Scary Stories (Unedited)

Door Sheree_Mi_Amour

17.8K 689 40

The stories you're about to read are not mine. These are all from the Facebook fan page "Spookify". Note : T... Meer

Old Black Book (Parts 1-10)
Old Black Book (Parts 11-17)
Old Black Book (Aswang Stories ni Lola Pacing)
Old Black Book (Pagsalakay Ng Mga Mangkukulam)
NoSleep One-shot Story : Ang baog kong asawa ay nakabuo ng bata
NoSleep One-shot Story : She Sold Happiness in Glass Jars
NoSleep One-shot Story : Nag-iwan ng liham ang aking Matalik na Kaibigan.
NoSleep Series : Sulat ng Naunang May-Ari ng Apartment (Parts 1-5)
NoSleep Series : Sulat ng Naunang May-Ari ng Apartment (Parts 6-10)
Molen (Parts 1-4)
Molen (Parts 5-8)
Molen (Part 9)
It was me (Parts 1-5)
It was her (Parts 1 & 2)
Hospital sa Bicol (Parts 1-3)
Maristella (Parts 1-4)
Playmate (Parts 1 & 2)
Apo ng Kapitan (Parts 1 & 2)
Simbahan (Parts 1 & 2)
Pagkagat ng Dilim (Parts 1 & 2)
Life of a Fire Fairy (Parts 1 & 2)
Krayola ni Aubrey (Parts 1-5)
Random (Parts 1 & 2)
Babaeng nakabelo (Parts 1-3)
Cirque de Merveilles (Parts 1 & 2)
Creepy childhood (Parts 1-3)
Home sweet home (Parts 1 & 2)
Halimaw sa Banga (Parts 1-5)
Wag kang maingay (Parts 1-4)
Wag kang maingay (Parts 5-7)
Scarecrow (Parts 1-5)
My Untold Story (Parts 1 & 2)
NoSleep Series : Ang katotohanan sa likod ng coronavirus. (Parts 1-3)
NoSleep Series : 1000 Metres below the sea (Parts 1 & 2)
NoSleep Series : Ang trabaho ay panoorin ang babae... (Parts 1 & 2)
NoSleep Series : Ang trabaho ay panoorin ang babae... (Parts 3 & 4)
NoSleep Series : Ang kwento ng babaeng may hawak na orange (Parts 1 & 2)
NoSleep Series : Nagtatrabaho ako sa Child Protective Services (Parts 1 & 2)
NoSleep Series : Mga Kwento ni Lolo noong siya ay Detective pa
POPULAR island in South Luzon
Jonestown Massacre
Hello Anne
April Fools (Part 1 & 2)
My Bestfriend's Creepy Experiences (Parts 1-5)
My Bestfriend's Creepy Experiences (Parts 6-10)
Bestfriends Goals, Creepy Experiences (Part 11-15)
Bestfriends Goals, Creepy Experiences (Part 16-18)
My Cousin is a Killer (Parts 1 & 2)
The Crying Lady (Parts 1 & 2)
Ang Dulong Unit (Parts 1 & 2)
Orasyon Version 2.0 (Parts 1-4)
A Chronicle of Sisig (Parts 1 & 2)
NoSleep One-shot Story : Nakakairitang habit ng Girlfriend ko
NoSleep One-Shot Story : Hell's Fat Camp
NoSleep One-shot Story : A Package Marked 'Return to Sender'
Pass it to the Aisle (Parts 1-5)
Where's Christine? (Parts 1-3)
Haunted Bodega (Parts 1-6)
COVID PUI/PUM (Parts 1 & 2)
Double-Walker (Parts 1-5)
Ang Yaya ni Madam (Parts 1-7)
The Tricycle Chronicles (Parts 1-4)
The Tricycle Chronicles (Parts 5-8)
Cronica Bruja (Parts 1-4)
Ang Sundo
My Half Sister's Abilities (Parts 1-3)
My Half Sister's Abilities (Parts 4-6)
My Half Sister's Abilities (Parts 7-11)
Esta casa tiene una maldición? (Parts 1-4)
Esta casa tiene una maldición? (Parts 5-9)
NBI Classified Files: HABAS (Parts 1 & 2)
Delivery Man (Parts 1 & 2)
Leave no trace
If Heaven was needing a Hero
Tricycle (Parts 1 & 2)
Call Center Stories
La vie en Rose
Ang Tanging Larawan Mo (Parts 1-4)
Ang Tanging Larawan Mo (Parts 5-8)
The Black Spell of India
It's not the House that's Haunted (Parts 1 & 2)
Her Husband was a Demon (Parts 1-3)
Huling Lamay
Sagradong tahanan, bakit pinamumugaran?
Never missed a phone text (Parts 1 & 2)
Heredity or Obsession? (Parts 1-3)
Halik ng Kamatayan, Bunga ng Kataksilan (Parts 1-3)
Creepy Annie (Parts 1 & 2)
What would you do, if you saw you?
The only tattoo I have were scars (Parts 1 & 2)
Lumabo ngunit hindi naglaho & Kira
Anong kwento ng School n'yo?
Murdered by NPA's
A Friend of Mine
Walang iba pero hindi na ikaw (Parts 1 & 2)
Kamatayan sa kamay ng Engkanto at Aswang
Bes, hindi ako baliw
Missing Jeepney Passenger & Love in the Time of Corona
The Last Yosi Break & Fire Alarm
The Getaway
Kuya Bing (Parts 1 & 2)
Compiled Stories 1
An Encounter with a Ghost (Tara uwi na tayo)
Paranormal Investigation : I saw myself sleeping and vanished
Kevin Alimango
Paranormal Investigation: Girl in the mirror-double (Parts 1 & 2)
Paranormal Investigation : She's like me (Parts 1 & 2)
Her Name Is Hana
Mercedes
Spirit of the Glass
The Unholy (Ang Mama Mary na Rebulto)
Angkan ng mga Aswang (Parts 1 & 2)
House for Sale (Parts 1 & 2)
My Guardian Angel (Parts 1-3)
BPO Stories #1
BPO Stories #2
BPO Stories #3
BPO Stories #4
BPO Stories #5
BPO Stories #6
Kuwentong Dubai
Isla sa Batangas
Paranormal Investigation : Rest Less House (Parts 1 & 2)
Paranormal Investigation : Rest Less House (Parts 3 & 4)
My Adopted Daughter (Parts 1-3, Cora)
My Adopted Daughter (Parts 4-7)
My Adopted Daughter (Parts 8-10)
Bloodline (Parts 1-3)
DJ Samboy, paki imbestigahan naman
Hindi si Ian yung pinagbuburulan natin
11-year old kid (Parts 1-3)
NBI Classified Files : The Devil was here & The Candy Man
NBI Classified Files: Habas (Parts 1 & 2)
Tawid Dagat
8 Real Life Pinoy Celebrity Horror Stories
5 Office Horror Stories That Will Give You the Chills
Bantay : Dalawang Lalaki
Kupido o Kamatayan? - Book 1 (Parts 1-3)
Kupido o Kamatayan? - Book 1 (Parts 4 & 5)
The Awakening - Book 2 (Parts 1-3)
The Three : Sierra, Kenneth & Michael - Book 3 (Parts 1-3)
The Three : Sierra, Kenneth & Michael - Book 3 (Parts 4-6)
Unwanted Call
NBI Classified Files: Baryo (Parts 1-4)
NBI Classified Files: Baryo (Parts 5-9)
Internet Security Company
Compiled Stories 2
Compiled Stories 3
Laboratory
St. Elmo's Fire and Company (Parts 1-3)
Misteryosong Tahanan o Nilalang? (Parts 1-3)
Compiled Stories 4
Compiled Stories 5
Kakaibang karneng hinahain at ang mga amo niya (Parts 1-4)
Online Business : Kakaibang Buyer
Pag nakita mo si tito na paparating i-lock mo yung pinto at bintana (Parts 1-3)
Kwarto
Oras
Compiled Stories 6
Sino ang Mangkukulam? (Parts 1-3)
Compiled Stories 7
Cakeshop (Parts 1 & 2)
Simbahan
Merville Park
Compiled Stories 8
Hiking Experiences 1
Omise sa Japan
Tragic Vacation
Compiled Stories 9
Caliber4 on Call (Parts 1-5)
Compiled Stories 10
Compiled Stories 11
Daemon By My Side (Parts 1-3)
Daemon By My Side (Parts 4-6)
Iloilo (Parts 1 & 2)
Impostor (Parts 1-3)
Music Box (Parts 1-3)
Sa dilim, may nakaabang na patalim
Nakaw (Parts 1-4)
Pass it to the Aisle (Parts 1-5)
Cora
Compiled Stories 12
847 Community (Parts 1-5)
847 Community (Parts 6-10)
Guardian Angel and its Owner (Parts 1-4)
Samar Chronicles (I-III)

