Tange ang ibig kong sabihin diba nag punta ka sa korea para hanapin doon ang soulmate mo?”

 

“Pambihira ka naman Jessie. ang tagal ko ng umuwi diba magkakasama pa nga tayong uminom sa bahay ni Ken nung nakaraang linggo nakilala pa nga natin yung bago n’yang katulong.”

 

“Ha? Kasama ka ba don? Bakit hindi kita naramdaman.”

 

“Paano mo ako mararamdaman e, sa pagkain ka lang naka tutok.”

 

“Mamaya na tayo magkwentuhan kakain muna ako.”

 

“Penge nga gutom na rin ako.”

 

“Tokwa naman pare, walang bastusan nang kaibigan! Kung gusto mong kumain um-order ka. kulang pa sakin ito e.”

 

“Pengeng pera! Wala nga akong dalang pera e.”

 

“Ano ba yan wala rin ako dito.”

 

“Ganon? E di sige penge na lang ako.” sagot n’ya sabay hila sa isang pizza na in-order ko.”

“Ito na kukuha na nang pera, wag mong gagalawin yang pagkain ko ah!” pagkabigay ko ng pera agad na s’yang nawala. pambihira hindi man lang nag thank you. Sa lahat nang mayaman sya ang buraot. Pinagpatuloy ko naman ang aking pag-kain.

“Jessie!” sigaw sa pangalan ko ng kung sino na sa sobrang lakas e nagulat pa ako. si Ken pala kasama ang katulong n’ya. hindi na ata talaga ako matatahimik sadyang may epal palagi pag-kumakain ako.

“Ang swerte natin maupo kana TB makikikain tayo. Marami talaga um-order itong si Jessie.”  Aba matinde! Hindi man lang ako tinanong kung gusto ko ba silang makasalo dito.

“Pwede ba, Ken? um-order ka para sa inyo. Para kang si Vince e. buraot.” Pagkasabi ko non napatingin ako sa katulong n’ya. kinakain na kasi niya yung Carbonara ko. at pakiramdam ko may masamang espiritu na sumapi sakin dahil masasapak ko s’ya pag bilang ko ng tatlo. Isa.. Dalawa..Tat-. hindi ko na nagawa pa ang balak ko dahil agad s’yang nilayo ni Ken. alam na marahil ni Ken kung ano ang gagawin ko kapag pinagpatuloy n’ya pa ang pag-subo sa carbonara ko.

“BAKIT MO KINAIN YAN. AKIN YAN E PALITAN MO YAN!”

 Sigaw ko.

“Ang damot mo naman, e hindi naman masarap mas masarap pa yung luto ko d’yan e. halika na nga Ken magluluto na lang ako n’yan sa bahay.” Sagot naman nitong parang s’ya pa ang galit. Pero ewan ko ba parang may bumubulong sakin na sumunod ako. baka masarap nga magluto ang isang ito sayang naman kung papalagpasin ko.

Grabe ang haharot nila. Sa sobrang harot nila hindi man lang nila namamalayan na may kasama sila. Nakakasuka rin pala itong si Ken. kunwari pa galit sa katulong pero ang langsa naman ng amoy hindi maitatago.

“TB magluto ka na nagugutom na rin ako e.” sabi ni Ken.

“Oo nga gutom na rin ako e.” dagdag ko.

Sabay silang napalingon sakin at gulat na gulat.

“Hoy Jessie kanina ka pa ba d’yan?” tanong ni Ken.

“Grabe ang tahimik mo naman hindi ka man lang namin naramdaman.” Sabi naman ng katulong n’ya.

“Oo kanina pa ko nandito pano n’yo ko mapapansin e kanina pa kayo naglalandian. Nakakaumay nga e. kaya magluto ka na TB para naman matuwa ako sayo.” Sagot ko.

“Wag mo nga akong tawaging TB. Jazz ang pangalan ko.” Pagsusungit n’ya. feeler naman masyado to, kung pag sabihan ako e katulong lang naman s’ya. pasalamat s’ya gutom ako kaya ayaw ko ng pumatol baka hindi n’ya pa ako bigyan nang iluluto n’ya. Nang hindi ako sumagot umalis na s’ya at nagtungo sa kusina. Agad naman kaming sumunod ni Ken.

“Luto na!” sigaw niya. Nang marinig ko yun nag mamadali na akong naghain.

At nang matikman ko ang luto n’ya. grabe gusto kong maiyak sa sobrang saraaaaaap the best carbonara ever! Mahal ko na s’ya. sigurado na ako s’ya na ang babaeng gusto kong makasama habang buhay. At dahil don hindi na ako nag-aksaya pa ng oras lumapit agad ako kay Jazz lumuhod sa harap n’ya at hinawakan ang kamay n’ya.

“TB wala na ba? Ang sarap nga a. san mo natutunan yan? Jessie masara-.” Narinig ko pang sabi ni Ken pero hindi ko na yon pinansin.

