HYH #45 - Gift From Her

1.4K 43 6
                                    

DIANARA POV

Ang ganda naman ng pagkakagawa sa kung paano yung set up ng kasal. Para siyang circle tapos magkapartner naman sina Zaimyl at Xairyl dahil sila mauna. Partner ko din si Zachary na seryoso lang. Kumbaga, katapat lang namin yung kambal sa Circle.

Bale 9 Boys at 9 Girls ang kasama sa bilog, 20 kami kasama sina Zaimyl at Xairyl. Kapag nag-umpisa na yung tugtog ay magsasayaw muna ang bawat isa, saka nalang magpapalit ng partner kong naiba na yung tugtog. Though, umaabot lang naman ng 3 minutes yun.

Ilang minuto nalang ay malapit ng mag-umpisa ang sayawan pero itong partner ko ay mukhang may iniindang sakit o ewan baka na-c-cr na 'to? Hindi lang nagsasabi?

"Okay ka lang?" Hindi ko na natiis itanong sa kanya.

"Uh.."

Napakunot noo ako. Bakit kaya? Problema nito? Kanina pa din siya palinga linga sa mga kasama namin.

Maya maya'y nahuli kong nakatingin siya sa mga paa ng mga sasayaw.  Ah. Alam ko na. Kaya naman pala pinagpapawisan siya ng gabutil ng monggo eh.

"Oy!" Sabi ko sabay kalabit. Bahala na kung feeling close ako. Kahit na ngayon lang kami nakapag-usap ng ganito.

Tumingin naman siya sakin na parang nagulat at kinakabahan. Natatawa tuloy ako pero pinipigilan ko lang baka masapak ako. Alam niyo naman gangster yan eh.

"Wag kang mag-alala, tuturuan kita. Basta, sumabay ka lang sa Rythm ng tugtog. Palambutin mo yang tuhod mo at ang panghuli. Enjoy ka lang!" Sabi ko ng mag-umpisa narin ang tugtog.

Ako na ang naglagay ng kanan niyang kamay sa balakang ko at ipinatong ko ang kaliwang kamay ko sa balikat niya habang magkahawak na ang aming magkabilang kamay.

Mabuti nalang may mga sayawan sa probinsya namin at nakikisali rin ako sa mga yun lalo na kung pa-contest. Sayang kasi yung premyo.

"Ah. Ganito lang pala?"

Tumango tango ako na nakangiti. "Ang saya kaya! Enjoy lang!"

Ngumiti din siya. "It's really good that you're my very first partner."

Nosebleed!

"English? Wag naman!"

Natawa siya sa sinabi ko. "Hahaha sorry."

"Hahaha okay lang, hindi lang talaga ako sanay."

"Now I know why Zaimyl is being like that."

Ano daw?

"Huh?"

Napailing iling na lang siya "Nothing." Tapos tatawa. Ano bang nangyayari sa mundo ngayon?

"Eh? Ah. Anong nakakatawa?"

Tumawa uli siya. "You're innocent."

"Uh. No, I'm not. Nursing student ako kaya alam ko na yung ganung mga bagay." Paliwanag ko.

"Hahahaha no, no. That's not I mean. Only guy knows it."

"Boy talk ba yan?"

"Seriously, ganyan ka ba talaga?"

Napakunot noo naman ako "Anong ibig mong sabihin?"

"Na sinasabi mo ang lahat ng nasa isip mo."

"Ah, yun lang pala."

"Mukhang malapit ng matapos ang 3 minutes."

"Oo nga eh, basta enjoy lang! Sabay tayong umikot at humakbang. Ako sa kanan, ikaw sa kaliwa."

"Thanks. Bye."

"Bye din."

Saka na ako humakbang at umikot papunta sa ibang partner. Nakita kong ganun din ginawa niya.

Heal Your Heart 1 ✔Where stories live. Discover now