Online Class (Parts 1-4)

59 5 0
Door Sheree_Mi_Amour



Part 1

Hello mga ka-Spookify! Si KillerNurse po ito, nagbabalik. Ewan ko lang kung may nakaka-alala pa sa'akin pero kung meron man, salamat po sa suporta! Pasensya na po at matagal akong nawala dahil sobrang naging busy ako magmula nung naging online class na. Anyway, tulad parin po ng dati, mahaba parin ang kwentong ito kaya kung reklamador at tamad kang mag-basa, ibang story nalang ang basahin mo.

Nangyari 'to nung may recitation kami sa isa naming major subject, lahat kami ay required na mag open ng cam at mic sa google meet kaya rinig na rinig mo lahat ng ingay sa background ng bawat isa.Tuesday 'non kaya wala akong kasama sa bahay dahil may mga trabaho ang mga tao dito sa bahay. Normal naman ang lahat, as usual nanginginig 'yung pagkatao ko sa nerbyos dahil baka hindi ako makasagot pag ako na 'yung tatawagin.Ayan na nga at random ng nagtatawag si Ma'am. Sumasagot na rin 'yung mga kaklase kong natatawag tapos nung ako na, syempre inopen ko na 'yung cam at mic ko, bago ako tanungin sabi ni Ma'am"Luna Blake, paki-mute muna 'yung mic mo kasi nakakarindi yung iyak ng kapatid mo" sabi niya habang bahagyang inilalayo 'yung suot niyang headphones sa tenga niya. Kaya nag-taka ako dahil wala naman akong kapatid, wala rin 'yung mga pinsan at pamangkin ko dito kaya walang mga bata and higit sa lahat ay mag-isa lang ako ngayon dito sa bahay."Hala Ma'am, wala po akong kapatid tsaka mag-isa ko lang po dito sa bahay ngayon. Baka hindi po sa'akin nang-gagaling yung ingay na 'yun Ma'am" paliwanag ko sakanya habang siya ay bahagya paring inilalayo 'yung headphones sa tenga niya at mukhang naririndi na."Sige, i-off niyo muna lahat ng mic niyo" utos ni Ma'am at mukhang tumigil narin 'yung ingay na naririnig ni maam dahil inayos niya na ulit ang pagkakalagay ng headphones sa tenga niya. Kaya nagsimula na ulit siyang tanungin ako."Okay, it is a severe form of malnutrition. It's most common in some developing regions where babies and children do not get enough protein or other essential nutrients in their diet. What disease is this Ms. Luna Blake?" nakakatakot na tanong ni Ma'am at halos himatayin ako sa nerbyos kahit alam ko naman 'yung sagot. Kaya inopen ko na 'yung mic ko para sumagot."Kwashiorkor Disease po, Ma'am" nanginginig pang sagot ko sakanya. Ngunit napansin kong bahagya nanaman niyang inilalayo 'yung headphones sa tenga niya."Pasensya na Ms. Blake, hindi ko ga'anong narinig dahil maingay talaga yung bata jan sainyo" iritableng sagot sa'akin ni Ma'am habang ako ay patuloy paring nagtataka kung saan nang-gagaling ang ingay na 'yun gayung wala naman akong naririnig na kahit anong ingay dito sa'amin."Hala Ma'am, wala po talagang maingay dito sa'amin. Baka hindi po sa'akin galing yung ingay Ma'am" paliwanag ko ulit sakanya."Ikaw lang ang naka-open ang mic kanina nang marinig ko 'yung ingay ng bata. Class, kayo ba narinig niyo rin ba 'yung iyak ng bata?" tanong ni Ma'am sa buong klase."Yes ma'am, narinig ko po""Ako rin po Ma'am""Narinig ko din po Ma'am" sunod-sunod na sagot ng mga kaklase ko mula sa kabilang linya. Hindi na ako umimik dahil nag-sisimula narin akong makaramdam ng takot."Baka glitch lang siguro ito, diba may mga kumakalat na gano'ng issue na may nasasaling ibang sound sa call?" sagot naman ni Ma'am upang hindi matakot ang klase at sumang-ayon naman ang iba kong mga kaklase."Sige, bukas nalang natin ituloy ang recitation. Magpahinga muna kayo. Good day everyone and Godbless!" pag didismiss ni Ma'am sa klase namin. Hindi ko masyadong inisip na may kakaibang nilalang nanaman ang involve sa pangyayari at mas pinili kong paniwalaan ang sinabi ni Ma'am tungkol sa iyak na narinig niya kanina.Tapos naman na 'yung klase kaya napag-desisyunan kong gawin nalang 'yung mga nakatambak na activity. Inuna ko 'yung video reporting kasi siguradong aabutin ako ng madaling sa dami ng take. Dagdag mo pa yung tahol ng mga aso ng kapitbahay na umiistorbo. Kaya nag set-up na'ko ng tripod para ma-umpisahan ko nang mag-video.Habang nag re-report ako, biglang kumalabog 'yung pinto sa bodega. Alam mo 'yung tipong nag-coconcentrate ka sa ginagawa mo tapos biglang may malakas na ingay kang maririnig. Para talagang humiwalay 'yung kaluluwa ko sa gulat. Edi sinilip ko sa bodega kung anong nangyayari pero wala namang kakaiba kaya naisip kong baka hangin lang tutal medyo mahangin rin naman sa labas.Tinuloy ko na 'yung pag-vivideo ko para matapos kona habang may araw pa para maliwanag. Nagtaka na ako kasi bigla nanamang kumalabog ng malakas 'yung pinto sa bodega, kasi kahit sabihin mong malakas yung hangin pero nakasarado na 'yun kanina e, bakit kumalabog pa ulit. Hindi rin naman sira yung lock, as in nakasarado talaga siya.Ini-stop ko muna 'yung pag re-record ng phone ko at dahan-dahan akong nag-lakad patungo sa bodega para tignan kung anong meron. Hinawakan ko 'yung doorknob at bahagyang pinit upang buksan ang pinto. Nagulat ako nang makita kong nakasarado yung sliding window sa bodega, kaya kahit malakas yung hangin sa labas ay hindi sana kakalabog 'yung pinto dahil