Mula sa bulsa ko ay inilabas ko ang heart shaped lollipop ko. Yun yung lollipop na sariling gawa ko na kahit kanino ay hindi ko pinapatikim. Dahil ang babaeng mamahalin ko lang ang bibigyan ko nito at kung sino man ang kumain nito pakakasalan ko.

“Jazz, alam kong hindi naging maganda yung pagkikita natin kanina sorry. Jazz will you marry me?” agad na sabi ko.

O_O  pero ganyan lang ang mukha n’ya.

“Hoy Jessie puro ka kalokohan.” Epal naman ni Ken.

“Pre. Hindi ako nagbibiro alam mong seryoso ako. Hindi ko ginawang biro ang ganitong bagay kahit kailan. Pagbigyan mo na ko. Ngayon lang ako hihiling sayo Ken.” Seryosong sabi ko.

“HOY JESSIE WAG KANG MADAYA! Kung gusto mo si Jazz manligaw ka muna.” Sigaw nang kung sinong panibagong epal. Nilingon ko naman ang nagsalita si Dennis pala. Wag nyang sabihin magiging karibal ko rin sya aba naman lahat na lang ng may lovelife na sana e sinira n’ya.

“Jazz pumunta ko rito para ipaalam sayo na manliligaw sana ko.” Sabi naman ni Dennis habang hawak na rin ang kanang kamay ni Jazz .

“Hoy Dennis! Kahit kailan hindi kita pinakialaman sa mga babae mo a. karibal ka na nga nang lahat e. si Ken kay Grace. Si Jericho kay Jane. Ngayon gusto mo maging karibal kita? Sobra ka na a. anong gusto mo lahat na lang nang babae mapunta sayo?!” sabi ko naman.

“Grabeng paninira na yan a. baka mamaya maniwala na sayo si Jazz. Para sabihin ko sayo sila ang lumalapit sakin hindi ako. Lumalayo pa nga ako e.”

“ANO BA KUNG GUSTO N’YO MAG AWAY PWEDE BA WAG N’YO KONG IDAMAY BALAK N’YO BA ALISIN ANG PAREHONG BRASO KO? NAPUPUNIT NA KILI-KILI KO SA INYO.” Sigaw naman ni Jazz. dahil sa sigaw ni Jazz napabitaw naman kami ni Dennis pero hindi pa rin kami natapos sa pag-aaway namin. Halos lahat nang sabihin ko may sagot s’ya at dahil hindi nga ako sanay na magsalita ng magsalita ayun ang bilis kong hiningal. Mukhang pagod na rin si Dennis dahil natigilan din sya,.

“Oh tapos na ba kayo? Baka pwede na kayong umuwi kasi gabi na oh! Tulog na rin naman yung taong pinagaawayan n’yo.” Sabi ni Ken. pambihira hindi ko man lang namalayan ang pagkawala n’ya.

“Wala na pala si Jazz ikaw kasi ang gulo mo!” sabi ni Dennis.

“Ako pa? e ikaw nga itong umepal dito. Okay na e umepal ka pa.” sagot ko naman.

At nag-umpisa nanaman ulit kami sa pagsasagutan hindi namin namalayan pareho na pala kaming nasa labas ng bahay.

 ***

Pagkagising na pagkagising ko hindi na ako nag-aksaya nang panahon dumiretso na agad ako papunta sa bahay ni Ken. pero malas walang tao pambihira hindi kaya naunahan ako ni Dennis? matawagan nga si Ken.

*Calling Ken…

 

Ken: “O anong problema mo?”

Pambihira wala pa nga akong sinasabi galit na agad itong si Ken.

 

Ako: “Asan na ba kayo? Kanina pa ko dito sa labas nang bahay mo.”

 

Ken: “Bakit sinong nagsabi sayong hintayin mo ko sa labas nang bahay ko?” Ay medyo basag ako ah.

 

Ako: “Sino naman nagsabi sayong hinihintay kita ha? Si Jazz hinihintay ko no!”

 

Ken: “A. ganon? Wala hindi kami uuwi.”

 

Ako: “Anong hindi kayo uuwi?”

 

*Toot….toot…toot..toot…

 

Pambihira bastos talaga kinakausap pa pinatay na. saan kaya sila? Bakit hindi sila uuwi? Tinatago ata ni Ken si Jazz, basta hindi ako susuko.

(Sa mga hindi pa po nakakabasa nang story ni Ken & Jazz basahin n’yo na po tapos na po yun. “Mr. Pilosopo Meets Ms. Taong Bundok)

Continue Reading

You'll Also Like

110K 5.2K 71
The Oleander Woman is a paradox of beauty and danger, her allure and strength mask a potent inner fire. Her delicate blooms and graceful form inspire...
346M 7.1M 80
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
7.5M 211K 46
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
147K 8.2K 23
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.