HYH #50 - Sacrifice

1.4K 39 3
                                    

DIANARA POV

Nakaramdam na ako ng sobrang kaba ng nag-umpisa na kaming maglakad saka hindi ako masyasong komportable dahil buong mukha ko na mismo ang tinakpan nila. Kaya halos hindi ako makahinga ng maayos mabuti nalang mabango 'tong telang pinampiring sa akin at mas mabuti nalang ay hindi nila tinakpan ang bibig ko.

"Saan niyo ba talaga ako dadalhin?!"

"........"

"Magsalita naman kayo oh!! Papatayin niyo ba ako?!"

"........"

"Gagahasain?!"

"........."

"Ililibing ng buhay?!"

"........"

"Isasabit sa puno ng patiwarik?!"

"........"

"Itatali sa alambre?"

"........"

"Isasampay sa sampayan?!"

"........"

"Lalatiguhin ng latigong tinik ni Dennis ng Ghost Fighter?!"

"........"

Ah. Ano pa nga bang iba?

"Ipapadle niyo ba ako?!"

"........"

"Ipapadala sa atlantis?!"

"........"

"Isasa--"

"Tumahimik. Ka." sabi nung isang lalaki.

Ngumuso nalang ako at napayuko. Parang nagtatanong lang naman eh. Para naman kung sakaling mapaghandaan ko naman.

Lakad lang kami ng lakad. Papunta sa lugar na hindi ko nga alam hanggang sa bigla nalang silang tumigil sa paglalakad kaya lang ay hindi ko namalayan kaya napahakbang pa ako ng tatlong beses at bumunggo sa isang tao pero bigla nalang akong hinila paatras ng isa sa mga lalaki.

"Dyan ka lang. Wag kang gagalaw." utos ng isa sa kanila kaya naman sinunod ko na rin.

Napayuko nalang ako sa pag-iisip na ito na nga ang katapusan ko. Ito na talaga ang oras ko.

Pero bakit hindi pa nila tinanggal 'tong piring ng mata ko? Basang basa na kasi eh.

Aalisin ko na sana ang piring ko ng may magsalita.

"Stay still. Don't move." ma-otiridad na utos niya. Siya na ba ang Boss ng mga kidnapper ko?

Hindi na ako gumalaw tulad ng utos niya. Baka kasi isang galaw ko lang ay may sumabog na. Malay ko kung may mga bomba pala na nakapalibot sa mga paa ko?

Maya maya'y naramdaman kong may tao sa likod ko. Hala. Gagahasain niya ba ako mula sa likod? Napapakit ako kahit na may piring ang aking mga mata at naikuyom ko ang mga kamay dahil wala akong magawa.

Napamulat na lang ako ng malaman kung anong ginagawa nito. Saka ko nalang napansin na wala na yung piring ko. Unti unti kong minulat ang aking mga mata peri sobrang dilim.

Nasaan ako?

Anong ginagawa ko dito?

Bakit nila ako dinala rito?

*Tak*

Napalingon ako sa pinanggalingan ng tunog. Nagulat nalang ako ng may ilaw na at naka-spotlight ako ngayom.

Ano 'to?

Sa ganitong paraan ba nila ako papatayin?

Baka naman may audience pa na hindi ko alam?

Heal Your Heart 1 ✔Where stories live. Discover now