walang hangin na makakapasok.Nagsimula nang mag-sitayuan ang mga balahibo ko sa katawan at unti-unti nang lumalamig ang paligid. Tila ba naka aircon sa loob ng bodega kahit nakasarado naman ang mga bintana. Agad ko nang sinarado ang pintuan at dali-dali nang naglakad papunta sa sala kung saan ako nag-vivideo.Pag tingin ko sa phone ko ay nag-rerecord padin ito. Kaya medyo nalito ako kung na-stop ko ba 'to kanina bago o pumunta sa bodega o hindi. Siguro nga naunahan lang ako ng nerbyos kaya nakalimutan ko siyang i-stop kanina. Kinuha ko 'yung phone ko at hininto ko muna ang pag-vivideo.Huminga-hinga muna ako ng malalim at kinompose ang sarili. Ayaw kong masyado magpadala sa takot lalo na't mag-isa lang ako dito sa bahay. Kaya pumunta muna ako sa kwarto para mag bihis dahil naka uniform ako kanina nung nag-video.Habang nag-bibihis ay narinig ko nanamang kumalabog 'yung pinto sa bodega."Hoy! Eka masigla ha!! (wag kang maingay)" sigaw ko habang nag-bibihis. Nakakairita na kasi 'yung tunog.Pag-katapos mag-bihis ay pumunta na ako sa kusina para mag meryenda muna. Hindi ko pinapahalatang natatakot na ako dahil baka lalo niya lang akong takutin kahit deep inside ay nanginginig na ang buong pagkatao ko sa takot at konti nalang ay maiiyak na ako.Nag-painit ako ng tubig dahil balak kong magtimpla ng kape. Habang hinihintay kong kumulo 'yung tubig ay biglang nag ring yung phone ko. Agad kong nilapitan yung cellphone ko na nakalagay sa lamesa para tignan kung sino ang tumatawag. Ngunit hindi pa ako nakakalapit ay huminto na ito sa pag-ring.Kinuha ko 'yung phone para tignan kung sino 'yung tumawag ngunit walang nakalagay na missed call kahit isa. Kaya naisip ko na baka sa kapitbahay lang yung narinig ko o baka napa-praning lang ako. Kaya tinuloy ko na ang pag-titimpla ng kape dahil walang makakapigil saken pag dating sa kape HAHAHHA. Ayon tamang higop lang ako ng kape sabay sawsaw ng tinapay, ugh! Lami kaayo mga dzai!Habang kumakain ay may napansin akong reflection ng anino sa tiles. Medyo malinis kasi 'yung bahay namin ngayon kaya medyo nakikita 'yung reflection dahil doon sa kintab. Habang kumakain ay nag-focus lang ako ng tingin doon sa tiles, may anino akong nakita na parang tumatakbo-takbo sa bandang computer table.Mag-kalapit kasi 'yung kainan namin doon sa computer table. Bale nakaupo ako dito sa kainan tapos nasa bandang kanan ko yung ref and katabi ng ref 'yung computer table.Sa sobrang curious ko, hindi ko talaga inalis 'yung paningin ko doon sa napapansin ko. Hanggang sa huminto nalang 'yung reflection ng anino doon sa tiles malapit saakin. Pero wala naman akong nakikitang nakatabi sa'akin.Napatigil ako sa pagkain at unti-unti ng kumakalat ang takot sa buo kong sistema habang nakakaramdam nako ng lamig na siyang dahilan na lalo akong kilabutan.Agad akong tumayo at tumakbo palabas sa terrace. Pero syempre 'diko iniwan 'yung kape at phone ko kasi kape izlayp mga dzai! Sa sobrang taranta ko e nabulabog ko pa yung mga piling señorita naming pusa na natutulog sa upuan sa may terrace namin.Hindi ko na alam gagawin ko, feeling ko mababaliw na ako or nabaliw na talaga ako. Alam mo yung sobrang lakas na ng kabog ng dibdib ko sa takot tapos sinabayan ko pa ng kape. Para akong mag-papalpitate ng wala sa oras. Jusko wala pa naman akong kasama incase na may mangyari sa'akin.Nagising 'yung mga pusa namin at napansin kong nakatingin lang sila sa may bandang pinto papasok sa bahay at nag-simula na silang mag-ingay. Meow sila ng meow habang para bang may tinitignan sila sa pinto.Kahit wala naman akong nakikita ay hindi ko maiwasang hindi matakot lalo na't unti-unting pumipihit papunta sa'akin ang tingin ng mga pusa. Like ano na mga ming ming? Kumandong na ba siya sa'akin? Ano naAaaAaaA~Nai-stress ako ng malala lalo na't unti-unti ng lumulubog yung araw. Good thing is malapit ng umuwi ang mga tao dito sa bahay pero wala na akong lakas ng loob para pumasok sa bahay at buksan pa 'yung ilaw dahil medyo dumidilim na.Grabe 'yung kilabot ko habang patuloy parin sa pag meow 'yung mga pusang nakatingin sa gilid ko. Kahit anong suway ko sakanila ay hindi sila nag-papatinag. Kaya sinubukan kong tumayo at nag-lakad lakad sa mga halaman ni Mommy ko. Hindi naman nila ako sinundan ng tingin pero tuloy parin sila sa pag meow habang nakatingin doon sa inu-upuan ko kanina.Nag-alala pa ako baka pag balik ko doon ay ubos na 'yung kape pero bahala na. Hindi ko na kayang umupo pa ulit jan lalo na't parang may nakikita 'yung mga pusa. Umupo nalang ako dito sa motor habang hinihintay sila Mommy. Okay lang na papakin ako ng lamok dito, kesa naman yakapin ako ng multo sa loob ng bahay.Madilim na nung nakauwi sila Mommy kaya halos buong hapong hindi nawala 'yung takot sa kalamnan ko. Wala akong kwinento sakanila about sa nangyari kanina dahil alam kong pagod sila and ayaw kong matakot sila dito sa bahay.Kinagabihan, tapos na'kong mag-shower at handa na para matulog. Agad kong chineck 'yung phone ko para tignan kung may matino ba akong na-ivideo kanina para sana kahit pa-pa'ano ay konti nalang 'yung ivivideo ko bukas, pero nagulat ako sa nakita ko.

Part 2

Hello mga ka-spookify! Si KillerNurse po ulit ito. Pasensya na po at natagalan yung part 2, natadtad kasi kami ng reporting and case study kaya nawalan ng time mag-update. Anyway, ito na po 'yung katuloy.After kong mag shower ay humiga na'ko at handa nang matulog, pero bago 'yun ay nagcheck muna ako ng phone ko. Konting browse sa tiktok and facebook hanggang sa naisipan kong icheck 'yung mga navideo ko kanina para alam ko kung marami pa ba akong itutuloy na video kinabukasan. Pag pindot ko sa gallery ko ay nagtaka ako dahil puro black lang lahat ng videos. Kaya pinindot ko isa-isa para tignan kung may nakuhanan ba ako o wala. Nairita ako ng mga oras na 'yun dahil ang ganda pa naman ng pagkagawa ko ng kilay ko doon.Pinindot ko na yung unang video at nagulat ako dahil black lang talaga siya at wala ring sound, so swi-nipe swipe ko na hanggang at nagulat ako dahil pag dating sa last video ay okay naman siya. Nakuhanan pa nga ako na nagulat dahil doon sa malakas na pag kalabog ng pinto sa bodega.Ang pinagtatakahan ko lang, sa pag-kakaalam ko kasi ay inistop ko yung recording bago ako pumunta sa bodega pero dito sa video ay nag tuloy-tuloy parin siya hanggang sa umalis ako papuntang bodega. Kaya pinanood ko lang yung buong video hanggang sa may napansin akong parang dumaan na anino, inulit-ulit ko pa yung video para masigurado ko kung namamalik-mata lang ba ako o dahil lang sa antok. Pero talagang anino siya e, imposible namang magkaroon ng anino ng tao doon e mag-isa ko lang sa bahay at ako naman ay nasa bodega.So tinuloy ko paring panoorin yung video para tignan kung may kakaiba pa bang nangyari habang wala ako. Hanggang sa unti-unti ng nagkakaroon ng ibang tunog yung video, parang may batang umiiyak at palakas ito ng palakas. Nakaramdam ako agad ng kilabot at takot pero gusto ko paring tapusin yung video dahil sa curiosity ko. Ang ingay na nung iyak ng bata at ang sakit na niya sa tenga. Kaya nakapagtataka talaga kung pa'anong nagkaroon ng ganong kalakas na iyak ng bata sa video e wala namang bata dito sa'amin dahil nga mag-isa lang ako and wala rin akong narinig na umiiyak ng mga oras na yan. Sa takot ko ay ini-stop ko na agad yung video dahil sobra na 'yung kilabot ng katawan ko. Feeling ko nag susuper cyan na yung mga buhok ko dahil sa kilabot. Tagos hanggang buto yung nerbyos ko at pakiramdam ko ay nanginginig buong kalamnan ko dahil doon sa video.Binack ko na yung video pero ayaw niyang ma-back. Paulit-ulit ko ng pinindot pero ayaw talaga. Hindi naman nag-lalag tong phone ko kaya nakapag-tataka na bigla nalang ayaw mapindot. Pinindot-pindot ko pa ulit at nagulat ako ng bigla nalang magplay ulit yung video. Lalo pang kumalat ang takot sa buo kong sistema dahil 'yung video ay nagsimula agad sa pert na may malakas at nakakarinding iyak ng bata. Kaya sa sobrang taranta ko ay pinower off ko nalang yung phone ko para manahimik.Hindi ako gaanong nakatulog ng gabing 'yon kaya medyo bangag ako sa online class kinabukasan. Ako pa naman mag-rereport, hays! Bahala na si batman! Bago ako mag report is nag attendance muna si ma'am. Tutal second to the last pa naman akong matatawag dahil sa last name ko, nag paalam muna ako kay Ma'am na mag-ccr muna ako. Bago ako umalis ay sinigurado ko munang naka-off ang cam at mic ko.Nang masigurado ko nang naka-off lahat ay agad na akong tumayo at pumunta ng CR. Maya-maya, pagkabalik ko ay sakto namang ako na rin yung tatawagin sa attendance, kaya inopen kona yung mic ko para mag sabi ng "Ma'am, present po" ngunit nagtaka ako kung bakit tumatawa lang si Ma'am."Hay nako Blake, kanina pa naming alam na present ka, ang lakas pa nga ng boses mo kanina habang kumakanta" tumatawang sambit sa'akin ni Ma'am."Hala Ma'am, hindi po ako 'yun. Hindi po ba't nag-paalam po ako sainyo kanina na mag-ccr lang po muna ako saglit?" paliwanag ko kay Ma'am.Natigilan si Ma'am at muling tinignan ang chat box."Oo nga no, pero baka hindi mo lang nai-off yung mic mo kaya naririnig ka namin habang kumakanta sa cr" pag-papaliwanag naman ni Ma'am."Hindi po talaga ako 'yun Ma'am, kasi inoff ko po yung mic ko bago ako nag-cr" sagot ko pabalik kay Ma'am."Class, sino ba yung naka-open mic kanina habang kumakanta?" tanong ni Ma'am sa klase."Si Luna po Ma'am""Si Luna Blake po""Si Blake po Ma'am, may umiiyak pa nga pong bata e baka hinehele niya po ata"Sunod-sunod na sagot ng mga kaklase ko na siyang dahilan na para akong tumigas at nastun sa kinauupuan ko. Hindi ko alam kung pa'ano ako mag-rereact sa mga sinabi nila at nanlalaki padin ang aking mga mata. As usual, mag-isa nanaman ako dahil nga may trabaho ang mga tao dito sa bahay, kaya pa'anong may kumakanta at umiiyak na bata dito.Nagsimula nanamang kumalat ang takot sa buong sistema ng katawan ko at nagsisitaasan nanaman ang mga balahibo ko sa katawan. Hindi na ako naka-imik sa mga pinagsasabi nila Ma'am at ng mga kaklase ko, dahil alam ko nang may kakaiba nanamang nangyayari dito sa bahay tulad nung nangyari sa video kahapon.Pero kahit natatakot ay kailangan ko paring ituloy ang report ko. Pinaghalong nerbyos sa pag rereport at panginginig ng kalamnan dahil sa takot ang nararamdaman ko, kaya parang halos wala ng boses ang lumalabas sa lalamunan ko. Halos mablanko narin ang isip ko at nawawala nako sa focus para mag report.Habang nag-didiscuss ako ay nag rereklamo nanaman yung mga kaklase ko dahil sa ingay daw nung batang umiiyak. Pero wala naman akong naririnig, dahil kung galing nga sa mic ko 'yung ingay ay dapat ako yung unang makakarinig dahil ako yung nandito. Ngunit wala talaga akong naririnig na batang umiiyak."Miss Luna Blake, patahanin mo muna si ading mo para mas maintindihan namin ang report mo" pag interrupt ni Ma'am sa report ko."Sorry po Ma'am" ang tangi ko lang naisagot sakanya dahil wala naman akong magagawa dahil hindi ko naman naririnig yung batang umiiyak. Kaya nag-dahilan nalang ako na ayaw talaga tumahimik ng pamangkin ko."Sige Luna, ivideo mo nalang yung report mo tapos isend mo sa classroom, okay? Next reporter, ipresent mo na yung powerpoint mo" sambit ni Ma'am na lalo kong ikinainis. Hindi ko pa nga natatapos yung demonstration video ko, tapos may ivivideo naman e ayaw nga akong pagawin ng mga engot dito sa bahay. Hays! Nastress talaga ako ng malala.11am na and last subject na namin to for this morning. Itong teacher kasi na'to is nirerequired kami na mag-on cam kasi kung sino lang daw ang na print screen niya na naka-on cam is sila lang daw yung present. Kaya kahit mukha akong nalosyang dahil sa takot ay napilitan akong mag-on cam."Oh, miss Blake! May mga bisita ata kayo ah. Ang daming daan ng daan sa likuran mo e" sambit sa'akin ni Sir. Akala ko ay sarcastic lang ang pagkakasabi niya dahil mag-isa lang ako dito sa bahay, pero naisip ko din na hindi naman niya alam na mag-isa lang ako ngayon. Kaya hindi ko nanaman mapigilan ang sarili kong makaramdam ng kaba at takot."Hala Sir, wag ka pong ganyan. Mag-isa lang po ako ngayon dito sa bahay, Sir" natatakot na sagot ko kay Sir habang nakangiting aso para kunyare hindi takot.Natahimik si Sir at ang buong klase. Ngunit binasag ng isa kong kaklase ang katahimikang iyon."May third eye karin po ba, Sir?" tanong ni Gara kay Sir."Pano mo nalaman, Miss Gara?" pabalik na tanong ni Sir sakanya."Naka-open rin po kasi yung sa'kin Sir, lagi nga po akong may nakikita sa background ni Luna Blake twing naka-open cam siya" sagot ni Gara na lalong nakapagpataas ng takot sa buo kong sistema.Bukas din naman yung third eye ko, alam niyo yan sa mga matagal ng nakakabasa ng mga stories ko dito sa spookify. Pero hindi ko lang alam kung bakit itong mga nasa bahay namin ay parang ayaw magpakita sa'akin. Yung mga nasa ibang lugar, maski nga sa kapitbahay namin ay nakikita ko, pero hindi ko maintindihan kung bakit yung nandito mismo sa sarili naming bahay ang hindi ko makita.Naisip kong baka unconsciously, bigla nalang nagsara mag isa yung third eye ko kaya ganon. Para testingin ay pumunta ako kila Lola ko, medyo malapit lang naman yung bahay nila sa'amin kaya safe naman atsaka naka-facemask naman ako nung nagpunta ako. Marami kasing multo kila lola ko, lalo na doon sa mga puno sa likod ng bahay nila. Pag dating ko ay agad akong sinalubong nung mga dati ng nakatirang multo sakanila, pero hindi yun alam nila lola dahil hindi ko sinasabi sakanila. May nervous breakdown kasi yun kaya baka atakihin pag nalamang may kasama siya laging hindi niya nakikita.Nagtataka ako dahil nakikita ko parin naman sila, kaya ibig sabihin ay nakabukas parin ang third eye ko. Maya-maya ay umuwi narin ako dahil baka maabutan ako ng curfew at marami pa akong videong tatapusin. Pagdating ko ng bahay ay naabutan ko nanaman yung mga pusa naming nag-iingay at nakatingin sa isang dereksyon na para bang may inaaway. Ang lalaki pa naman ng mga boses at medyo creepy na pakinggan lalo na't mag-didilim na.Naiisip ko palang na dadaan ako sa dereksyong tinitignan nila upang pumasok ng bahay ay umaatras na agad ng kusa ang mga paa ko sa takot. Hindi na muna ako pumasok ng bahay at hinintay ko nalang ulit na dumating sila Mommy, tulad ng ginawa ko kagabi.Mga 7pm nung dumating sila Mommy at doon palang ako nakapasok ng bahay. Nagulat kami dahil pagpasok namin ay yung mangkok na nasa lamesa ay basag na. Wala akong nabasag na gamit kanina at lalong hindi ko mababasag yung mangkok dahil nag cup noodles lang ako. Kutsara lang ang ginamit kong utensil kaya imposibleng ako ang nakabasag non. Nasa gitna ng lamesa yung mangkok at yung basag ay nakagitna rin sa mangkakok. Parang pinukpok ng bato sa gitna, ganon 'yung itsura nung mangkok nung madatnan namin. Syempre, sino pabang papagalitan, edi ako! Ako lang naman naiwan dito buong maghapon e, pero 'dimo sure kung ako lang ba talaga naiiwan dito.Mas nakakatakot pala pag hindi mo sila nakikita, kasi hindi mo alam kung anong pwede nilang gawin sayo. Habang sinesermonan ako na wala na nga raw akong ginagawa dito maghapon, magbabasag pa raw ako ng gamit. Kung ayaw ko raw mag-hugas dapat daw nilagay ko nalang sa lababo. Sige raw at ubusin ko na daw lahat ng plato! Mag-mula noon, hanggang ngayon. 'Yan parin ang linyahan ni mommy twing may nababasag.Habang nag aarmalite yung bunganga ni Mommy ay pumasok na muna ako sa kwarto para mag-bihis. Sakto naman na pag-pasok ko ay biglang kumalabog 'yung pinto sa bodega."Nagdadabog ka pa ha? Ikaw pa ang galit?!" qalet na qalet, ux2ng manaket na siga sa'akin ni Mommy."Halla Meh, hindi ako 'yun. Sa bodega 'yun! Nakita mo namang hindi ko pa nga naisasarado tong pinto ng kwarto ko" paliwanag ko sakanya."Panong sa bodega e wala namang tao 'don!" galit na sigaw sa'akin ni Mommy.Hindi ko alam kung pa'ano ko ipapaliwanag sakanya dahil ni isa ay wala akong pinagsabihan ng mga kababalaghang nangyayari sa'akin dito sa bahay, dahil ayaw kong matakot sila."Yun na nga meh, kahit walang tao. Laging may kumakalabog jan" sambit ko kay Mommy at bigla nanamang may kumalabog."Oh, tignan mo meh, sa bodega talaga yung kumakalabog" nagulat sila Mommy at napatingin kaming lahat sa dereksyon ng bodega.Dahan-dahang naglakad si Daddy patungo sa dereksyon ng bodega upang tignan kung anong meron sa loob.

Part 3

Hello mga ka-spookify! Si KillerNurse po ulit ito. Natagalan nanaman ako ulit sa pag update dahil finals week namin ngayon, hays! Mababaliw nako! HAHAHHA and eksatong 1 year ngayong gabi magmula nung una akong mag send ng story dito sa spookify. Happy Anniversary sa'atin sanaol. Anyway, ito na po yung kasunod.Naglakad si daddy patungo sa dereksyon ng bodega para tignan kung anong meron sa loob habang kami naman ni Mommy ay nanatili sa kinatatayuan namin at nakatingin lang kay Daddy.Na'sa pinto na si Daddy at pinipihit na ang doorknob upang buksan ang pinto, pag bukas niya nito ay sinalubong siya ng malakas na hangin."Hangin lang pala, tinumba kasi ng hangin itong walis kaya siguro kumalabog kanina. Bakit mo kasi iniwang nakabukas 'yung bintana dito nak, mamaya may pumasok na ahas" sambit ni Daddy kaya nagmamadali akong pumunta sa bodega upang tignan.Nakabukas ang sliding window, maging ang screen ay nakabukas. Kaya laging gulat ko kung pa'anong nangyari 'yun dahil matapos nung mga nakakatakot na nangyayari sa'akin dito sa bahay ay never na ako ulit pumasok sa bodega na 'yan. Atsaka nakasarado ang bintana nung huli akong pumasok. 'Yun 'yung time na nag vi-video ako, 'yun narin ang huling beses na pumunta ako bodega at tulad nga ng sabi ko sa part 1 ay nakasarado ang mga bintana dito.Nagtataka man ay hindi nalang ako sumagot dahil alam kong wala namang maniniwala sa'akin at papagalitan lang nila ako. Dumeretso nalang ako ng kwarto ko at nagbihis.Kinabukasan, pag-gising ko ay nakareceive ako ng message galing kay Gara."Sis! Kamusta ka jan? Mag isa ka pa rin ba?" tanong niya sa'akin sa chat.Nagulat ako dahil di naman kami close, pero dahil medyo mabait ako kaya nireplyan ko siya."Hello sis, okay naman ako. Oo e, mag isa nanaman ako. Bakit pala?" reply ko sakanya."Sorry ha, feeling close ako. Napanaginipan kasi kita kagabi kaya kinakamusta kita" sagot niya na biglang nagpakaba sa'akin. "Hala. Nakakatakot ka naman. Anong napanaginipan mo?" kinakabahang tanong ko sakanya."Kasi diba, sabi ko sa'yo kahapon. Marami akong nakikita sa background mo kapag nag o-on cam ka" reply niya."Oo naalala ko. May isesend akong video sa'yo. Nakuhanan 'yun nung gumagawa ako ng demonstration video natin. Lahat ng video na na-save is black lang at walang sound pero yung pinakalast, okay naman siya kaso may napansin akong kakaiba. Grabe kinikilabutan nanaman ako ulit" sagot ko atsaka isinend yung video na may umiiyak na bata.Ang bagal kasi ng converge kaya baka tapos na yung online class ay hindi parin nase-send yung video. Kaya nirestart ko ulit yung router namin kasi ayaw talagang magsend."Patingin ako nung video" sabi niya kaya isinend ko ulit, pero ayaw talaga."Sinesend ko na sis, pero ayaw talaga masend huhu" reply ko atsaka paulit-ulit na sinusubukang isend yung video. Nainis pako sa converge dahil sobrang bagal ng internet nila kaya ang ginawa ko ay nagtry akong mag send ng picture kung marereceive niya at sabi niya meron naman daw yung picture, nagtry din akong magsend ng ibang video at nag-play naman daw. Sinubukan kong isend ulit yung video nung may batang umiiyak pero ayaw niya talagang masend kahit anong gawin ko."Sis, ayaw niya talaga masend" sabi ko kay Gara."Hayaan mo na sis, baka ayaw niya talagang maisend mo sa iba" sagot niya."Sige sis, maliligo nako. See you nalang sa online class" nagpaalam na kami para makagayak na. Kahit kasi na'sa bahay lang kami ay ni-rerequired parin nila kaming mag uniform at hairnet para naman daw mukha parin kaming presentableng tignan.Habang nag o-online class ay hindi ako makapag focus dahil hindi maalis sa isip ko 'yung sinabi ni gara, tapos ang ingay pa nitong mga nag-coconstruction dito sa tapat ng bahay namin. May nakabili na kasi doon sa lote na may hindi natapos na bahay. Binabagbag nila 'yun at mukhang magpapatayo na sila ng sarili nilang bahay.Kung kahapon ay 'yung mga kaklase ko ang naiirita sa ingay ng batang umiiyak sa mic ko, ngayon ako naman yung sumasakit ang ulo sa tunog ng mga nagpupokpok dito sa kapitbahay namin.Pagkatapos ng maghapong online class ay lakas loob ko paring tinuloy 'yungdemonstration video ko dahil bukas na kailangang ipasa 'yun. Tinignan ko ulit sa gallery ko para sana isesend ko ulit kay Gara 'yung video, kaso deleted na lahat. Kahit doon sa recently deleted ay wala narin. I swear to God! Hindi ko talaga dinelete 'yun at wala akong balak pero laking pagtataka kung bakit bigla nalang siyang nawala.Hindi ko nalang muna 'yun prinoblema at agad ko ng tinapos yung video kasi i-eedit ko pa 'yun. Medyo matagal pa namang mag edit. Buti nalang rin at umuwi na yung mga nag-coconstruction dito sa tapat namin para walang maingay sa video, pero 'dimo sure kung wala talagang mag-iingay.Nung umpisa ay okay naman ang lahat. Wala pa namang nang-iistorbo. Pero nung bandang gitna ay may naririnig na akong kakaiba. Kaya tumigil muna ako sa pagsasalita at pinakinggang mabuti kung ano at saan nang-gagaling ang ingay na 'yun.Mukhang sa bodega nanaman galing at parang - - Shit! Nagsitayuan agad yung mga balahibo ko sa batok at namawis ng malamig yung katawan ko dahil naririnig ko na mismo 'yung iyak nung bata. Habang tumatagal ay palakas siya ng palakas. Nagtakip na'ko ng tenga dahil sobrang nakakarindi na siya kaya lumabas na'ko at pumunta sa terrace.Kinuha ko 'yung isa sa mga pusa at iniyakap. Naiiyak na'ko sa takot at kinakausap ko nalang yung mga pusa para malibang. Hindi ko na talaga alam anong gagawin ko. Kaya marahan kong ipinikit ko ang mga mata ko at taimtim na nagdasal na sana gabayan niya ako at protektahan sa anomang kapahamakang parating. In Jesus Name! Amen.At biglang tumahimik ang paligid. Kaya agad na akong pumasok sa bahay para tapusin yung lintik na video na 'yun! Hindi ako papayag na bumagsak ako dahil lang sa multo, alam kong 'di ako papabayan ni Lord kaya bahala na sila jan kung mag-ingay sila sa video ko, bahala narin si Ma'am! Ang mahalaga makapagpasa ako on time.Bandang 6:30 pm ng matapos ako sa pag-vivideo at nag text rin si Mommy na hindi raw muna sila makakauwi ni Daddy kaya magluto nalang daw ako ng ulam ko.Inedit ko na agad yung videong ginawa ko kanina at laking pagtataka ko na hindi manlang narinig yung mga malakas na pagkalabog at maging ang iyak ng bata. Nagtataka man ay okay narin. At least walang panira sa demo ko. After mag demo at mag-edit ay nagbukas ako ng ref para tumingin ng makakain. Ang yabang ni Mommy magsabing magluto nalang ako e wala namang laman yung ref namin, puro tubig.Buti may natira pang isang itlog kaya nag noodles nalang ako na may itlog. Habang kumakain ay nanood din muna akong vlogs sa laptop para kahit papa'ano ay medyo makalimutan ko yung takot ko. Pero hindi parin maalis sa pakiramdam na parang laging may tao sa likod mo at nakatingin sayo. Naranasan niyo narin ba 'yun pero pag nililingon mo ay wala naman.After kumain ay naalala kong wala palang ulam yung mga pusa. Kaya nagkalkal ako kung may mga natira pa bang pwedeng ipakain at sakto namang nakita ko yung tuyo kaya hinalo ko sa kanin at 'yun nalang ang pinakain ko sakanila dahil sila lang ang kasama ko ngayong gabi.Pagkatapos kong maghugas ay agad na akong pumunta sa sala para tapusin naman yung case study namin dahil bukas na namin ipe-present 'yon. Habang nag ta-type ako sa laptop ay biglang dumilim. Kala ko nag ss si helcurt pero nag-brown out pala. Malalaman mo kasi agad dito sa'amin na brown out kasi laging nagsisigawan 'yung mga kapitbahay namin twing nag-bbrown out.Tanging liwanag ng laptop nalang ang nagsisilbing liwanag ng buong bahay. Hindi na ako nag-abala pang tumayo para kunin yung emergency light na nakapatong sa computer table, dito sa may bandang kaliwa ko dahil maliwanag naman yung screen ng laptop kaya okay lang.Then maya-maya, biglang may lumiwanag. Akala ko may kuryente na kaso nagtaka ako kung ba't hindi sumindi yung electricfan eh 'diko naman inalis yun sa pagkakasak-sak. Tas pag tingin ko sa may computer, nakailaw na yung emergency light. Mukhang nagtampo ata kasi ayaw kong gamitin.Dahil nga stress ako sa pag-eedit nung paper namin, nawala sa isip ko na matakot. Kaya walang pakundangan akong tumayo at lumakad palapit doon sa computer para patayin 'yung emergency light, kinuha ko nalang siya at inilapag sa tabi ng laptop na nasa center table ng sala.Habang nag eedit ako sa laptop. Sumindi nanaman siya ulit and 'don palang nagsend ng information 'yung stimuli sa brain ko na dapat pala akong matakot, hayp na 'yan! Bigla tuloy akong may natutunan sa online class dahil sa takot. Rinig ko pa yung pag-pindot doon sa emergency light. Kaya diko pwedeng sabihin na "baka sira lang kaya nag-sisinding mag-isa".Nanlaki 'yung mga mata ko sa takot tapos 'di ako makagalaw. Parang nanigas yung katawan ko habang nakatingin doon sa emergency light. Gusto kong sumigaw pero walang boses na lumalabas. Para akong binabangungot ng gising. Tapos narinig ko nanaman 'yung pag pindot sa emergency light tapos bigla siyang namatay. Tumakbo na ako papunta sa kusina kasi grabe na 'yung kalabog ng dibdib ko, parang lalabas na yung puso ko sa nerbyos tapos nagsisitayuan nanaman yung mga balihibo ko sa katawan at batok dahil sa takot.Mag-isa ko pa naman huhu naiiyak na'ko sa takot. Pumunta ako sa kwarto para kunin phone ko. Para akong bulag na nangangapa sa dilim. Kahit pala memorize mo 'yung bahay niyo, kapag nawala yung paningin mo, mauuntog ka parin.Ayan, nasa pinto nako ng kwarto ko. Kinapa-kapa ko sa kama kasi doon ko lang 'yun iniwan kanina. After 100 years nakuha ko din at agad ko ng binuksan para 'yun nalang ang gawin kong flashlight. Sa kamalas-malasang pagkakataon. Lowbat siya mga shishykongbarbielat! Kaya nagsindi nalang ako ng kandila na galing sa altar. Saktong pagkalapag ko ng kandila doon sa may lamesa sa kusina. Bigla siyang mamatay kaya sinindihan ko ulit. Tapos alam mo yung parang may umihip, kasi naramdaman ko yung hangin malapit sa kamay ko tapos namatay nanaman ulit yung kandila. Pag pindot ko sa lighter ay may naaninag akong hugis babaeng nakatayo sa kabilang parte ng lamesa. "Sino ka ba?" sabi ko habang umaakmang sindihan yung kandila.Hanggang sa unti-unti ko ng naaaninag ang hugis niya. Nahalata kong babae siya dahil sa buhok niya pero hindi ko makita ng maayos ang mukha niya dahil madilim."Bakit ngayon ka lang sakin nagpapakita at anong kailangan mo?" tanong ko sakanya habang nanginginig ang mga kalamnan ko sa takot. Malay ko ba kung masama siya, 'di tulad nung mga multo sa bahay nila lola ko na naging kaibigan ko na mula nung maliit pa ako. Kila lola kasi ako lumaki dahil nag OFW sila Mommy at Daddy noon. Wala naman akong ibang kalaro noon kundi sila Jen. Bata pa kasi ako noon kaya akala ko ay tao rin sila tulad natin. Hanggang sa tumatanda nako at unti-unti ko naring naiintindihan ang lahat.Anyway, back to the story."Wag kang matakot, hindi kita sasaktan" sagot niya sa'akin. Mukhang totoo naman dahil mahinahon ang kanyang boses."Anong ginagawa mo dito sa bahay namin?" pabalik na tanong ko ulit sakanya habang sinisindihan ang kandila. Ngunit nakangiti lang ito habang hinihipan ang apoy ng kandila.Hanggang dito nalang po muna. Napahaba na masyado e.

Part 4

Hello mga ka-Spookify! Si KillerNurse po ito, nag-babalik! Katatapos lang ng finals namin kaya ngayon lang ulit nakapag-update. Anyway, ito na po yung katuloy.Naiinis na ako sakanya dahil lagi niyang pinapatay 'yung kandila eh ang dilim-dilim pa naman."Ano bang kailangan mo? Bakit ka nandito sa bahay namin?" naiinis na tanong ko sakanya."Ikaw" narinig kong bulong sa kaliwang tenga ko. Ramdam ko pa yung hininga niya, buti nalang walang amoy."Ako? bakit ako?" nagtatakang tanong ko sakanya."Kasi ikaw lang ang may kakayahan" sambit niya naman mula sa kanang tenga ko."Anong kakayahang pinagsasabi mo? Atsaka bakit ngayon ka lang nagpakita sa'akin? Tinakot-takot mo pa ako! Inistorbo mo pa ako sa mga project ko!" naiinis kong sagot sakanya."Matagal ko ng sinusubukang magpakita sa'yo, kaso nahirapan ako kasi ang tapang mo. Tsaka may bantay ka, kaya talagang nahirapan akong makipag-communicate sa'yo" paliwanag niya."Sino ka ba kasi? Bakit bigla kana lang sumusulpot at nang-gugulo dito sa'amin?" tanong ko ulit sakanya."Matagal ko na talagang gustong kumawala sa bahay na 'yan at ngayon lang ako nabigyan ng pagkakataon na makaalis mula nung binagbag nila 'yung bahay"Pagkatapos niyang magkwento ay biglang may nag-flashback. Akala ko ay nag-hahallucinate lang ako pero totoo talaga siya. Nasa isa akong bahay at may nakita akong babae at lalaking nag-aaway. Maputi ang lalaki at mukhang hindi Pilipino, sa palagay ko ay Americano siya dahil english rin sila kung mag-usap.Sinampal nang lalaki 'yung babae kaya mas lumakas ang pag hagulgol nito. Mukhang aalis ata kasi sila dahil may mga maletang naka-impake sa tabi nila, pero ayaw sumama nung babae. Iyak lang siya ng iyak habang nakahawak sakanyang pisngi. Habang galit na galit naman ang Americano atsaka hinila ang babae, sinundan ko sila kung saan sila pupunta. Pumasok sila doon sa pinakadulong kwarto ng hallway.Pag pasok ko sa kwarto ay maraming mga abubot, bodega siguro itong kwartong ito. Habang hila-hila niya ang buhok ng babae, tinulak niya ito papasok sa may aparador at dali-daling nilock ito. Gusto kong tulungan 'yung babae kaso dumaan at lumusot lang sa'akin yung lalaki atsaka lumabas ng pinto. Ganito pala ang feeling ng multo, kahit gusto mong tumulong ay wala kang magawa.Iyak ng iyak 'yung babae habang kinakatok ang cabinet. Pag tingin ko sa lalaki ay kinuha na nito ang isa sa mga maleta atsaka umalis ng bahay. New Years Eve pa ata dahil maraming fireworks sa labas, nagtotorotot atsaka sumisigaw ng Happeh Nuyir (Manny Pacquiao accent). Habang nag-sasaya ang mga tao, nag paputok pa ulit sila ng fireworks ngunit nagkamali sila sa pag-sindi. Tumabingi ang fireworks at pumunta sa bubong ng kubo doon sa garden nitong bahay kung nasaan kami nung babae. Mabilis itong nagliyab at kumalat agad ang apoy. Nagulat ang mga tao at hindi ko alam kung may tumawag na ba ng bumbero, dahil ang apoy ay papunta narin dito sa bahay.Binalikan ko yung babae sa bodega, nasa hallway palang ay rinig ko na ang pagmamakaawa ng babae. Iyak siya ng iyak at isa sa mga ikinalungkot ko ay nang sabihin niyang.."Let me go! Please! I'm bleeding right now! Hoooon! Let me go! I want to save our baby!" sigaw ng babaeng umiiyak sa cabinet habang patuloy na kinakalabog ito at unti-unti naring nilalamon ng apoy ang buong bahay.Pagkatapos nun ay bigla nalang akong nagising at napansin kong nakahandusay ako sa kusina. Wala paring kuryente kaya dahan-dahan akong tumayo para kapain sa lamesa yung lighter at kandila. Habang kumakapa sa dilim ay sinubukan ko ulit siyang kausapin."Anong gusto mong gawin ko?" tanong ko sakanya."Puntahan at ipagdasal mo lang kami ng anak ko, malaking tulong na 'yun para sa'amin" sagot niya at tamang-tama naman na nahanap ko narin ang kandila at lighter."Yan lang pala ang gusto mo, tinakot mo pa kami dito sa bahay! Madali naman akong kausap e! Ano bang pangalan mo?" sagot ko sakanya atsaka umakmang sisindihan ang kandila, ngunit tahimik lang ang paligid at hindi siya sumasagot."Oy! nasan kana?" tanong ko ulit sakanya.Biglang lumamig ang paligid na para bang may nakayakap sa'akin. Grabe 'yung kilabot ko, times 3 nung kilabot ko kanina. As in, feeling ko pati buhok ko sa kili-kili ay nanindig. Kaya napabitaw ako sa lighter at napa-kibit balikat.Maya-maya ay may naramdaman ako sa kaliwang tenga ko at biglang may bumulong."Katarina" bulong niya at biglang sumindi ang ilaw. Nakalimutan ko pala kasing patayin yung ilaw kanina nung nag brown out kaya bigla nalang sumindi nung nagkaroon na ng kuryente.Habang ibinabalik ko yung lighter at kandila sa altar ay nararamdaman ko na parang may tumatalsik sa braso ko na tubig. Yung parang umaambon, ganon. Pero pano mangyayari 'yun e nasa loob naman ako ng bahay, kaya tinignan ko yung kisame kung may tumutulo, pero wala naman. Habang naglalakad ako papunta sa kusina ay nararamdaman ko parin na parang may wisik ng tubig sa kanang braso ko. Hindi ko nalang pinansin dahil baka narin sa sobrang pagod kaya kung ano-ano nalang ang nararamdaman ko.Bago matulog ay ipinagdasal ko ang kaluluwa nilang mag-ina para hindi na nila ako gambalain pa. Kinabukasan, wala na akong naririnig na kumakalabog sa bodega at wala naring iyak ng bata twing nag-oon ako ng mic sa online class. Kaya nung hapon ay hinintay kong matapos 'yung mga nag-coconstruction doon sa tapat ng bahay namin para mapuntahan ko sila at ma-ipagdasal. Akala ko talaga ay hindi lang natapos ang bahay na ito, dahil may haligi siya ngunit wala pang bubong, 'yun pala ay nasunog kasama sila Katarina at ang anak niya.Maya-maya lang ay may dumating na van, 'yun siguro ang nakabili doon sa lupa kung saan namatay sila Katarina. Bumaba ang babae mula sa sasakyan at parang pamilyar siya sakin.Napatingin rin sa'akin ang babae dahil siguro ay napansin niyang grabe akong makatingin sakanya. Jusq, baka awayin pa ako nito ni ate ghorl!"Blake?" sambit niya na ikinagulat ko. Akala ko ay guni-guni ko lang na narinig ko ang pangalan ko, pero inulit pa niya ito."Luna Blake! Hija!" sambit ulit ng babae atsaka tinanggal ang face mask at face shield."Auntie Eloisa?" nagtatakang sagot ko atsaka tumayo at lumapit sa gate."Oo! Kay Kuya Elton mo ito! Dinalaw ko lang. Ay nako! Dito pala kayo lumipat, mabuti nalang at kamag-anak din ang kapitbahay niya" tuwang-tuwang sambit niya habang papalapit sa gate.Si Auntie Eloisa pala, ang tagal na kasi naming hindi nag-kita atsaka naka-face mask kasi kaya hindi ko na namukaan."Teka po, kunin ko lang po 'yung susi ng gate" paalam ko kay Auntie Eloisa atsaka dali-dali akong tumakbo papasok ng bahay para kunin ang susi. Pagkabukas ko ng gate ay agad ko siyang pinapasok."Ay wow! Ang ganda pala ng bahay niyo. Hindi manlang kayo nagsasabi na nakalipat na pala kayo dito sa subdivision" sambit niya habang inililibot ang mga mata sa bawat sulok ng bahay."Gusto niyo po ba ng meryenda?" pag-aalok ko sakanya ngunit tumanggi ito. Hindi ko tuloy alam kung pa'ano ko sasabihin sakanya ang tungkol kila Katarina."Auntie, pwede ko po bang masilip yung lupa ni Kuya Elton?" tanong ko sakanya."Ay oo naman! Lalo na kapag nagawa na 'yung bahay niya, punta ka lang jan. Gusto mong makita ngayon?" tanong niya. Mabuti nalang talaga at pinsan ko pala ang nakabili nitong lupa para hindi na'ko matakot na baka makasuhan ng trespassing kapag pumunta nalang ako bigla dito. Nasa ibang bansa kasi Kuya Elton kaya si Auntie Eloisa muna ang nag aasikaso dito.Agad kong hinanap yung bodega, kaso dahil nga nasimulan na nila itong bagbagin yung ibang parte ng bahay ay hindi ko na masyadong mamukhaan kung alin pa dito ang bodega. Ang luwang pa naman ng bahay, kaya pumunta ako sa pinakadulong parte at makikita mo talaga ang mga bakas ng pagkasunog.Para hindi naman magtaka si Auntie Eloisa sa gagawin ko ay umisip ako ng ibang paraan para maipagdasal sila Katarina."Auntie, ayaw niyo po bang ipabless muna ito kasi 'diba, may bahay nang nauna dito" tanong ko sakanya."Oo nga no, magang ideya yan hija. Sige, tutal sabado naman bukas. Samahan mo akong pumunta sa pari para ma-ipabless natin ito, para peaceful naman pag tumira na dito sila kuya mo" sagot niya na lalong ikinagaan ng loob ko."Sige po, Auntie" nakangiting sagot ko sakanya.Kinabukasan ay pumunta na kami ni Auntie Eloisa sa simbahan para sabihan yung Pari na ipapa-bless niya yung lupa ni Kuya Elton.Nung nasa bodega na nagbabasbas si Father ay pumikit ako atsaka taimtim na ipinagdasal ulit sila Katarina. Habang nakapikit ay biglang lumamig ang paligid, tulad nung isang gabi. Pagdilat ko ng mga mata ko ay nakita ko sila Katarina at ang anak niya na maaliwalas ang mga mukha at nakangiti.Nagulat sila Father at Auntie Eloisa dahil sa paglamig ng paligid at sabay pang napa-kibit balikat."Thank you" bulong saakin ni Katarina atsaka biglang lumiwanag. Nasilaw ako kaya napapikit ako ulit at pagdilat ko ay wala na sila Katarina at para bang biglang gumaan ang pakiramdam ko, dahil kahit papaano ay natulungan ko sila.After ma-ibless nung nasunog na bahay ay wala ng kumakalabog sa bodega, wala narin akong naririnig na iyak ng bata. Wala naring nang-gugulo twing may online class ako. Kaya kahit natahimik na sila ay patuloy ko parin silang ipinagdadasal.Yun lamang po, maraming salamat sa mga nag-hintay at nagbasa hanggang dito sa dulo.Hanggang sa muli!-KillerNurse

Ga verder met lezen

Dit interesseert je vast

377 87 33
Welcome to Felinaea, a world of enchanting beauty where the night sky sparkles with a thousand stars and the forests whisper ancient secrets. In the...
15.4K 422 11
Daniel, a beautiful omega, transfers to j high because of some problems at his old school. will he be able to fits in and finally make some friends...
30K 248 17
Valentines special that was never released.
25.9K 746 66
It's a book of quotes and thoughts hopefully it is very inspirational.